Chapter 17: Sweet Cousin

1 0 0
                                    

Trixie's POV

Hayy!!! Eto nanaman! Nasa bahay nanaman kami at kasama ko nanaman si Brent. Hayyy!!! Wala pa naman ngayon si mommy. Di nagsabi kung san sya pupunta. Yung mga maid naman namin, pinag day off ni mommy kahit di pa naman nila talagang day off. Kaya eto. Kami lang dalawa ang tao dito sa bahay.

"Trix! Nood tayo ng movie. Anong gusto mo? The call o How to Train your Dragon?"

"How to Train your Dragon na lang. Ayoko ng The call nakakatakot."

"Tss. Isip bata ka pa rin. Ok. Anong gusto mo yung How to train your dragon or how to train your dragon 2?"

"Syempre yung una muna tapos yung 2. Tsk tsk. Alangan namang unahin natin yimg 2 bago yung 1. Tsk. Utak naman Brent!!! Utak!!!"

"Tss. Oo na! Oo na! Eto na!"

*dingdong*(doorbell)

Uy baka si mommy na yun.

"Buksan mo na muna yung gate Trix."-utos sakin ni Brent

"Wow. Wagas kung makapag utos ha! Masusunod po kamahalan!"

Tumakbo ako at binuksan ang gate.

"Kamusta!!! Baby sister!!!! Surprise!!!"

"Ku-kuya?"

What?! Si kuya?? Kainis naman oh. Siguradong may kakampi na ngayon si Brent sa pang aasar sakin. Pero sige magpapakabait na muna ako kay kuya dahil minsan lang sya mapadpad dito.

"Oh bakit di mo ba ako namiss ha?"-sabi sakin ni kuya tapos inakbayan nya ako at ginulo gulo pa ang buhok ko.

"Tama na yan pumasok na tayo sa loob."-awat ni mommy kay kuya

Sinundo pala ni mommy si kuya kaya nawala. Si mommy talaga mahilig sa surprises.

Pumasok na kami sa loob. 8:00 pm na rin kaya pinigilan na kami ni mommy manuod ng TV.

"Conjuring na lang panuodin nadin para masaya."-sabi ni kuya

"Ala naman kuya eh. Kayo na lang. Saka wag na nga daw manuod ng movie diba? Magpahinga na lang daw tayo."

"Eh gusto namin eh. Kung gusto mo matulog ehdi matulog ka. Basta kami ni Brent, manunuod."

"Grrrr... Fine. Basta wag nyo na lang laksan yung sounds ha."

"Cge na cge na matulog ka na. Good night baby sister."

"Haha baby!!!"-Brent

"Grrrr. Kuyaaa!!! Stop calling me baby!!!"

"Bakit totoo naman ah."

"Grrrrr.."

Sabay walkout ko at pumunta na sa room ko.

Ilang minuto na ang nakalipas at di pa rin ako makatulog. Nakinig ko na nilaksan nila yung sounds ng TV. Shit nakakainis. Sa horror film kase, ang nakakatakot talaga ay yung sounds. Tinakpan ko na lang ng unan yung tenga ko. Grrrr... hindi tuloy ako lalong makatulog.

Narinig ko na lang na may footsteps sa may pintuan. Nalakatakot. Dumapa ako at nagtaklob ng kumot. Tapos may nagbukas ng pinto ng room ko. At nararamdaman kong may lumalapit papunta sakin. Tapos--

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!"

"Haha natakot ka noh!"-Brent

"Don't touch me! Bakit ka ba nananakot?! Di nakakatuwa ha!! Umalis ka nga dito!!"-sigaw ko habang binabato pa sya ng unan

"Tss. Di kita tinatakot noh! Ikaw lang tong nag iisip ng kung ano ano."

"Eh anong ginagawa mo dito.?!"

LUCKY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon