I

49 1 1
                                    

"Buwisit ka, Alexander! Gago! Lumayas ka! At kung mangbaba-babae ka, ayusin mo ang pagtatago, ha?! Buking na buking ka!"

"Ano ba Lily?! Pinagusapan na natin to, di ba? Hindi. Ko. Siya. Babae!"

"Eh, ano tong nasa Facebook account mo?! Ano yung text na nabasa ko sa cellphone mo?! Hindi ako tanga, Alexander."

Niyakap ko papalapit sa dibdib ko ang mga tuhod ko. Sinalpak ko yung earphones ko sa tainga ko. Anything to stop the voices from going inside my ears and making me hear them.

Gusto ko nang mamatay. Mas mabuti pa ngang patay na ko, eh. Kaysa naman yung pinapatay ako araw-araw ng mga sigawan ng mga magulan ko na sobrang mag-away. Pagod na ko sa ganitong lifestyle.

Kung sa school naman, ganoon din. Walang may gustong makipagkaibigan sa'kin. Pagkatapos no'ng insidenteng iyon.

Bumalik sa isipan ko lahat ng nangyari noong araw na iyon. Araw na nawala lahat sa'kin.

"Gaga ka! May girlfriend na yung tao, nilalandi mo pa?! Gaga!" sigaw niya sa'kin. Tinulak-tulak niya ako matapos niyang ibuhos ang isang baso ng tubig sa ulo ko. "Respeto naman sa sarili, De Vera!"

"H-hindi, nagkakamali ka-"

"Nagkakamali?! Napapansin na ng lahat na lagi mo siyang bibuntutan! Gaga ka ba?!" Sunod-sunod ang bato niya sa'kin ng masasama at masasakit na salita.

Kaibigan ko lang namang yung 'boyfriend' niya. Wala na ba akong karapatan makipagusap sa kaibigan ko?

Patuloy lang ang pagpapahiya niya sa'kin sa loob ng cafeteria. Nagtinginan na ang lahat dahil sa lakas ng boses niya. Hinila niya yung buhok ko, sinampal ako, nagnakaw pa ng suntok sa tiyan ko. H'wag siyang mag-alala, manhid na ko. Wala na kong marinig o maramdaman. Naniniwala ako na ang tao, kapag sobrang sakit na, nagsi-switch off na lahat ng senses niya.

Yung kaibigan ko na 'boyfriend' ng nananampal at nananakit sa'kin, ayun, nakatitig. Ang masakit pa, bestfriend ko ang nagagalit at nananakit sa'kin.

Hanggang ngayon, minumulto pa rin ako ng masamang alaala na iyan. Nawala sa'kin ang mga kaibigan ko. Isa-isa silang lumayo dahil natatak na sa isip nila na isa akong mangaagaw. Friends in name.

Naging miserable na ang buhay ko pagatapos no'n. Walang malapitan, maiyakan, o anuman. Isa lang ang akong indibidwal sa lahat ng bagay. Nag-iisa.

Sana, pagdating ng araw, mabago ko ang lahat. Malilinis ko rin ang pangalan ko sa eskwelahan.

But no, I need someone who can help althroughout the process. Which is, sadly, I don't have anyone.

Basta, bahala na.

"Lumayas ka! Gago!" sigaw ni mama sa nagiimpake kong papa. Ilang beses na nangyayari to, aalis si papa, babalik, away ulit, aalis. Mistulang routine na iyan.

Kinuha ko yung bag ko at dali-daling lumabas ng bahay. Wala naman silang pakielam, eh. Kinuha ko yung payong na nakasandal sa kulungan ng aso naming si Invictus. Undefended. Buti pa yung aso namin, undefended. Ako patay na sa paulit-ulit na pagkatalo.

"Invictus, diyan ka muna, ha?" bulong ko sa aso namin.

Nagikot-ikot lang ako sa subdivision. Pinapanuod ko lang yung mga paa kong magtampisaw sa tubig na dala ng malakas na ulan. Bahala na kung saan ako makarating, basta makalayo sa impyerno kong bahay.

Nang dumaan ako sa basketball court ng subdibisyon, may nakita akong pigura na nagba-basketball sa gitna ng ulan. Sa una, inakala ko na baka multo o engkanto, pero paglapit ko, hindi pala. Tao siya.

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon