Naglalakad ako patungo sa eskwelahan ngayon. Nang dumaan ako sa bahay nila Seth, muli, sabi ni Manang Flor, hindi pa daw nauwi magmula kagabi. Habang humahakbang ako, umiikot ang isip ko sa kung saan maaaring nagpunta iyong lalaking iyon. Kung saan-saan naglalakwatsa.
Acctually, Sabado ngayon, pero titiyakin ko pa rin kung wala siya sa school. Minsan kasi sinusumpong ng pagka-weirdo iyon at tumatambay sa campus. Mukha lang siyang tanga doon.
Pero nang maalala ko ang kwento niya tungkol sa ex niya na si Andrea, napagtanto ko na baka iyon ang dahilan kung bakit ganoon ang attitude niya paminsan-minsan. Siguro sobrang minahal niya yung babae at nang mawala, halos mamatay na rin siya. Grabe yung mga taong ganoon mag-mahal. Idol ang Tatlong Paring Martyr.
Tinanaw ko ang bawat tambayan sa campus pero wala talaga si Seth. Ultimo guard, kinuwestiyon ko, pero tameme si kuya.
Tapos, pumasok sa isip ko ang Paseo de Santa Rosa. Hindi ba, tambayan niya iyon? Agad akong nagbiyahe patungo doon.
Wala pang isang minuto ang itinatagal ko doon, natunton na kaagad ng mata ko si Seth. Lumakad ako papunta sa kinauupuan niya. Kahit nakatungo siya, nakilala ko agad siya dahil sa buhok niya. Hindi ko napigilan ang kamay ko na haplusin ang buhok niya. Binawi ko kaagad ito na parang napaso sa mainit na kaldero.
Tumingala naman si Seth kaagad. Mugto ang mata niya at maitim ang ilalim ng lubog niyang mata. Para siyang umiyak at nagpuyat.
"Bakit daw hindi ka umuuwi buong gabi?" nag-aalala kong tanong.
Linihis niya ang paningin niya, "I just don't feel like it," kaswal niyang sagot.
Sinapok ko naman kaagad siya. "Gago, nag-alala si Manang Flor sa'yo," iritado kong sinabi. Insensitive na lalaki.
BINABASA MO ANG
I'm Nobody
Teen FictionI'm 'nobody.' Invisible ako sa lahat ng tao sa bahay, sa school, at sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko. Lahat ng makasalamuha ko, ayaw sa'kin. Pangit ako, bobo, tanga, masama ugali. Walang magsasayang ng oras para kausapin ako. For short, wala ako...