II

18 0 0
                                    

"Gusto mo?" abot niya sa'kin ng isang balot ng Mr. Chips. Dumakot ako. "Hala! Dakot kung dakot, ha?!"

Ngumiti ako.

Inayos niya na naman yung collar ng uniform niya. Sa loob ng isang linggo na kakilala ko siya, napapansin ko na lagi niyang ginagawa iyon.

"Ericka!" sigaw ng isang boses na medyo nakadistansya sa lamesa namin. "Ericka Adah De Vera!" Pamilyar yung lalaking boses.

"Oy, Ericka, ikaw daw," sabi ni Japheth. Seryoso? Anong joke to at may tumatawag sa'kin? Boses pa ng lalaki? Unrealistic.

Lumingon-lingon ako. Nagulat ako nang may bumato ng backpack papunta sa'kin mula sa likuran ko. "Aray!" Tumingin ako sa likod ko.

Seth Adrian Santiago. Bakit naman niya 'ko tatawagin?

"Bakit mo ginawa iyon?!" pasigaw kong tanong sa kaniya.

Nag-smirk siya at inayos yung long sleeves ng uniform niya na nakatiklop hanggang siko. Lahat ng mga lalaking estudyante, hanggang lower arm lang, sa kaniya dahil kilala siyang laging hindi nasunod sa kahit anong rules, nakataas hanggang sa may siko niya.

"Dare kasi," sagot niya. Dare?! Sinong loko ang nagbigay nung dare na iyan?!

Pero kahit gustong-gusto ko siyang pektusan, batukan, sapakin, ipadala sa guidance, atbp, nagpigil ako. Alam ko namang huhusgahan ako ng tao, eh.

Nginitian ko na lang siya at hinagis pabalik sa kaniya yung backpack niya.

Kahit wala akong ginawa, may mga naririnig na kong pag-uusap tungkol sa'kin.

"Bakit siya kinakausap ni papa Seth?!"

"Sus, si Ericka pala, eh. Ericka'ng mangaagaw."

"Hah! Buti nga! Ang sakit kaya no'n!"

"Batuhin ko pa siya ng maleta, eh!"

Dinampot ko na yung backpack ko. "Japheth, tara na," bulong ko sa kasama ko. Sumunod naman siya. Nang lumingon ako kay Seth, I glared at him. Nakatingin pa rin siya.

Bahala siya. Magtapatan kami.

××

"Oh, anak! Nandiyan ka na pala! Ba't ang aga mo ata?" salubong na tanong ni mama sa'kin.

"Masakit po likod ko. Akyat na po ako," sagot ko. Umuwi na ko dahil nakirot yung likod ko dahil sa pagkabato ni Seth sa'kin no'ng backpack niya.

'Di pa ko nangangalahati sa hagdanan namin, tumawag na ulit si mama. "Anak."

"Po?" Lumingon ako.

Magsasalita sana si mama, pero tinikom niya agad ang bibig niya. Umiling siya at ngumiti. "Wala. Sabihin mo lang kung may kailangan ka."

Nagtataka, tumango na lang ako.

Binuksan ko muna ang Facebook ko. Pagkabukas na pagkabukas ko, bumungad na agad sa'kin yung notification na may nagtag sa'kin sa isang picture. Yung eksena kanina sa cafeteria. Sinakto nila doon sa nginitian ko si Seth.

Yung caption: Ang landi talaga! Ngayon, si Seth naman! #ErickaMangaagawStrikesAgain

Sanay na ko. May nagpost rin dati no'ng pagpapahiya sa'kin ni Stella sa cafeteria na ginigiit niya na nilalandi ko si June na boyfriend niya. Sanay na ko.

Pero bakit ganito? Ang sakit na naman?

Maya-maya, di ko na napigilan ang luha ko na dumaloy. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ko.

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon