VI

14 1 0
                                    

Dumaan ang Linggo ng walang paalam at Lunes na. Palabas na ko ng gate ng subdibisyon nang may sumigaw at humila sa'kin.

"Adah!"

Sino pa nga ba? Si Seth. Hila-hila niya ako papalapit sa kotse niya.

"Marunong kang mag-drive, di ba?" tanong niya.

"Uh, oo?"

Ngumiti siya nang nakakaloko. Ang creepy. "Ipag-dadrive mo na ko simula ngayon, alipin."

What the fuck? Ipagdadrive ko na siya? So kasama na pala iyon sa trabaho ko?! Ang kapal ng mukhang mag-dagdag, eh wala nang ipa-sweldo! Pakshit siya!

"Ayo-"

"Hindi. Gusto mo," pagputol niya sa'kina at hinila niya na ko papasok ng driver's seat. "Sakay."

Sumunod na lang ako. Ayoko nang mapahiya. Isipin mo na lang para to sa paglilinis mo ng pangalan mo.

Eh, papaano malilinis kung araw-araw akong nakikita ng tao kasama ang lalaking tinitilian nila? Jusme, ang hirap ng life ko.

Fifteen minutes away ang campus namin rito. Iyon ay kung walang traffic. Fortunately, ngayong araw, wala, kaya dire-diretso ang pagmamaneho ko.

"Salamat," biglaan niyang sinabi.

"Saan?"

"Sa ginawa mo kagabi. Okay na ko. Effective," sabi niya nang nakangiti ng kaunti. Ayan na naman iyang ngiti na iyan. "Ginawa mo kahit hindi mo naman trabaho ang makapagpagaling ng hangover."

"Hindi nga," sagot ko. "Pero trabaho ko ang tulungan ka."

Pinark ko ang kotse niya sa bakanteng pwesto. Inabot ko sa kaniyang ang susi. "Pasok na ko," paalam ko. Lumabas na ko.

"Magkita tayo dito mamaya," pahabol niya.

Tumango ako at dumiretso sa unang klase ko.

××

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko.

"May bagong alipin daw si Seth, ah!"

"Ay diyos ko! Si Ericka raw?!"

"Ericka'ng mang-aagaw?! Pakshit ang swerte!"

"Oo nga! Bwiset, sana ako na lang!"

Ayan, topic na naman ako. Siguro kung may lakas ng loob lang sila na i-tweet iyan, trending na ko. Lahat nakakaalam.

Binuklat ko ang libro ko sa accounting, kung saan may quiz kami ngayon. Ngunit bago pa lamang ako makapagbasa, may tumawag na ng pangalan ko.

"Ericka!" sigaw ng pamilyar na boses.

Tumingala ako at nakita si Japheth sa pintuan. Sumenyas siya para lumapit ako. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin na silang lahat. Binigyan ko si Japheth ng 'mamaya-na' look. Umiling siya.

No choice. Lumapit ako.

"Ano ba kasi iyon?" bulong ko.

Masama ang tingin niya sa'kin. "Seriously? Pumayag kang maging so called alipin no'ng Seth? Are you that desperate?"

Desperate? Desperate ako para saan? Para magkaroon ng kaibigan? Gosh. Gano'n pala ang tingin niya sa'kin. Desperada.

"Hindi ako desperadang magkaroon ng kaibigan. May dahilan kung bakit ko ginawa iyon, Japheth. Hindi ako gaga," sagot ko.

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon