Steff's POV
Three months later... walang nabago sa mga nangyayari. Chikahan, kulitan, tawanan. Paulit ulit lang. Until may nangyaring kagimbal gimbal. Ang pagbabalik ni mortal enemy. Nagulat ako kanina nang pagkapasok ko sa room, nandun na sya. Andaming lalaki sa room namin kanina dahil sa kanya. Halos lahat ng lalaki lumapit sa kanya maliban lang dun kina Prince haha. Hindi nya makukuha sakin si Prince. Haha kausap kasi nina Prince si Nine kaya siguro di nila napansin yung hinayupak na babaeng yun bwahaha. Nalilito na siguro kayo kung sino ang tinutukoy ko. Haha pasensya na sa words ha. Talagang nakakasura lang talaga yung babaeng yun. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ai Amber Reyes. Pupurihin ko muna sya. Maganda. Sexy. Maputi. Pero masama ang ugali. Malandi sya. Kaaway namin sya since first year to second year. Di na kase namin sya kaklase nung third year eh kase nagtransfer. Tapos ngayon nagbalik sya?? -.- No way. Alam nyo ba ang mga pinaggagawa samin ni Amber noon? Binuhusan ng paint sa cr. Nilagyan ng bubble gum ang upuan. Basta madami pa
Nakakainis. Buti na lang at medyo mabait pa kami kase hanggang sabunot lang nagawa namin sa kanya bwahaaha.
"Steff.. pano na tayo nyan? The evil is back!"-Trixie
"Hmm.. hayaan na naten sya. Hanggat di nya tayo pinapakialaman, wag na muna naten sya paakialaman."-me
Tapos pumunta ako kay Nine para ibalita sa kanya na Amber is back. Mukhang di nya napapansin eh. Masyado yatang busy.
"Nine!" Tawag ko sa kanya.
Lumingon sya sakin. At sinabing...
"I know. I saw her.-.-"-Nine
Alam nya na pala.
"Ah alam mo na pala. Hihi. So pano na yan?"-tanong ko
"Ah.. excuse lang Steff ha may pinag uusapan kami eh.."-Dwayne
Ah oonga pala they're busy.
"Ah.. sorry."
Tapos nun tumalikod na ko at pupunta na ulit kina Trix kaya lang nabunggo ko si Amber. Patay.
"Oh! Look at you na! How are you na Steffie?!"-Amber
"Ah-eh... uhm...ok naman. ^_^"
"Talaga? You're ok parin? How sad naman for me. Sana hindi na lang ako nagtanong."
Huh? So anong ibig nyang sabihin? Na sana hindi ako ok ganun? Nag hahanap ba sya ng away.
"Amber.. ayokong makipag away.. aww."
Letse tong babaeng toh!! Tinulak ba naman ako.
"Amber!!!"-awat samin ni Nine
Nakita kong nakapalibot na samin yung mga kaklase namin. Nag aabang siguro sila ng sabunutan o kung ano mang away.
"Aba aba aba. Nandito ka pa rin pala Nine. Oh look!. Nandito pa rin pala kayong apat. Mga bwiset sa buhay ko."-Amber
Aba sumusobra na sya ha.
"Ano bang problema mo Amber? Anong kasalanan namin sayo?"-me
"Saka bakit ka pa bumalik??!!!"-Trix
"Bumalik ako? Well, revenge. Ayaw nyo?"-Amber
"Revenge???"-gulat na sabi ni Ria
"Amber ayaw namin ng away pwede ba!"-Nine.
Naks ang tapang ni Nine.
Pagkatapos nun tinulak ni Amber si Nine. Ano bang problema ng babaeng toh. May diperensya na yata sa utak. Inggit kadi sya samin eh.
Tapos syempre sumagot din si Nine dun. Di papatalo si Nine noh.
BINABASA MO ANG
LUCKY IN LOVE
Teen FictionSabi nila, the best feeling in life is when you fall in love. Andun yung kilig, saya, at marami pa! Paano kung mainlove ka sa isang taong masasabi mong 'nasa kanya na ang lahat'. At paano kung nagkagusto din sya sayo? Masasabi mo ba sa kanyang "I'm...