III

16 0 0
                                    


"Ericka," hinawakan niya pa balikat ko. Hay, kala ko nalimutan niya na, eh. Gusto ko na kasing umuwi dahil nasakit na naman likod ko dahil sa pagkabato niya sa'kin ng backpack niya.

"Ano pa ba kailangan mo?" walang galang kong tanong. Tsk, di naman kasi kagalang-galang.

"Bili mo nga akong pizza," utos niya. Oh, di ba? Wala kahit anong trace ng kagalang-galang na tao.

Bumutong hininga ako. "Iyon lang pala sasabihin mo. Akin na pera." Linahad ko kamay ko. Pinatong niya ang isang 500-bill.

"Dalawang box. Four cheese sa Project Pie. Pakidala sa bahay." Ano?! Sa bahay pa niya?! Ni hindi ko nga alam kung saan ang bahay ng lokong to, eh!

Pero dahil mabait ako at may takot ako na baka patayin niya ako sa sindak, sumunod na lang ako. "Address?"

Nagbigay siya ng pirasong papel na may address ng bahay nila. Teka, sa subdivision rin namin 'to ah? Chineck ko yung number ng bahay nila. Kapitbahay namin? Katabi lang ata.

"Ikaw pala yung anak ni Mrs. Elizabeth Santiago?" gulat kong tanong. Mabait kasi si Mrs. Beth! Itong kausap ko, hindi!

"Obviously, yes." Nagse-cellphone na siya ngayon.

"Kapitbahay lang namin kayo. Sige, hintayin mo."
At iyon, umalis na ko para maghanap ng Project Pie. Sa Muntinlupa City kasi, alam ko, sa Filinvest City lang may Project Pie. Nagtaxi na ako dahil bawal dito ang public transpo kagaya ng jeepneys.

Mabilis akong nakaorder at nakaalis. Maya-maya, nasa tapat na ko ng bahay nila. Hinabol ko muna yung hininga ko tapos nag-doorbell na ko. Guard ang sumalubong sa'kin. Mayaman ang loko.

"Sino po hanap nila, ma'am?" tanong niya kuya Guard.

"Si Seth po? Kaibigan niya po ako."

"Ay, nasa garden po sa likod. Nag-iinom nga po, eh. Nabasted po ata," sagot ni kuyang tsismoso. Alam na alam, ha?

Tumango ako at pumasok na. Malaki yung bahay nila ngunit agad kong nakita yung garden. Nakaupo siya sa cemented na daanan, may hawak na bote ng beer.

"Seth," tawag ko.

Tumingin siya. Kitang-kita yung mugto niyang mata na kumikislap dahil sa luha dito sa dilim. Wow, ang swerte ko pala. Wala pang nakakakitang umiiyak ang kagaya ni Seth na bad boy sa school, eh.

Lumapit ako at nilapag sa tabi niya yung magkapatong na box ng pizza. "Bye, uwi na 'ko," paalam ko.

"Ericka, upo." Tinuro niya yung space sa tabi niya.

Naupo na 'ko dahil 10 p.m. pa naman curfew ko at mag a-alas sais pa lang. Sobrang nasakit rin yung likod ko.

"Bakit ka naiyak?" tanong ko. "Nabasted?"

Napatingin siya sa'kin. "Sino nagsabi sa'yo niyan?"

"Ah-eh, si kuya? Hehe."

"Ay, nilantad ako." Umiling-iling siya.

"Nasaan mama mo?" Wala kasing tao sa paligid.

"Wala. Business trip sa Hong Kong, one month," walang emosyong sagot niya. Grabe, kung iwan na lang siya, eh gano'n-gano'n lang.

Hindi ko na tinanong yung tatay niya dahil alam ko namang wala. Iniwan silang no'ng kapatid niya noong bata pa sila. Naging balita yung paglayas ng tatay nila sa buong subdibisyon noong six years old ako.

"So, basted ka nga?" tanong ko.

Tumango siya. "Teka nga, ano bang pakielam mo?"

Siya kaya nagpa-upo sa'kin dito, so may karapatan din akong maging serious kung bakit nag-iinom siya at nagmu-muk-mok dito sa labas ng bahay nila! Hay.

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon