Nakalagpas na ako ng gate ng subdibisyon at wala pa ring sign ni Seth. Ang weird. Ngayon ko lang siya hindi nakita sa gate simula noong last week na inatasan niya akong ipag-drive siya.
Bihira ko na rin siyang makita sa campus. Tinanong ko si manang Flor at sinabi niya, araw-araw naman daw na napasok si Seth sa school. Ano nangyayari sa gagong iyon?
Naglalakad ako papuntang room nang makita ko si Seth. Kasama si Stella? Anong kalokohan to? Silang dalawa lang, eh. Nasaan si June? Paano?
Hindi ko sila pinansin. Patuloy akong lumakad hanggang sa may makabangga ako.
"Aray!" Napapikit ako. Hinilot ko ang ilong ko na sobrang natamaan.
"Shit. Sorry, miss-" Natigilan siya bigla. "E-Ericka?"
Minulat ko ang mata ko at tumingala. Si June? Naguguluhan na ako. Si Stella, kasama ni Seth doon. Tapos si June, nasa harapan ko? To think ilang yarda lang ang pagitan namin sa dalawa. Sureball na kitang-kita niya ang eksena doon.
"B-bakit? Si Stella-"
Ngumiti siya pero may lungkot sa mata niya. "Wala na kami, Ericka," bulong niya.
Wala na sila. Grabe! Nasabunutan at nasuntok ako para lang sa wala! Hindi rin naman pala matutuloy ang relasyon nila! Hay. Efforts wasted, Stella.
Then the realization hits me.
It just means, may namamagitan na kay Stella at Seth.
Wow. Ang bilis.
"Kailan kayo nagkahiwalay?" tanong ko. Pero nagsisi rin ako dahil sobrang insensitive ng tanong ko. Hindi ko man lang naisip na bakaasaktan siya doon.
Ngumiti siya. "Kahapon?"
Ang bilis nga talaga! Three month rule, Stella! Natalo mo si Mich ng Jamich, ah! Isa kang alamat!
"Sige, papasok na ko," paalam ko kay June bago pumasok sa room nang nakayuko.
Ang lupit ni Stella. Ang bilis mag-move on. Hindi man lang niya pinatagal kahit kaunti. Respeto na lang rin ng kaunti kay June.
"Ericka," tawag sa'kin ni Japheth na nasa harapan. Hinila niya ang braso ko para mapaupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Napangiwi ako sa lakas ng bagsak ko. "Nakita mo ba si Seth sa labas?"
"Um, oo? Kasama si Stella," sagot ko.
"Ugh. Gago talaga iyon." Umiling-iling siya sa inis sa pinsan niya.
Naalala ko na naman yung sinabi ni Seth na gusto raw ako ni Japheth. Hindi pa rin ako makapaniwala doon. Mayroong tao ang may gusto sa'kin. Wow, tunog joke, ah!
Tahimik lang kaming nakaupo doon. Napansin ko na si June, umupo sa likuran ko. Nakakaawa naman.
Nang magsisimula na ang klase, pumasok na si Seth, hindi kasama si Stella. Siguro iba ang klase ni Stella. Nagulat ako nang hindi ako lagpasan ni Seth. Hinawakan niya braso ko at hinila papunta sa likod, katabi niya. Nalikom no'n ang atensyon ng buong klase. Buti wala pa ang prof namin.
"Hindi ka tatabi sa ibang tao kapag parehas ang klase natin. Tatabi ka sa'kin," with full authority niyang sinabi. Grabe! Nanay ko ba siya! Kung makautos ah!
Umirap ako at tumango. Naalala ko na naman yung eksena kanina sa labas. Yung kasama niya si Stella. "Seth, kayo na ni Stella?" bulong ko.
Napatingin siya sa'kin nang masama. Bakit?! "Ginagago mo ba ko? Hindi!" depensa niya. #Defensive
"Oh, ba't galit ka? Tsk. Pero gusto mo siya?" dagdag ko.
Napatikom ang bibig niya sandali. "Can you please stop this nonsense, Adah?" naiiritang tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. Obvious siya! "Eh di, hindi! I'm just asking!"
Umirap siya. "Then stop asking."
"Seriously? Ano ngaaa?" pilit ko. "Spill it, Seth."
Napakamot siya ng ulo. Hinilamos niya pa ang palad niya sa mukha niya. "Okay. I like her. Pero hindi pa kami. Happy?"
Confirmed na nga.
Tumango ako.
"Hindi ko maintindihan kung bakit masiyadong naiintriga ang tao tungkol sa relationship ko sa mga babae," bulong niya bago bumuntong hininga. "Am I not allowed to have privacy?"
Napatingin ako sa kaniya. "Because you're the heartthrob? They like you so much they will follow you in your everyday life. They want to know you," paliwanag ko.
"I know. Pero kasalanan ko bang maging so-called heartthrob niyo? Hay."
Grabe, parang stressed na stressed siya sa buhay niya. Ganoon ba kahirap ang maging heartthrob? Eh, ang alam ko lang, 'pag heartthrob ka, crush ka ng bayan. More or less, everyone likes you.
Tumitig ako sa kaniya. "I'm sorry," bulong ko.
"Why?"
"Naaawa ako sa'yo."
Nag-smirk siya. "My dear, you shouldn't be. I'm okay."
"You're pretending to be okay."
Umiling siya. "At least I'm okay. You have to pretend to be something so when time comes, you'll be what you want, and you'll know what to do. So, I'm okay." Ngumiti siya. Yung ngiti, mas malapad sa mga nauna, pero parang hindi totoo. Yet, nakakabaliw. Ang gwapo niya nga talaga.
Shit, why am I praising him?!
Nagulat ako nang takpan niya ang mata ko. "Aw, now you're the one who's staring," pang-asar niya. Parang nakakakuryente ang hawak niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal iyon sa mata ko. Nakatitig siya sa'kin. He smirked. "Ang weird mo. My hand." Ngumuso siya sa kamay niya na hawak-hawak ko nang mahigpit. Pinakawalan ko agad iyon.
"I-I'm sorry." Bakit ba ko nauutal!
Kinurot niya yung pisngi ko. Shit. "Alam mo, kung hindi ka mukhang tanga, magugustuhan kita. Better luck next time, my dear." Ngumiti siya nang nakakaloko.
Magugustuhan niya raw ako. Well, kung hindi raw ako mukhang tanga. At least, may tiyansa! Wew.
Shit, why do I even care about the chances of him liking me?!
Maya-maya, nandiyan na ang professor. Pinilit ko makinig kahit nababaliw na ko deep inside. Grabe ang epekto ni Seth sa'kin! Ang weirdo ko na!
Minsan nahuhuli ko na lang ang sarili ko na sumulyap sa katabi kong focused sa discussion. Ang weird. Bakit ganito ako?
Ah! Basta! Hindi ko siya magugustuhan!
××
BINABASA MO ANG
I'm Nobody
Teen FictionI'm 'nobody.' Invisible ako sa lahat ng tao sa bahay, sa school, at sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko. Lahat ng makasalamuha ko, ayaw sa'kin. Pangit ako, bobo, tanga, masama ugali. Walang magsasayang ng oras para kausapin ako. For short, wala ako...