chapter 7

21 0 0
                                    

Nanlaki mga Mata KO sa nangyari. Gosh! Nakabangga ako ng new model at very expensive Lamborghini Veneno car. Haisssst... Kung minamalas ka nga naman! Bumaba agad ako para makita yung damage. May yupi din yung sasakyan KO.

Bumaba rin ang may Ari ng sasakyan. Goshhh!!! He was so gorgeous in his set of gray tuxedo and shades. Parang nag stop ang pag rotate ng earth sa akin looking to this hot and sexy man. Papalapit siya sa akin and I smiled. Landeeeee!!! Nang makalapit na ito sa akin ay.....

Sumigaw ito.

"YOU are a RECKLESS driver! Nakita mo tong ginawa mo ha?" Sabay turo sa nayuping sasakyan. Aba! Hindi porket bumaba ka sa Mt. Olympus eh kinekembot mo lang ang beauty KO.

Sumigaw din ako. "Eh bat kasi susulpot ka nalang? Reckless ka din"

"What the f*ck! I will not tolerate this reckless lady!" Pinag suntok pa nito ang dalawang kamao. Manny pacquio ang peg?

"Hoy! Huwag mo akong mamura-mura dahil ikaw ang dapat na minumura!" Lakas ng boses KO.

Tinanggal nito ang shades. Pair of blue eyes? Foreigner? Gwapooooo.

"Shit! You don't know what you are dealing with!" Aba! Balak ba nitong sumali sa audition ng conjuring? Nanakot eh.

"Bakit? Nakikipag deal ba ako sayo?" Sorry ka boss. Mahilig ata to sa horror films. Lalaking conjuring na ang tawag KO sayo.

"You don't know how much is that car!"

"Eh di bayaran KO!"

"As if you can?"

"Mayaman ako!" Pera lang pala eh.

"Tignan natin kung hindi ka mamulubi!"

"Tatawag ako ng pulis!"

"Go! Sabihin mo rin na kasalanan mo." Ang kapal Neto.

"Ikaw ang may kasalanan nito!"

"How many cars have you already damaged? Baka may naaksidente ka na!"

"Wala kang pakialam! Ilan na ba ang siniraan mo ha?" Resbak ako.

"Hindi KO hahayaan na palagpasin ito. Magdusa ka!"

"Lalaban ako. Para sa bayan katulad ni pacman!" Hiyaw KO.

Dumating na ang mga police patrols. Argghhhh.... Bakit naman ganito? Nagmamadali ako eh. Malas! Kung hindi Sana basta-basta sumulpot yung lalaking yon eh di Sana malapit na ako sa port. Kasalanan ng lalaking ito. Hindi KO siya uurungan. Murahin ba naman ako? Arhhgggg.

Sa presinto...

Si chief officer nagtanong "Bakit niyo binangga ang sasakyan ni sir?"
Ano? Sinadya KO ganon?

"Bigla siyang sumulpot at nagkabanggaan kame!" Kaswal na sagot KO. Yung lalaking conjuring may kausap sa cellphone. Kahit nakatalikod seksi paren. Haisssstttt. Umayos ka Aiza! Enemy mo yan!

May mga tanong pa si chief at mabilis Kong sinasagot. I need to get out of here!

"Kayo po pala si Ms. Aiza Lorraine De Silva Mendelez? May Ari ng Marianas hotel and resorts?" Tanong ulit ni chief.

"Yes chief! May tanong pa po ba kayo?" Nagtaka ito.

May dumating na isang gwapong lalaki sa presinto. Kaso payat ito. May pinakitang files Kay lalaking conjuring. May lawyer na agad ito? Agad agad? Masama ito girl!

Bumalik si conjuring sa kinauupuan niya. Siya naman ang tinanong ni chief.

"Kayo po ba si Mr. Trent Gio Fonacier Alleje?" Sounds familiar ang name ha? WHATEVER!

perfect imperfections of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon