Steffie's POV
Natapos na yung play namin sa english haha maganda naman yung kinahinatnan nung amin haha pero yung kina Nine, ang gulo nung kanila! Hahaha. Feel na feel kong maging Helen kanina. Lunch namin ngayon at himala dahil kasama naming apat yung mga lalake. Nagyaya si Brent ng lunch samin eh. Pumayag naman kami. Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant. Libo ang halaga ng isang pagkain dito. Haha minsan lang naman kami magwaldas ng pera kaya go lang. Kanina pa namin hinihintay yung order namin.
"Ang tagal naman!"-Reklamo ko
"Malapit na yun."-Dwayne
"Sa dami ng inorder natin, talagang medyo magtatagal yun lutuin."-Brent
"Ang ganda naman dito."-puri ni Trix sa restaurant.
"Sino may ari ng restaurant na to?"-tanong ni Ria
"Si Amber."-sagot ni Dwayne
"Si Amber!!! O.O"-sigaw naming apat
"Oo. Saka di mo ba nakikita couple's reataurant toh. Puro mga nagdedate oh."-sabi ni Brent
"Oh anong gusto mo gawin natin? Umalis dito?"-Trix
"Eh bakit dito tayo kumain?"-Ria
"Masarap kasi pagkain dito haha"-Dwayne
"Talaga? Nakakain na ba kayo dito?"-usisa ko
"Hindi. Hehe. Feeling ko lang. ^_^"-Dwayne
"Amm excuse me ma'am sir. Mahigpit po na pinagbabawal na pagdikit dikitin ang mga lamesa dito. At bawal din pong mag ingay."-sabi nung isang waitress
Isang lamesa lang kase at dalawang upuan ang arrangement ng mga lamesa nila. Pang couple nga kasi kaya pinagdikit dikit namin yung mga lamesa namin. At yun ay idea ko!!! ^_^
"Panu yan? Tayo na lang magkasama sa isang table Trix"-sabi ni Brent
"Ayoko nga! Si Ria na lang kasama ko."-Trix
"Ano ka ba Trix! Pinagtampo mo tuloy si Brent haha!"-sabi ni Nine sabay kindat kina Dwayne. Nagpout naman si Brent.
"Steff, ayaw mo ba nun? Magkasama kayo ni Prince sa isang table."-bulong sakin ni Nine. Magkatabi kasi kame.
Syempre gusto ko yun.
"Ok. Sige na."-pagpayag ni Trix
At inayos na namin ang mga table namin.
Kusang lumapit si Prince sakin at umupo. Si Nine naman pumunta kay Xander at si Dwayne at Ria ang natira kaya sila yung magkapartner. Huh? Kung sino magkatabi sa upuan ganun? Teka bakit pumunta si Nine kay Xander? Bat hindi kay Dwayne? Ang daya talaga ni Nine.
Hinintay namin yung pagkain and then tsibog na!!! Yoohoo.
*************
Nine's POV
Recess ng hapon at nandito kami sa meeting room.
"Ang galing mo Nine magplano ng seats ha."-Brent
Haha lol. Dapat sina Prince at Steff lang at Dwayne and Ria ang plano ko. Tapos kaming dalawa ni Trix. Panira nga tong si Brent.
"Haha ang ganda ng Group date natin. Ang sarap pala kausap ni Ria?"-Dwayne
"Group date.?. O.o"-me
"Bakit? Hindi ba yun group date? Group date ang tawag dun kaya."-Brent
"So inamin mo na nag date din kayo ni Trix kanina?"-pang aasar ko kay Brent
"Oo. Kayo din naman ni Xander ha."-sabi ni Brent. Pagkasabi nya nun, agad na binatukan ni Xander si Brent. Haha ang sweet nila.
"Haha ang swerte ko naman! Nakadate ko si Xander.^_^"-pagsakay ko sa kung anumang trip nila haha at pagbibiro ko na din.
Napatingin naman sakin si Xander nang sabihin ko yun.
"Nine!!! Nine!!!! Where are you?"-narinig kong sigaw nina Trix at Ria
Hinahanap yata nila ako. Hindi naman obvious haha.
"Uy sina Trix yun ha. Buksan mo yung pinto para makita tayo."-sabi ni Dwayne
Binuksan ko ang pinto tapos sumigaw ako.
"Andito ako!!!"
Nakita naman agad ako nina Ria.
"Sizzy!!! Sizzy!!!"-mangiyak ngiyak na sigaw sakin ni Trix
"Bakit?"-kinakabahang tanong ko.
"Si Steff!!"-Trix
"A-anong nangyari?!"-tanong ko pa
"Nasa clinic sya ngayon. Huhu."-Ria
"Si Steffie? Bakit?"-tanong naman ni Brent
"Ano pa ehdi nabiktima nanaman ng 'Amber's trick'."-Trixie
"Whaattt!!"-me
Talagang yang si Amber!! Namumuro na sya sakin. Talaga naman.
"Bakit naman sya sasaktan ni Amber. Ano bang ginawa ni Steff?"-tanong ko
"Hi-hindi ko alam."-Ria
Pagkabanggit nun ni Ria. Tumakbo na at sumugod si Prince papuntang clinic. Kaya sumunod kami at tumakbo din.
Nang nasa clinic na kame, kinausap namin yung nurse. Nagka sprain daw si sizzy sa kanang paa nya. Kailangan lang daw niya itong ipahinga. Nadulas daw kasi sya sa Cr. Di namin alam kung pano at kung ano yung nilagay ni Amber para madulas sya. Pero sigurado kaming si Amber ang may gawa nun. Kitang kita nina Trix yung eksena eh. Nagkasagutan din kasi sina Steff at Amber bago mangyari yun. Di na namin papatulan si Amber dahil si Steff daw yata ang nauna. Hayy... napasobra yata ang pagkapalaban ni Steff. Hayyyy...
"Ano bang ginawa mo Steffie?"-tanong ko
"Kanina kase bumili ako sa canteen ng tubig tas nabunggo ko sya. Eh saktong may dala syang spaghetti. Ayun natapon sa kanya kaya namantsahan yung damit nya. Tapos nung mag ccr na ako, kasama ko nun sina Trix kaya nakita nila. Bigla na lang ako nadulas eh yung kanang paa ko yung napuruhan kaya heto :'(."-paliwanag ni Steff.
"Are you ok na?"-tanong ni Prince kay Steff.
Nakita ko namang namula muna si Steff bago sya sumagot. Aba. Improving si Prince ha. Umaabante na!
"Yah. Ok na. :)"-sagot ni Steff na naka ok sign pa.
"Grabe! Akala ko kung napaano ka na Steff! Pinag alala mo kami."-sabi ko.
Nasa clinic si Steff hanggang labasan. Kami namang tatlo nina Trix, hinintay namin maglabasan tapos hinatid namin si Steff sa bahay nila. Walang tao kundi yung mga yayas lang nya. Nasa abroad kasi yung parents nya.
Hayy... 2 weeks tuloy syang di makakapasok...
BINABASA MO ANG
LUCKY IN LOVE
Teen FictionSabi nila, the best feeling in life is when you fall in love. Andun yung kilig, saya, at marami pa! Paano kung mainlove ka sa isang taong masasabi mong 'nasa kanya na ang lahat'. At paano kung nagkagusto din sya sayo? Masasabi mo ba sa kanyang "I'm...