Chapter 15: Heartbreaks </3

1 0 0
                                    

Xander's POV

Maaga ako ngayong pumasok. Maaga kasi akong nagising. Iniwan ko muna ang bag ko sa room at pumunta sa library para magpalipas ng oras. 24 hours na bukas lagi ang library kaya magandang tambayan pag wala kang magawa. Hindi naman toh nananakawan kasi madaming cctv. Kaya kitang kita din dito ang mga estudyanteng laging nadbabasa ng libro dito. At kung sino man yung estudyanteng yun, magkakaroon sya ng award sa recognition day na 'best library user'. At kapag ikaw ang natanghal na best library user, papalakpakan ka ng madaming tao kase isa lang ang napipiling best library user taon taon. Kaya nga yung ibang estudyante dito natambay lang at kunwari nagbabasa para maging best library user sila. Ako? Wala akong pakialam dun.

Kumuha ako ng libro ng algebra. Mas maigi na yung mag advance reading para maraming alam. Paborito ko talaga ang Math. Lalo na pag puro solving.

Marami na agad tao dito sa library kahit maaga pa. Yung iba para magpasikat na mahilig silang magbasa. Yung iba para magsagot ng assignments nila. Yung iba para mag aral. Yung iba para matulog gaya nung isang lalaki dum sa tabi.

Nagbabasa basa lang ako nang maramdaman kong may nakiupo sa table ko.

"Hi Xander."-sabi nung boses.

Hindi ako nagkakamali. Si Amber yun. Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Sabi na nga ba nandito ka. Nakita ko kasi yung bag mo sa classroom kaya alam kong nandito ka na school. Ang aga mo naman pumasok."-Amber

Hindi ko pa rin sya pinapansin.

"Ahmm... buti na lang maaga akong pumasok ngayon haha."-Amber

"Hindi mo ba ako namiss? Kaya nga ako umabsent kahapon para mamiss mo man lang ako kahit saglit."-Amber

Bahala sya. Mapapagod din yan at aalis.

"Xander. Pansinin mo naman ako oh!"-Amber

"Bakit ba hindi mo ko pinapansin ha?!"-Amber

Lumingon.ako sa kanya at sinamaan ng tingin. Tapos nagpatuloy sa pagbabasa. Siguro naman nagets nya na pinapaalis ko na sya.

"Si Nine pa rin ba ang gusto mo?! Bakit ba di mo ako magustuhan?! Anong bang meron sya na wala ako?!"-Amber

Gusto ba nya talagang nalaman..

"Marami."-sagot ko

"Alam mo Xander hindi ko alam kung bakit mo sya gustong gusto gayong hindi ka naman nya napapansin. At obvious naman na hindi ka nya mahal. Ni hindi nya nakikita at nararamdaman ang pagmamahal mo sa kanya. Layuan mo na sya Xander. Ako! Ako yung nagmamahal sayo simula pa lang! Bakit di ako yung piliin mo?!"-Amber

"Bakit? Sinabi ko bang mahalin mo ko? Saka di rin naman kita pinapansin. At obvious naman na di kita mahal. Bakit hindi ikaw ang lumayo? Tantanan mo na ko Amber. Wala kang mapapala sakin. Wag mo kong diktahan na ikaw dapat ang piliin ko dahil hindi ikaw ang mahal ko. Tanggapin mo na yun."-seryosong sabi ko

Tapos pinagpatuloy ko na ulit ang pagbabasa. Hindi na sya nagsalita nun at naramdaman kong umalis na sya pagkatapos. Buti naman umalis na sya. Kailangan ko palang sabihin yun para matauhan sya.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagbabasa.

Hanggang sa mag bell na. Pumunta na ko sa classroom.

"Himala."-sabi ni Dwayne

"Bakit?"-tanong ko

"Kasi kanina... nagkasalubong sina Steffie at Nine at Amber pero di man lang nanabunot si Amber at di man lang nagparinig. In short, walang away na naganap."-Dwayne

LUCKY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon