5am. Nagj-jogging ako sa park malapit sa Academy.
Isang linggo na ang nakalipas mula nung bakasyon namin. Mula nung gabing yon..
'At yon ay dahil sayo Karylle.'
Waah! Mababaliw na ko kakaisip, may ibang ibig sabihin kaya iyon? Pero parang wala naman dahil after non, wala namang nagbago sa turing nya sakin. Mapangasar parin siya at mayabang.
Pero tama si Anne, parang nagiging caring at concern narin siya sakin. Pero ganun na naman sya sakin dati eh.
Pero anong ibig sabihin nya nung gabing yon? May ibig sabihin ba talaga yon?? Waaaah!!
Karylle : MOMMY!!
At sa isang iglap, nakuha ko ang lahat ng atensyon ng mga tao sa park. Ang husay mo talaga Karylle.
Sa hiya dali akong tumakbo pabalik ng Academy, marami paring nakatingin sakin kaya pumikit nalang ako at mas binilisan pa ang takbo.
At pagmulat ko may lalaki ring tumatakbo na nakatingin sa likod kaya, BOOM. Nagkabungguan kami sa bilis ng takbo ko napaupo kami pareho.
Aray! Napahawak ako sa balakang ko. Tinignan ko naman ang lalaki, pinupulot nya ang mga litrato na naka kalat. Hawak nya siguro to bago kami magkabungguan.
Nilapitan ko sya at tinulungan siya sa pagpupulot.. nagulat ako dahil iisa lang ang nasa litrato. Si Vice.
Karylle : Teka bat ang dami mong picture ni Vice?
Stalker kaya sya ni Vice? Pero masyado siyang gwapo para maging stalker. Admirer? Bakla kaya to, sayang ang fez.
"You've caught me Miss, I am working under the Vicerals at pinadala ako dito check up on their heir."
Karylle : Kay Vice? He's doing great naman. Tara samahan kita sa loob.
"Di niya pwedeng malaman na nandito ako, Im here to observe him secretly"
Karylle : Ganon okay sige tutulungan nalang kita Mister..?
"Mr.Marco. Joseph Marco, that would be a big help but ngayon lang kita nakilala, what's your relationship with Vice?"
Relationship? With Vice? 'At yon ay dahil sayo Karylle.'
Karylle : Relasyon? Wa-wala kaming relasyon?
Medyo napataas ang tono ng boses ko, in a defensive tone. Kaya nakita kong naguluhan si Joseph.
Karylle : I mean magkaibigan kami. Oo magkaibigan lang kami. Ngayon mo lang ako nakilala dahil ako ang bagong Starlington. My name is Karylle Tatlonghari.
-
Bago mag start ang klase, nandito muna kami lumalagi sa favorite place namin, ang garden.
Sana di nila mahalata, lalo na ni Vice.
Billy : Good Morning..K?
Karylle : Good Morning.
Masayang bati ko, sabay upo sa upuan ko na katabi ni Vice. Nginitian ko naman silang lahat, pero napalitan yon ng gulat ng biglang inilapit ni Vice ang mukha nya sakin.
Karylle : B-ba-bakit?
Ang lakas ng tibok ng puso ko, marahil dahil sa kaba. Sa kaba nga ba?
Vice : Why are you wearing nerdy glasses?
Karylle : Kasi masakit ang mata ko.
Pagdadahilan ko, at daling nilayo ang mukha ko sa kanya.
Vice : Ms.2nd ranking, ang cute mo pala pag mukha kang nerd.