Xander's POV
Masaya.
Masaya sila.
Ako? Hindi. Naiinis ako. Sobra.
Bakit?
Una sa lahat. Si Amber ang kasama ko sa table at hindi si Nine.
Pangalawa. Yang panunukso nila kina Nine at Toby. Hindi nakakatuwa.
Oo masaya kami nung mga nakaraang araw. Nagtatawanan pa kami at nagkekwentuhan. Pero hindi na yata mauulit yun.
Maggagabi na pero hindi parin ako umuuwi. Nandito ako nakatambay sa bench. 7:37 na ang oras sa relo ko. Pero ayoko pang umuwi. Dito muna ako magiisip isip.
"Oy! Xander anong ginagawa mo dito?!"-nagulat ako ng biglang hampasin ako ni Dwayne sa balikat.
"Dwayne? Anong ginagawa mo dito? Gabi na dba?"-tanong ko
"Nagpractice kami sa basketball. Ako ang dapat magtanong sayo nyan. Anong ginagawa mo dito?"-tanong nya. Hindi ko na lang sya pinansin. Masama talaga ang pakiramdam ko ngayon. Badtrip. -.-
"May problema ba tayo pre?"-tanong ni Dwayne tapos umupo sya sa tabi ko.
"Wala. -.-"-sagot ko
"Tss. Tungkol yan kay Janine noh!"-Dwayne.
Alam nya naman pala nagtanong pa sya. -.-
"Tss. Mukhang may something nga naman sa kanila ni Toby."-Dwayne
Trip ba talagang mang asar nito!!! -.-
"Manahimik ka nga!!"-sigaw ko
"Oh tol easy lang relax. Ano bang meron ha? Selos ka?"-Dwayne
Isa pang tanong makakatikim na toh sakin. -.-
"Hindi ako nagseselos. -.-"-sabi ko pa
"Sus. Pinagmamasdan nga kita kanina eh mukhang mababali na yung kutsara sayo."-Dwayne
"Ikaw ang may kasalanan nito eh sinama sama mo pa si Toby."-Dwayne
"Ah ganon? ^_^ sorry naman tol. Di ko alam eh. Peace yow."-Dwayne
"Bakit di mo pa kasi ligawan?"-sabi pa ni Dwayne
"Diba nga manliligaw na! Sasali na nga ako sa inyo diba."-sabi ko
"Oh sorry naman! Nakalimutan ko haha ikaw naman kasi ang bagal mo! Mamaya maunahan ka pa ni Toby tsk tsk."-pang aasar pa ni Dwayne
Tss. Ano bang dapat kong gawin?
"Syanga pala pre. Mag ingat ka rin sa mga gagawin mo dahil alam mo na... Baka mapahamak si Nine nang dahil sayo. Alam mo na naman ang ugali ni Amber. Eh kanina nga lang eh ayaw ka na pakawalan ni Amber."-Dwayne
"Oo nga tol eh. Pinipilit nya ang sarili nya sakin. Kanina nung inaasar nina Steffie sina Nine at Toby, pinapamukha sakin ni Amber na wala akong pag asa kay Nine. Pinaparating nya pa na dapat sya na lang ang piliin ko at hindi si Nine."-kwento ko
"Talaga? Anong klaseng babae ba sya? Grabe! Kakaiba talaga si Amber. Kung ako tatanungin, mas gusto ko pang hindi na sya nagbalik."-Dwayne
"Mabait naman sya satin kanina diba?"-sabi ko
"Sus. Panigurado, bukas iba na ulit ang ugali nun. Mabait lang yun kase andyan ka. Saka halata naman sa mukha nya na ayaw nya kaming kasama kanina. Ikaw lang ang gusto nyang kasama. Sinama nya lang kami kasi alam nya na di ka sasama sa kanya nang wala kami. Ibang klase din ang talino nya.tsk tsk tsk."-Dwayne
"Sabagay may tama ka. Hindi ko man lang nakausap si Janine kanina."
"Eh pano mo makakausap eh parang kinulong ka na ni Amber. Parang kayo lang magkasama kanina. Parang wala kami. May sarili kayong mundo at may sarili rin naman kaming mundo."-Dwayne habang hawak yung cp nya. Nagtetext yata.

BINABASA MO ANG
LUCKY IN LOVE
Novela JuvenilSabi nila, the best feeling in life is when you fall in love. Andun yung kilig, saya, at marami pa! Paano kung mainlove ka sa isang taong masasabi mong 'nasa kanya na ang lahat'. At paano kung nagkagusto din sya sayo? Masasabi mo ba sa kanyang "I'm...