Ringggg. . . Ringggg. . .
Ugh, ano ba naman to? Sabado ng umaga, ngayon tatawag? Pucha.
Itinayo ko ang sarili ko kahit nagpoprotesta ang mga parte ng katawan ko. Nakakapagod. Dinampot ko yung telepono ko.
"Hello?" inaantok bungad ko.
"Hoy, gaga, gising na. Pumunta ka dito."
Iyon pa lang, alam ko na kung sino to, eh. Lakas makatawag ng 'gaga', eh.
"Sige, sige. Gago ka. Panira ng araw," asar kong balik sa kaniya.
Tumawa siya sa kabilang linya. "Bilis!"
Binaba ko na yung telepono. Kinusot ko ang mata ko. Grabe. Maski sabado, may trabaho ako bilang alipin? Jusme.
Dali-dali akong nagligo at nagbihis. Nagsuot na lang ako ng colored na shorts at t-shirt na white at gorabells na papunta sa kapitbahay. Bumuntong hininga ako bago kumatok sa pintuan ng demon kong amo. Agad naman siyang nagbukas at pinapasok ako. Hinila niya ako papaakyat sa kwarto niya. Napansin ko na naka pajamas pa siya. Wow. Kung todo bihis pa ko, eh kagigising lang pala ng mokong na to.
"Manonood tayo ng horror," sabi niya.
"So pinapunta mo ako rito para makiisa sa trip mong movie marathon?" Inirapan ko siya.
"Hindi! Maglalaro tayo ng boxing!" sarkastiko niyang sabi. Binatukan ko siya.
Sinalang na niya sa DVD player yung DVD at tumabi sa'kin na nakaupo sa couch niya. Yakap-yakap niya pa yung unan niya at may teddy bear pa na malaki. Marami siyang teddy bear sa kwarto niya. Ewan ko dito, bakla ata talaga.
Habang siya'y sindak na sindak sa horror movie niyang pinapanuod, ako paidlip-idlip lang. Kulang pa ata tulog ko. Hanggang sa di ko na napigil, bumigat na ang ulo ko at nawala na ko sa diwa.
--
Nang magising ako, tahimik na. Nasaan na ako? Kinusot ko ang mata ko.
Anong amoy iyon? Amoy. . . cologne? Shit.
Napabalikwas ako ng upo. Natulog ako nang nakasandal sa balikat ni Seth. Namula agad ako. Nakakahiya!
Napatingin ako sa nahihimbing na nilalang sa tabi ko. Nagulat ako dahil hinila niya ulit ako papalapit sa kaniya at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Akala ko ba tulog siya?! Naginit na naman ang pisngi ko.
Naghahalo na yung mabangong amoy cologne at shampoo sa ere. Ang bango. Ang lufet ng hygiene niya, 'no? Well-groomed ika nga. Parang babae.
Lalo pang umalingasaw sa loob ng ilong ko yung amoy ng shampoo dahil nakadikit na yung medyo mahabang buhok niya sa pisngi ko. Parang ang umiikot na lang sa lungs ko ay shampoo at cologne.
Nakakatuwa pala yung mga lalaking parang babae. Hindi naman yung sa bakla sila. Pero iba talaga. Ang bango.
Inabot ko yung cellphone ko para makapaglibang habang umaakto akong statue na patungan ng ulo kapag natutulog. Sinalpak ko yung earphones ko sa tainga ko.
Makalipas ang tatlumpung minuto, naginat-inat na sa wakas ang nakasandal sa'kin. Ang bigat kasi niya sa balikat.
"Thanks," bulong niya habang inaayos ang magulo niyang buhok, pero lalo lang iyon lumala. Nevermind that. Bagay naman.
What? Scratch that.
"Inaantok pa ako," sabi niya. "Matulog ka muna diyan o magbasa. Basta, promise mo na huwag kang aalis." There was pleading in his eyes. Parang desperadong ewan.
Tumango ako. "Bakit?" curious kong tanong.
"This house is too lonely," bulong niya bago humandusay sa kama niyang maayos. "Just don't leave, my dear." Nakatulog na siya.
Mukha siyang anghel kapag tulog. Ewan, baka idol si Nathaniel? Pero, seriously, mukha talaga anghel.
Hindi naman talaga maitatanggi na gwapo at charming si Seth. Iba siya sa mga lalaki sa campus namin. Maski sa barkada niya, siya yung iba. I mean, in a great way, iba siya. May charm siya na mostly ang mga lalaki, wala masyado. Yung to-die-for ang ngiti niya. Siguro dahil na rin sa bihirang bihira mo mapapangiti si Seth. Lahat ng galaw niya, agaw pansin. Other guys turn heads, he break necks. I swear. Walang kajejehan o kalandian na kahalo to.
Sa simpleng paghagod niya ng buhok niya gamit ang palad niya, sa paglalakad niya nang nakapamulsa, sa pagtawa niya, pag-smirk, ultimong pagsasalita niya, ikakamatay mo na. Yung tipong pwede ka nang mag collapse. Kahit anong gawin sa buhok niya, okay pa rin.
Hindi siya ganoon katangkad, pero di rin naman bansot. Hindi ganoon ka-muscled, pero di rin payat. Parang name-maintain niya ang sarili niya na manatili sa average ng lahat ng magagandang bagay.So ba't ko siya pinupuri? Ewan. Pero totoo naman, eh. Iyan ang totoong tingin ng mga tao kay Seth other than sa pagiging playboy/badboy niya. Siguro, isa na ako doon. Maski gusto mo siya o hindi, alam mong siya iyan. Si Seth Adrian Santiago.
Gusto siya ng madla kasi masungit siya. Ewan ko ba. Ang mga babae, gusto ang mga lalaking masungit. Well, the same goes for me. Kasi kapag masungit ang lalaki, ta's ngumiti, ay diyos por santo, magpakamatay ka na. Eto lubid, friend. Bigti na.
Siguro nga, perpekto siya sa pisikal na anyo. Of course, inside, hindi. Pero sa labas, oo? Siguro nga.
Ilang oras rin akong nakatitig sa nilalang na natutulog sa kama. Hindi ko na rin namalayan na ten-thirty na ng umaga. Magtatanghali na.
Lumapit ako para gisingin si Seth. "Seth, gising na. Malapit na maglunch," bulong ko.
Namulat siya agad. "I caught you staring at me earlier. Or is it glaring?" tanong niya.
Nahuli niya!
"Staring, my dear. I was staring at you," nangingiti kong sagot.
Tumayo na siya at ngumiti pabalik sa akin. "You really like me, don't you?" Tumawa siya nang mahina.
Tumawa ako. "Kamukha mo kasi si Nathaniel kapag natutulog," biro ko. Ay hindi. Totoo pala.
Ngumiti siya. Pinisil niya yung pisngi ko nang bahagya. Ang nakakagulat, hinalikan niya yung dulo ng mga daliri niya at pinatong iyon sa pisngi ko. "You wouldn't want me to kiss you again on the cheek, so I would just do this," sabi niya. Namula ako.
Nakakakuryente yung hawak niya. Nakakaasiwa yung tingin niya.
"Shit," di ko napigilang ibulong.
Ngumiti ulit siya. Uwah! Huwag na kasi! Nakakabaliw!
"Please stare at me more, Adah," hiling niya. Famewhore? "Tara na. Umuwi ka na."
"You asked me not to leave you, so I wouldn't. I will stay," protesta ko.
Umirap siya. "I just need you earlier." Nagpout ako. Please work. Please work. "Ugh. Stop. Sige na. If I know gusto mo lang akong makasama, eh." Nakangisi na siya.
Hinampas ko siya. "Leche."
Well, that's one of the reason why I wanted to stay. Hurrah for Seth's guess.
--
BINABASA MO ANG
I'm Nobody
Teen FictionI'm 'nobody.' Invisible ako sa lahat ng tao sa bahay, sa school, at sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko. Lahat ng makasalamuha ko, ayaw sa'kin. Pangit ako, bobo, tanga, masama ugali. Walang magsasayang ng oras para kausapin ako. For short, wala ako...