Xander's POV
Maaga ulit akong pumasok ngayon. Pagkadating ko sa room... akala ko ako na ang pinaka maaga. Hindi pala. Mukhang may nauna na sakin. Nakadecorate ang room namin na para bang valentines. At may mga rosas sa upuan ko. Este. Hindi sakin. Kay Nine. -.- Ilang saglit pa eh nagsidatingan sa room ang mga kaklase kong varsity ng basletball maloban lang kay Dwayne. Alam ko na kung sino ang may pakana nito. Si Toby.
"Tol! Anong meron?"-tanong ko
"Eto. Liligawan na ni Toby si Janine ^_^"-sabi nung isa
Ano?!!! Ang mokong na yun manliligaw kay Janine!!! Arrrgh!
Maya maya pa nagsidatingan na yung mga kaklase namin at yung mga babae dito, hindi pa nanliligaw si Toby kay Nine eh kinikilig na agad sila. Tss. Hindi pa rin kasi dumarating si Nine.
"Uy! Bakit ganito ang room natin."-tanong ni Brent
"Manliligaw daw si Toby kay Nine ngayon."-sagot ni Dwayne
"Wow!!! Nakakakilig naman liligawan ni Toby ang bestfriend ko!!!"-sabi ni Trixie
"Manahimik ka nga dyan. Tutol kame dyan."-sabi ni Brent
"Baket? Anong masama dun? Ayos nga yun eh magbabalik na ang tambalan nila!!!!"-Trixie
"Yieeeeh! Ang tagal naman ni Nine dumating. Siguradong kikiligin din yun."-Ria
"Bakit naman kikiligin si Nine kay Toby?"-Brent
"Di nyo ba alam? Ex crush yun ni sizzy Nine."-Ria
Ano! Ex-crush!
"Ha! Bat mo sinabi Ria! Lagot tayo kay sizzy Nine."-Trixie
"Ano ka ba! Past na naman yun kaya ok lang."-Ria
"Anong nangyayare mga sizzies?"-tanong ni Steffie na kadadating lang.
"Liligawan ni Toby si Nine!!! Yieeh I'm so excited. Ang tagal naman ni Nine."-tuwang tuwang sabi ni Ria.
"Ay..."-pagsimangot ni Steffie
"Bakit?"-tanong ni Trixie
"Hindi ako boto kay Toby eh..."-sabi ni Steffie sabay may pagkindat pa sakin.
Ha? Hindi kaya alam na nya? Obvious ba ko? O baka naman may nagsabi?
"Bakit? Pogi naman. Gentleman. Sweet. Matalino. Magaling magbasketball. Magaling kumanta. Tinitilian din ng mga babae. Ano pang hahanapin mo kay Toby?"-sabi ni Trixie
Tss. Puro papuri. May kulang pa. Mayabang. Matinik nga sa chicks pero may pagka babaero. Eh taon taon iba't iba ang girlfriend nyan eh!
"Hmm... may ibang lalaki akong bet para kay Nine. Yung matalino. Tahimik. Humble. Gentleman. Gwapo din. Marunong din mag gitara at mag drums at mag piano. Tinitilian din ng mga babae. May pagka sweet din siguro. Maalalahanin. Caring! Loving. Di nga lang sya masyadong honest kasi nagtatago ng feelings. May katorpehan din kase."-sabi ni Steffie tapos siniko pa nya ako.
Hehe. Hindi naman halata pero ako yung tinutukoy nya.
"May tinutukoy ka ba Steff?"-tanong ni Brent
"Hmm... wala naman.. pero kubg meron man siguro alam nyo na yun."-sagot ni Steffie
"Paano mo nalaman Steffie?"-bulong ko.
"Wala ka bang tiwala sa utak at mga ko?"-bulong din nya
"Whaaaaaaaaa!!!!!"-tilian ng mga babae
Nakakagulat sila. Nagsimula na kasing kumanta ang mokong dahil dumatong na si Nine. Dala dala na nya yung roses na kanina lang ay nasa table ni Nine.

BINABASA MO ANG
LUCKY IN LOVE
Teen FictionSabi nila, the best feeling in life is when you fall in love. Andun yung kilig, saya, at marami pa! Paano kung mainlove ka sa isang taong masasabi mong 'nasa kanya na ang lahat'. At paano kung nagkagusto din sya sayo? Masasabi mo ba sa kanyang "I'm...