IV

16 0 0
                                    

Kinabukasan, hinarang ako ng isang kabarkada ni Seth. Sure ako kasi kausap niya to kahapon. Saka, hello, sikat sila sa school.

"Ericka right?" tanong niya. Tumango ako.

Darwin ang pangalan nito, kung hindi ako nagkakamali, pero Winn ang tawag sa kaniya. Para sa'kin itong si Winn ang pinakamabait sa kanila. Maayos ang ugali nito. Saka maamo rin ang mukha ni Winn. Parang bata. Di 'gaya ni Seth na demon-slash-human. But then again, walang normality ng ugali na nauso sa barkada nila.

"GF ka ba ni Seth?" nangiintrigang tanong ng loko.

"Ha? Hindi!" sagot ko. 'Ni hindi ko nga gustong kausapin iyon, maging girlfriend niya pa kaya?! Timang ata tong mga karabarkada ni Seth, eh!

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Talaga lang, ha?" nakakaloko rin niyang tanong. "Nako, tingnan na lang natin sa'yo. Lahat ng mga 'alipin' niya, nai-in love sa kaniya, eh."

That means. . . may nauna pa sa'kin?! Ang kapal talaga no'n ni Seth! Against to sa human rights, di ba?!

"Nako, Winn, ASA. Ayoko ng gano'n ang ugali," sabi ko.

Humalakhak siya. "Gano'n lang sa una si Seth! Pero kapag close na kayo, mabait na iyan. Siguro, bababa ng kaunti ang kasamaan ng ugali niya ng mga one point."

"Baliw."

Tumawa ulit siya. "Nagsasalita ka pala." Ayan na naman iyang comment na iyan! Laging ganiyan! Para bang pipi ako! Umiling-iling siya at ngumiti. "Tahimik ka kasi. Bakit ba? Dati naman, okay ka, ah?"

"Alam mo naman, tinatanong mo pa," medyo matabang kong sagot. How could someone couldn't possibly know? Kahit wala ka noon sa cafeteria, kumalat naman iyon sa Facebook, kaya walang hindi alam iyon except kung may transferee man.

"Oh, I forgot. I-I'm sorry, Ericka," sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti.

"Adah!" Nagulantang kami parehas ni Winn nang may tumawag mula sa likuran namin.

Speaking of the devil.

"Thanks, Winn. Ayan na kasi yung- ugh, basta! Bye!" paalam ko sa kausap ko. Humalakhak siya.

Lumapit na ako sa kaniya. Masama ng tingin niya sa'kin. "Ugh, ano ba, Seth? Kausap ko lang naman si Winn. Saka sabi doon sa kontratang gawa mo, maging mabait ako sa barkada mo! Eh, siya yung lumapit sa'kin!" todong paliwanag ko. Ayokong maparusahan!

Umirap siya. "Ayokong nakikipaglandian ka sa barkada ko."

What the fuck? Nakikipaglandian? Bukod sa harsh yung word, hindi rin naman totoo! Bitch talaga si Seth.

"Magkaiba yung nakikipag-usap sa nakikipaglandian."

"Damn excuses, Adah."

"Hindi excuse iyon!"

"Ugh. Just. . . just stop hanging out much with them. Alipin kita. Amo mo ako. I'm just asking you to not to be rude to them. I don't expect you to talk to them flirtatiously." In fairness sa vocabulary niya. 'Kala ko 12 words lang ang span ng vocabulary niya, eh. Hindi pala.

"I'm just being friendly, not flirtatious. Sa tingin mo, pagkatapos no'ng 'mangaagaw-si-Ericka' incident, mangangarap pa ko magka-boyfriend? O di kaya makikipaglandian pa 'ko? Ayoko nang maulit iyon! Na-trauma na 'ko."

Nagulat siya sa sinabi ko. Totoo naman, eh. Pagkatapos no'ng insidenteng iyon, sinara ko na yung pintuan ko sa lahat ng bagay na konektado sa social life ko.

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon