Xander's POV
Nandito kami sa meeting room naming apat. Nagpaplano. Tungkol saan? Malalaman nyo rin.
"Sa foundation month natin yun gagawin"-Prince
"Sa february? Ang layo pa nun ha!"-Dwayne
"Ok yun. Atleast makakabuo kayo ng lakas ng loob."-Brent
Tss. Wala akong balak makisali sa usapan nila. Bahala sila.
"Oonga! Bat di natin isakto sa valentine?"-Dwayne
"Good idea."-Prince
"Ikaw Xander? Ayaw mo ba talagang sumali?"-Prince
"Ayoko."-sabi ko
"Sus. Alisin mo nga yang katorpehan mo Xander!"-Dwayne
Tss. Torpe na kung torpe basta ayoko. Kung makatorpe tong si Dwayne parang di din sya torpe haha.
"Hindi rin naman kasali si Brent diba?"-tanong ko
Alam kong hindi talaga sasali yang si Brent. Wala naman syang nagugustuhang babae ngayon. Palibhasa masyado yatang nasaktan sa huling syota nya.
"Syempre hindi. Sila sila lang yan."-sagot ni Brent
"Bakit ba kasi ayaw mo pang ligawan si Janine ha Xander?"-Dwayne
A-ano?! Napakadaldal talaga nito! Gusto ba nyang tambangan ko sya sa kanto mamaya.
"Oh bat di ka sumasagot Xander. Bakit nga ba ayaw mo syang ligawan? Ang torpe mo talaga haha"-Brent
"Tinutulungan ka na nga namin tol ayaw mo pa rin? Lagi na nga nating kasama su Janine di ka pa rin makadiskarte. Torpe talaga tsktsk.."-Prince
"Tumahimik ka! Nakalimutan mo na bang sinabi mo kay Steffie na ang gusto mo ay si Janine. Siguradong ang alam na din nina Trixie ay si Janine ang guato mo at hindi si Steffie. Dapat aamin ka nung araw na yun pero di mo magawa. Kasi torpe ka din. Aminin mo na."-pang aasar ko kay Prince
"Haha Dwayne tawagin mo nga si Janine. Sasabihin natin ang bago nating plano."-Prince
A-ano? Si Janine nanaman? Nahihiya ako pag kasama namin sya. Oo. Kasi may gusto ako sa kanya. Matagal na.
Pano ko nga ba nagustuhan si Janine?
Ganito yun.
First year ako nun. Tinawag kami ng adviser namin para magpakilala isa isa sa unahan. Tapos na kaming magpakilala lahat maliban sa isang babae. Nag makita ko syang pumunta sa unahan, *tugtug* *tugtug*. Ang ganda nya at mukha syang mabait.
"Hi. I'm Janine Gonzales. You can call me Nine."
Hindi ko malilimutang sinabi nya yun. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung sinabi ng teacher namin na
"Ok Ms. Gonzales, dun umupo sa tabi ni Mr. Ortiz."
Magkatabi kami nun pero sigurado akong hindi na yun natatandaan ni Janine.
Tinanong nya nag pangalan ko at nakipag shake hands pa sya sakin. Crush ko na sya nung unang araw pa lang ng klase. Hindi nya ako napapansin nung first year kami pero nung nagsecond year na kami, nagkaron kami ng play para sa foundation. Sleeping beauty. Si Amber dapat ang gaganap na Aurora at ako ang prinsipe pero dahil ayoko kay Amber dahil masama ang ugali nya, umayaw ako. Pagkatapos nun, si Janine ang ginawang Aurora at si Prince na ang prinsipe. Ang laki ng pagsisisi ko nun. Yun na rin siguro ang dahilan kung bakiy galit na galit si Amber kay Janine. Naiingit sya sa kanya. At dahil na rin ako ang gusto ni Amber pero alam nyang si Janine ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
LUCKY IN LOVE
Novela JuvenilSabi nila, the best feeling in life is when you fall in love. Andun yung kilig, saya, at marami pa! Paano kung mainlove ka sa isang taong masasabi mong 'nasa kanya na ang lahat'. At paano kung nagkagusto din sya sayo? Masasabi mo ba sa kanyang "I'm...