Napahawak ako nang mahigpit sa ballpen kong hawak kanina pa nang may maglapag ng backpack sa upuan sa tabi ko. Di na naman ako mapakali. Ang weird ko na.
"Adah," tawag ni Seth sa'kin. Ngumuso siya sa binabasa komg libro, "May quiz sa Bio?"
Tumango ako.
Umupo na siya sa tabi ko. "Ah. Tinatamad ako mag-review," aniya. Sinalampak niya yung ulo niya sa desk niya. Pero imbes na nakapikit lang siya habang nakapaling ang ulo niya sa direksyon ng desk niya, nakaharap ang mukha niya sa'kin.
Shete, di na naman ako mapakali. Parang ma kung anong elementong nambubulabog sa'kin kapag kaharap ko si Seth. Nanginginig yung kamay ko, parang lalagnatin ako, hindi ako makapag-focus, at sobrang dami pang kaweirdohan.
Ngumiti siya.
Ngumiti siya.
NGUMITI SIYA! Mas totoo ito kaysa sa mga nauna. Hindi to yung halatang pineke. Although, kay Seth, lahat ng galaw niya, mistulang totoo lahat-lahat. Pero ito, kita yung genuinity at sincerity.
Mas lalomg nanginig ang kamay ko. "Eh! Huwag ka ngumiti!" naaasar kong saway sa kaniya. Ngumiti pa siya lalo.
"Naga-gwapuhan ka sa'kin," over confident niyanfg mungkahi. Hindi talaga tanong, eh. Statement talaga! Yabang.
Pinalobo ko ang pisngi ko. Nagagwapuhan ba ako sa kaniya o ano? Ewan ko. Masiyado ko na ata siyang pinupuri ngayon. Does it mean na gusto ko siya?
No fuckin way, bro.
Umiling ako. Nagpout siya. "Really? Hindi ako gwapo? Hay. Masaquette," nag-iinarte niyang sinasabi. Napatawa ako nang mahina. "Gaga ka. Tinatawanan mo lang ako? Tsk."
"Kung iyang paglalandi mo sa'kin ay inaaral mo na lang ng Bio, ay, hayahay ang buhay," payo ko. Ang landi kasi.
Napangiti ulit siya. "So you really consider this as flirting? Wow."
Ano ba kasi yung sinabi ko?! Argh!
"I want to ask you something, but I refuse. Nakakahiya," bulong niya. Anong pinagsasabi niya? Anong tanong iyon.
"You can ask me whenever you're ready," naguguluhan kong sabi. Tinikom niya lang ang bibig niya at tumango.
Buong period ng Bio, nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap sa'kin. Ngingiti lang siya kapag nabibisto ko siya. Pero kung hindi nakangiti, nakangalumbaba, animo'y nagiisip. Seriously, what's bothering him?
Pagkatapos ng Bio, lumapit siya sa'kin. "Bakit?" Tanong ko.
"Ano next class mo?"
"Ah, technical writing. Bakit?"
Pinalobo niya pisngi niya na parang nagiisip. Nagagawa ko rin iyan minsan, eh. Pero, ang cute niya. . . Ugh, ano ba to?!
"Stop staring, my dear," nakangisi na niyang asar. Nahuli na naman ako! Stupid me. Napatungo na lang ako sa hiya. Pinatong niya palad niya sa tuktok ng ulo ko. "Dismissal mo?"
"Four-thirty pm," sagot ko. Nakakakuryente na naman.
"Ah, parehas. Meet me at the gate later," bilin niya. Tumango ako. "Take care, my dear," sabi niya sabay pat sa ulo ko. Umalis na siya. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng backpack ko. Nakakakuryente. Nakakaasiwa.
"Ericka," may tumawag sa'kin. Lumingon ako sa direksyon na iyon. Si Japheth.
"Po?" sagot ko.
BINABASA MO ANG
I'm Nobody
Teen FictionI'm 'nobody.' Invisible ako sa lahat ng tao sa bahay, sa school, at sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko. Lahat ng makasalamuha ko, ayaw sa'kin. Pangit ako, bobo, tanga, masama ugali. Walang magsasayang ng oras para kausapin ako. For short, wala ako...