VIII

8 1 0
                                    

Tahimik lang akong nagmamaneho ngayon. Napaka-awkward kasi dahil sa. . . ano. . . kagabi. Peste, ang weirdo ko.

"Adah," bulong ng nasa tabi ko na prenteng prenteng nakaupo.

Ugh. Pakipaalala nga sa'kin kung bakit pinayagan ko siyang tawagin ako ng 'Adah.' In the first place, ayaw ko naman talaga ng pangalan kong 'Adah', dahil ang tatay ko na pinaka kinamumuhian ko ngayon ang nagbigay no'n.

Tumingin ako kay Seth na nakatulala lang habang nakataas ang paa sa dashboard. Parang bangag. "Huwag na 'Adah' ang itawag mo sa'kin, Seth," bulong ko, pero sinigurado ko pa ring rinig niya.

"Adah," tawag niya ulit. Nangti-trip ba to o ano? Mauupakan ko to, eh. Wala siyang emosyon nang tumingin ako.

"Adah. Adah. Adah." Aba'y nag-chant pa.

Nang tumigil sandali ang pag-usad ng mga sasakyan, inabot ko siya at binatukan. Sinamaan niya ko nang tingin. Hehe, napalakas ata?

"Punyeta," malutong niyang pagmumura. "Haaay! Kung hindi ka lang babae, natampal na kitaaa!" Nanggigigil siya!

Humalakhak ako. Nagpatuloy na ko sa pagmamaneho nang umusad ulit. "Bakit mo nga pala ako tinatawag, ikaw na gago ka?" pang-asar kong tanong.

Tumingin ulit siya nang masama. Nag-peace sign ako at ngumiti. Umiling lang siya.

"Gusto kaya ako ni Stella?" tanong niya.

Tangna, ano namang alam ko diyan? Ako ba si Stella?!

"Malay ko ba? Hindi ako si Stella!" I furiously replied. Mistulang tanga.

"I'm just asking for your opinion."

So pinagtatanong na pala ang pagmamahal ng isang tao sa'yo sa ibang tao. Hays. Ang alam ko, alam mo kapag 'love' na iyan.

"Then, I don't know. Why don't you ask her? Tsaka hindi ba nagpaparamdam?" tanong ko.

"Hindi ako marunong mag-classify kung nagpaparamdam o hindi," medyo malungkot niyang sabi.

Sus. Playboy kasi. Kaunting landi lang sa kanila, love na. Iyan ang problema ng mga pesteng playboy. Hindi alam ang love. Puros landi.

"Wala na akong magagawa diyan," ani ko.

Nag-pout siya. NAG-POUT SIYAAA!

"Anong klaseng alipin ka?" nagpapaawa niya pa ring sabi.

Wow. Obligado na rin pala ako bilang alipin na malaman kung may pag-asa sa lovelife niya ang amo ko? Di naman ako na-inform.

"Ang love, ramdam mo kapag nandiyan na iyan. Ikaw lang ang makakaalam. You don't need other people to decide or lend their opinion if it's love for you or not," paliwanag ko.

Tumitig siya sa'kin at ngumiti. "You are really something, Adah," bulong niya pero narinig ko pa rin.

"Ha?" tanong ko, kunwari hindi ko narinig. Umiling lang siya.

"Bakit nga pala ayaw mo ng 'Adah'?" tanong niya.

Tumawa lang ako nang mahina at umiling. Kapag nalaman niya ang dahilan, di ba magpipilit pa rin naman siya? Di ba 'Adah' pa rin itatawag niya sa'kin? No use.

"Arte. Ano nga?" pagpilit niya.

Umiling lang ulit ako. Bahala siya diyan! Mangamatay siya kakatanong.

Hinampas niya ko ng librong hawak niya.0 "Hinayupak ka."

Lah? Anong sinasabi nito at naging hinayupak naman ako? Ano bang ginawa ko?

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon