Chapter 8: Kilig To The Bones ^////^

4 0 0
                                    

Steff's POV

Nagulat ako kanina sa eksena sa may Main Gate. Sumigaw ako ng

"Hi Prince Clyde!!!^_^"

Tapos lumingon sya sakin at ngumiti. Oh diba improving! Dati lingon lang. Ngayon may kasama ng ngiti bwahaha. Ang saya ko mgayong araw.

Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin. May patalon talon pa akong nalalaman haha. Walang basagan ng trip. Masaya ako ngayon eh. Pagpasok ko sa room, umupo na ko sa upuan ko. Nandun na si Prince. Pagkaupo ko,...

"Good Morning^_^"-bati sakin ni Prince habang nakangiti pa.

HmmmmmmmmPh. ^///^ pigil pigil muna sa kakiligan... baka mahalata nya hihihi...

Tapos nun nagkaroon kami ng activity sa english. Role playing. 5 members each group. Tungkol sa literature ang role play. Yung may gods and goddesses. Kami na daw bahala kung ano gagawin namin. Bukas ang presentation at ngayon ang time namin para mag practice. Kagroup ko si Trixie, si Prince, si Dwayne at saka yung isa naming classmates na si Toby. Magkakagroup naman sina Nine, yung claasmate naming si Ashley tapos si Kyla, Xander at Amber. Tapos magkasama naman si Brent at Ria sa isang grupo kasama pa yung tatlo pa naming kaklase. Pinuntahan ko si Nine para itanong kung ano gagawin nila.

"Hindi ko nga alam kung anong gagawin namin eh si Amber kase ang magdidirect."-sabi ni Nine

Whaaat?? O.O si Amber? Nako!! Magfeefeeling dyosa lang yan. Baka pahirapan lang nya si Nine. Pero hindi. Buti na lang kagroup nila si Xander. Hindi makakagawa ng masama si Amber haha kasi alam nyang mateturn off sa kanya si Xander. Yan pa!! Eh patay na patay yan kay Xander eh. Buti na lang at hindi si Prince. Pag nangyari yun? Nako! Nako! Nako! Makakalbo ko yang si Amber.

"Ah ok. Good luck sa inyo Nine."-sabi ko pagkatapos ay bumalik na ko sa group namin

"Steff!^_^ may naisip na kame! Ikaw na magsabi Prince."-Dwayne

"Naisip nila na gagawin nating play yung Iliad. Konting part lang nun."-Trixie

"And I play the role of Paris and you will be Helen."-sabi ni Prince sakin

Whaaaa!!! Totoo ba yun? Ako si Helen? Ang pinaka maganda sa buong mundo! Whaaa!!

"Ako? Pero bakit ako? Bakit hindi si Trix? Mas maganda sya sakin ah."-sabi ko naman kay Prince. Syempre dapat pakipot muna na kunwari ayaw ko haha.

"Eh ikaw ang gusto ko eh."-Prince.

Whaaaaaaaaaaatttt!!!!! \\(^///^)//

Totoo ba yung narinig ko?? Totoo ba yun? Hindi ako nananaginip. Totoo nga. Ako daw ang gusto nya! Ako daw. Ako daw. Ako daw talaga. Hindi ako makapaniwala. Para akong nasa langit at nasa ibabaw ng mga ulap. Whaaa!! So kiliggggg!!!!

"Haha pulang pula ka na Steff!"-nagising ako bigla ng magsalita si Trix.

Namumula ako. Oo. Nagbablush ako sa sobrang kilig.

"Haha. Mag start na tayo."-Prince

*************

Nine's POV

Sa dinami dami ng makakagroup si Amber pa. Minamalas talaga oh. Pero infairness ha mabait sya ngayon kase kagroup namin si Xander. Haha

"Ok guys ganito na lang. Mahihirapan kasi tayo ngayon kasi iisa lang ang lalaki. So Xander will be Zeus and I am Hera. And kayong tatlo will be our daughters. Athena, Aphrodite, blah blah blah! Ok ba yun?"-pagdidirect ni Amber.

Sabi ni ma'am ako daw ang leader. -.- pagbigyan na. Ano bang suggestion yun? Pano namin yun ipeplay..

"Ha? Paano natin yun ipeplay Amber?"-tanong ko

LUCKY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon