chapter 20

8 0 0
                                    

Pabalik na ako ng manila galing sa batanes. I visited my hotel branch na kasalukuyang ginagawa. Hayyy. It was indeed a peaceful weekend to me. Ang ganda sa lugar na iyon.

As I walk out from the plane ay todo ngiti ako. Isasama ko ang aking mga friends sa opening ng branch para makapag enjoy at relax na rin.

Paglabas ko ng departure area ay..

Click!

Shot!

Sinalubong ako ng mga flashes ng camera at mga media agents na di ko naiintindihan ang mga sinasabe. Ang dami nilang tanong.

"Ma'am, totoo po ba na kayo ang rumored fiancee ni Mr. Trent Alleje?" Nanlaki mga mata ko.

"Totoo po ba na inililihim niyo ang tungkol dito?"

"Buntis po ba kayo?"

"Paano po kayo nagkakilala?"

Wahhhhh! Lubayan niyo ako.

Pinalibutan nila ako kaya di ako maka alis. Ang dami nilang tanong pero ni isa ay wala akong sinagot.

Suddenly, someone grab my hands at pilit akong nilalayo sa crowd. Dumami pa ang naki usyoso na madlang pipol. Pilit akong nilalayo ng taong ito sa komosyon. Ng makakuha kami ng tiyempo ay naka takbo kami ng mabilis palayo. Hinabol kami ng mga media pero patuloy parin kaming tumatakbo habang hawak niya ang aking kamay. Nang masiguro namin na hindi na kami nasundan ng media ay huminto na kami at hingal ng hingal. Naka jacket ang lalaki at nakasumbrero. May takip pa ng panyo ito sa bibig at ilong. Mata lang ang makikita mo. Blue eyes?

"K-kumag?" Nagtatakang tanong ko.

"Kumag? Is that how you dear my brother?" Tinanggal nito ang panyo at sumbrero. Gosh! Kahawig ni kumag. Wait? Brother?

"B-brother? Who are you?"

"I'm Troy. Kumag's brother! Ha-ha! I like the way you call him. Kumag?" Napatawa pa ito ng husto. Nakakunot ang aking noo.

"So? Nakipag deal ka talaga sa cheater na yon?" Biglang sumeryoso ito.

"What are you saying?"

"Oh c'mon! I know how my brother's mind works. Nakipag deal sayo for his trust fund? Ano mga kapalit? I don't think it's money because you are rich." Naningkit mata ko.

"What if dahil sa money nga?" Grrrr. Another devil!

"Then tatapatan ko! Sa akin ka nalang makipag deal." Naningkit pa lalo mga eyes ko.

"I'm not making it for my trust fund. Kahit wala na sa akin yon. I just want to help you for your freedom." Hinawakan niya kamay ko.

"He is a cheater. It is unfair! Deal with me, you will be free. Besides, I can protect you! See what happened earlier? Hindi man lang siya nag iisip bout your protection. He knows, ma imemedia ka then ganon nalang? I can still see your reaction when the crowd started to ask you."

Shock ako! Pabalik balik mga sinabe niya sa akin. May point siya.
Huminga ako ng malalim.

"By the way Troy, thank you for saving me!"

Ngumiti ito. Bakit ba ang gwapo ng magkapatid na Alleje?

"Your welcome. You deserve to be protected. Sana ako nalang ang unang nakakita sa iyo. Think about my deal. See you around!"

Umalis na ito samantalang ako ay parang natusok sa kinatatayuan. I recall what happened kanina. Geez! Ang beauty ko maeexpose na! Haist! Kasalanan mo ito kumag!

.....

Jade called me na huwag ng dumiretso sa hotel dahil naka antabay ang mga media doon even in my condo unit. Yung mayor doma naman sa mansion ay ininform ako na huwag ng dumiretso sa mansion dahil may media din doon. What?????? What is happening? I felt like a bird na sira ang pakpak. Kasalanan mo ito kumag. I turned off my phone. May mga new number na kasing nagsisitawag. Nasa private parking lot ang aking sasakyan dito sa airport. Kung babalik ako doon ay baka masundan na naman ako ng mga media. Haist. Pumara ako ng taxi. Sumakay ako agad.

perfect imperfections of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon