V

17 1 0
                                    

"Invictus! Tara, i-walk kita!" tawag ko sa aso namin kahit hindi naman to nagsasalita. Bestfriend ko to, eh. Binuksan ko ang kulungan niya at kinabitan leash ang collar niya.

Nauna na siyang lumabas ng gate, hila-hila ako sa likuran.

Nag-ikot-ikot kami sa buong subdibisyon. Tatakbo. Lalakad. Titigil.

Ang saya siguro kung gano'n na lang ang buhay, ano? Kapag pagod ka nang tumakbo, lumakad ka. Kapag di mo na kaya lumakad, tumigil ka. Kapag kaya mo na ulit, takbo na ulit. Paulit-ulit lang.

Nabalik ako sa realidad nang tumahol si Invictus.

"Adah!"

Hindi ko alam kung sino yo'n hanggang sa naalala ko na iisang tao lang pala tumatawag sa'kin ng 'Adah.'

Lumingon ako at nakita ko siya, hawak-hawak ang aso niyang si Rain. Iyon siguro ang dahilan ng pagtahol ni Invictus, nakakita ng ibang aso. Lumuhod ako para pakalmahin yung aso ko. Pero nang gawin ko iyon, tumakbo si Rain papunta sa'kin, tangay-tangay ang amo niya. Tumawa ako nang mahina.

"Gusto ka ni Rain, eh," sabi ni Seth. Ngumiti ako. "Aso mo? Pangalan?"

Tumango ako. "Invictus."

Naupo muna kami sa sidewalk na walang nadaan. Tahimik pa dahil alas sais pa lang ng umaga.

"Sasama ka sa'kin mamaya," sabi ng kasama ko.

Saan? Sa gimik nilang magkaka-barkada tuwing Sabado? Hala? Sa bar sila na-gimik, eh. Paano ko nalaman? Eh, ipino-post nila ang pictures nila sa lahat ng social media accounts nila. May kaakbay na babae, nagsasayaw, nag-iinom, ayan ang mga pictures na iyon.

"Gimik niyo iyon, eh. Ayokong makigulo," sagot ko.

"Ugh. 'Pag sinabi kong sasama ka, sasama ka. Ano pa't naging alipin kita kung hindi naman kita mauutusan palagi?"

Tumango ako.

"Mag-ayos ka. Sa bar yo'n. Ayoko ng pangit," sabi niya. ANO DAW?! Ako pangit?! Sinampal ko siya. "Aray!"

"Pangit ka diyan?! Hmp!"

"Ang sakit no'n, ha? Bakit, maganda ka ba? Ew," nandidiri niyang sabi. Ang sama! Mas masama pa kay Satanas!

"Sige na! Aalis na ko para mag-ayos," sabi ko at nilayasan ko na siya, dala-dala si Invictus.

Pagkarating ko sa bahay, hinalungkat ko ang aparador ko. Ngayon lang naman ako pupunta sa isang bar, eh. Malay ko ba kung may damit akong pangpunta sa bar.

At ayon nga, inabot na ko ng siyam-siyam sa paghahanap at pamimili. Alas sais na ng gabi, at may dalawa pa rin akong pinagpipilian. Doon na ko nanghingi ng professional and trusted of all time fashion advice mula sa ina ko.

"Ma? Ano pwede isuot sa bar?" tanong ko sa nanay ko habang pinapakita sa kanya ang dalawang blouse na hawak ko. Balak ko kasing ipartner sa maong na shorts. In this case, long sleeves na plain white at printed na short sleeved.

"Bar? Date?" tanong ni mama na walang bakas ng pagkagulat sa mukha. Pinapayagan naman niya ako magbar, eh. Kaso dahil wala akong social life, hindi ko magamit ang pagkaliberated ko.

"Hindi po! May kikitain lang," sagot ko.

"Ah. Iyang white. Tuck in mo sa shorts na maong," sagot ni mama. "Bumalik ka bago mag alas dose, ha?" Alas dose kasi ang curfew ko tuwing sabado.

"Opo."

Pagkatapos ng isang oras na pagaayos at pagpaplantsa ng buhok ko para maunat, umalis na ako. Nine thirty kami nagkasundo na magkita sa gate ng subdibisyon. Pagkarating ko sa gate, nakita ko ang pulang Chevrolet ni Seth sa labas.

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon