XII

15 0 0
                                    

Nagising ako sa kumukuliling kong cellphone. Sinagot ko ito. Ngayon ko lang na-realize na dire-diretso na ang tulog ko mula kahapon nang umuwi ako.

"Hello?" bungad ko.

"Samahan mo ako," utos ng nasa kabilang linya na si Seth pala. Napairap ako sa hangin. Kung maka-utos na naman!

"Saan na naman ba?" inis kong tanong.

Narinig ko ang pagngiti niya mula sa kabilang linya. "Sa mall," natutuwang sagot nito. Sureball, pagtitripan ako nitong damuhong ito.

"Ayoko nga," matigas kong sabi.

"Gagi, wala kang choice. Sasama ka o sasama ka?" pang-asar na kuwestiyon niya.

Napabuntong hininga ako. Bwisit talaga itong lalaking 'to! "Fine!"

Binaba ko na ang telepono. Nine 'o clock na pala. Buti nagising ako sa tawag na iyon.

Naligo na ako at nagbihis. Nag-contemplate muna ako kung anong shorts ang susuotin ko kasama ng plain v-nech shirt at pinili ang high-waisted na shorts. Pinapatuyo ko ang buhok ko nang makita kong may nagtext sa akin.

From: Seth Adrian

Baba na.

Ang kapal nga naman ng mukha ng lalaking 'to.

Bumaba na ako at nagpaalam kay mama bago lumabas. Habang nag-aabang sa tapat ng bahay nila Seth, natanaw kong dumadaan sa kabilang sidewalk si Japeth. Tumakbo ako patungo rito.

"Good morning!" bati ko. Itinaas ko ang kanang kamay ko para makipag-highfive. Matamlay niyang tinanggap ito.

Halata na antok pa si Japeth at bagong gising lang. Kamukhang-kamukha niya si Seth, siguro dahil sa nakababa ang bangs niya ngayon nang kagaya ni Seth. Maputi rin siya kagaya ni Seth kapag nasisinagan ng araw. Pucha, ang gwapo ng mag-pinsan na ito.

"Saan ka galing?" tanong ko saka ngumuso sa supot niyang bitbit.

"Bumili ng ulam sa palengke. Out of town si mama, eh," sagot niya.

Ngumiti na ako. "Sige na. Bye-bye!" paalam ko. Ewan ko kung bakit ang saya ko ngayon.

Bumalik na ako sa kinatatayuan ko kanina at nandoon si Seth. Masama ang tingin niya sa'kin. Dahil ba sa kinausap ko si Japeth?

Magsasalita na sana siya pero inunahan ko siya. "Ops, kalma. Nahiya lang ako kapag hindi ko siya binati. Pero I swear, binati ko lang talaga siya," paliwanag ko.

Inirapan niya ako at hinawakan nang mahigpit ang braso ko. "Tara na nga!" aya niya at dinala ako papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto para sa akin at pumasok ako nang may masamang titig sa kaniya. Ang sakit kaya ng hawak at pag-hila niya! Binalibagan pa ako ng pinto ng mokong.

Nag-drive siya patungo sa Trinoma. Pagkarating doon, pinark niya ang kotse at, muli, hinila ako. Kumain muna kami at (hindi niya ako hinila) nagpunta sa isang fashion boutique. Pero, pangbabae? Akala ko ba siya ang bibili?

Iisipin ko na sana na lumipat na ng pederasyon si Seth at naging beki na, pero sabi niya: "Gaga, hindi ako nababakla. Ikaw ang bibilhan ko."

Ako? Bibilhan niya ng damit?

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon