Chapter 4: Saturday \\(^_^)//

9 0 0
                                    

Steffie's POV

"May gusto ako kay Janine."

"May gusto ako kay Janine."

"May gusto ako kay Janine."

Nung sinabi nya yun kagabi may sobrang laking bato na ang bumagsak sakin. Arayy!!! Talaga. Buti na lang at may biglang bumusina sa labas. Sinundo na ko ni manong driver. Kase naman gusto ko na talagang umalis sa bahay nila. Andaming batong malalaki na bigla bigla na lang babagsak sayo. Sa dinami dami ng babae bakit bestfriend ko pa!T_T. Umalis na ko nun pagkatapos. Sya na lang daw ang tatapos ng painting. Nakangiti pa sya nung sabihin nya yun. Hay letseee!!! Letse talaga! Di tuloy ako nakatulog ng ayos.

Saturday ngayon at ngayon gagawa ng arts project sina Nine at Ria. Sina Trixie kase tapos na kahapon pa. Pano ang swerte ni Trixie at bestfriend nya kapartner nya ehdi syempre di na sila magkakahiyaan kumilos para sa paggawa ng project.

Hayy gusto ko pa matulog!!! Puyat pa ko. -o-

**********

Nine's POV

Hayy saturday na!!! Thank God! 7:30 palang nakahanda na ko haha kaya tambay muna ako dito sa kwarto ko. Kinuha ko ang cp ko tas binuksan ko.

4 messages receive.

From:09*********

Hi Janine.

------------

From:09*********

Hello. Kamusta?

------------

From:09*********

Good evening! ^_^

Tulog ka na ba???

------------

From: 09*********

Good night Janine ^_^ Sweet dreams.

------------

Kainis! Sino ba toh?

*tootoot*(phone beeping)

1 message receive

From:09*********

Roses are red

Violets are blue

Those beautiful flowers

Reminds me of you

Good Morning! ^_^

She's so beautiful

Gm.

---------------

What the.. sino ba toh?

*beeeeeep*(busina ng kotse ni Xander)

Dali daling akong lumabas ng kwarto at nagtatakbo papunta sa kotse ni Xander

"Anjan na ko!!! Waiiit!!!!"-sigaw ko

Tumakbo ako papuntang kotse ni Xander. Ganda ng kotse ha. Palibhasa yung daddy nya isa sa share holders ng kompanya ng toyota haha astig!!!

"Xander. Daanan natin si Ria sa bahay nila."

"Ok."

"San nga pala gagawa?"

"Samin."

"Sa inyo? Wow. May pagkain ba dun??? ^_^"-tanong ko. Gusto ko kase kumain ngayon eh. At dahil.mainit gusto ko ng ice creeeeeeaaaam!!! Yummmmmmmy!!!!!

"Madami."

"Madame? O.O Talaga??? Yeheyy!!!! Ice cream ha. Gusto ko ng ice cream."-sigaw ko habang pinaglalaruan yung upuan haha tumatalon talon ako na parang bata haha napatawa naman sakin si Xander

LUCKY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon