Trixie's POV
Labasan na ngayon. Nakauwi na sina sizzies. Ako naman naglalakad lakad muna. Habang naglalakad ako, biglang may umakbay sakin.
"Trix! Kain naman muna tayo. Ice cream gusto mo? Libre ko."-sabi ni Brent
Aba ang bait yata nito ngayon ha.
"Ayoko busog ako."-sabi ko
"Sus. Gusto mo din eh."
"Ayoko nga eh. Bat ba ang kulit mo? Gusto ko ng umuwi."-sabi ko
"Hmm.. Pasyal na muna tayo pleease! Dali na Trixie babe!"-Brent
"Trixie babe? Yuck ang panget ha!"
"Haha ok lang maganda ka naman Trixie babe."-Brent
Hayy .. ano bang nakain nitong mokong na to? Siguro may kaylangan toh sakin
"Ano bang kaylangan mo sakin ha Baby Brent."-tanong ko sabay pisil ko sa dalawang pisngi nya.
"Aww. Nacucute-an ka sakin noh!"-Brent
"Cute bagang! Ang cute para sa mga baby lang."-sabi ko
"Kasasabi mo nga lang kanina eh tinawag mo kong Baby Brent. Diba."
"Tss. Oo na. Ano bang kaylangan mo ha?"-sabi ko
"Hmm... pwede bang dun muna ako matulog sa inyo?"-Brent
"What?! No way."-sabi ko
Sleep over? Hindi noh! Ayoko nga.
"Dali na... pleease..."-sabi ni Brent na may pag pout pa at may kasama pang puppy eyes.
"Bakit naman ba naisipan mo yan?"-sabi ko
"Eh kase si mommy at daddy nag attend ng reunion ng batchmates nila sa boracay kaya walang tao sa bahay. One week din yun."-Brent
"Ah oo nga pala nagpunta din dun si daddy. Eh yung ate mo asan?"-sabi ko
"Diba nga nasa U.S. si Ate nagtatrabaho! Wala na naman akong ibang kapatid noh. Pleeeease. Dun na ko matutulog. Walang pagkain sa bahay eh. Pagpaalam mo na ko kay tita. Pleease..."-Brent
"Tss. Ok ok fine."
"Yes! Sige sakin ka na sumabay. Sa kotse ko. Daan lang muna tayo sa bahay ha kukuha lang ako ng damit."
"K."
Tapos tinawagan ko yung driver namin at sinabi kong wag na kong sunduin.
Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa magara nyang kotse. Oo. Magara. Yung walang bubong. Haha di ko alam ang tawag dun eh. Wala akong alam pagdating sa mga kotse. Hayy... dream ko sanang magka kotse kaso di naman ako marunong mag drive kaya di ako binibili ni daddy ng kotse. Hayy...
Nakasakay na kami sa kotse nya at patungo na kami sa bahay nila.
"Uy Brent pwede mo ba akong turuan mag drive?"-tanong ko
"Tss. Ayoko nga. Ikaw? Magdadrive? Wag na!"-Brent
"Dali na Brent. Gusto ko matuto!"-me sabay pout
"Wag na. Bakit ba?"
"Wala lang gusto ko lang."-me
"Tss. Wag na! Baka maaksidente ka lang."-Brent
"Kaya nga ako magpapaturo eh. Pag marunong na ko, di na ko maaaksidente."-me
"Hindi naman porket marunong ka eh safe ka na..."-Brent
"Tss.. fine... kung ayaw mo ehdi wag!"-me

BINABASA MO ANG
LUCKY IN LOVE
Teen FictionSabi nila, the best feeling in life is when you fall in love. Andun yung kilig, saya, at marami pa! Paano kung mainlove ka sa isang taong masasabi mong 'nasa kanya na ang lahat'. At paano kung nagkagusto din sya sayo? Masasabi mo ba sa kanyang "I'm...