Chapter 1
"Magtataka ka siguro kung sasabihin kong... matagal ko nang alam na mahal ako ng mga magulang ko at nang buo kong pamilya..."
Nag-iinit na naman ang mga sulok ng mga mata ko, pero ibinuga ko ang hanging nakadadarang sa mga ito palabas ng bibig at ng mga butas ng ilong bago pa ako makapagpakita ng kahinaan sa taong ito. He doesn't deserve to see my weaknesses. Not even a drop of my tears will he see fall from my eyes.
Until the time comes that I fear, he will not know that I have known for a long time and have been preparing for my departure when the appointed time comes.
Malapit na iyon...
Malapit na malapit na...
Nakatakda akong maging kaniya ng hindi ko pa nakikilalang tao.
Nagliham na naman ang taong iyon kay Mama. Iyon ang pinakahuling liham na pinadala ng unknown na taong iyon sa kaniya sa buwang ito. Nabasa ko na naman kahapon ang mga pagbabanta nito sa mga sulat-kamay.
I was only six years old when I accidentally read his very first letter to Mama...
At that young age, I knew there was something wrong with what the person who wrote that letter was saying. Endless curses and threats can be read there. Nothing sensible was said until the end of the letter. Iyon na rin siguro ang higanteng dahilan sa halos taon-taon naming pagpapalit-palit ng tirahan. Para sa kaligtasan namin iyon. Pero hindi rin dahil kahit saan kami pumunta at magtago, natutunton pa rin kami nito.
Well, may nag-iisang lugar na pagmamay-ari sina Mama na ramdam kong hindi pa nalalaman ng stranger na tao na iyon. Iyon ang secret house namin sa isang bundok sa Sierre Madre, Luzon, Philippines. Pero masyadong malayo at mataas ang lugar na iyon, hindi kaya for survival living. Puro ligaw na mga puno, mga halaman at masukal na paligid ang makikita. Ni sikat ng araw hindi nakatatagos nang malaya dahil sa nagtataasan, nagyayabungan at nagtatandaang mga punong-kahoy.
Makikita mo lang ang katapusan ng bahaging iyon kapag pumunta ka sa gilid nito, sa paanan at labas na ng mga bundok. Tirahan ng mga wild animals and other creatures kaya delikado rin sa amin at sa kanila. Minsan na kaming inatake ng baboy-romo at ng makamandag na cobra sa kalagitnaan nang mahimbing na tulog.
Because of those incidents, they realized that life in the jungle is not for us. That person won't be able to find us in the jungle, but ferocious and poisonous animals will find us and kill us. Bumaba kami after ng halos isang buwan na paninirahan doon at bumalik na lang ulit dito sa Russia, our fifth home.
Sa five years naming paninirahan sa Pilipinas, twenty times kaming nagpa-iba-iba ng address. Mula Luzon pababang Visayas at Mindanao, narating namin. Sumunod naman ang mga bansang Sweden, United Kingdom at US. Parehong limang taon na palipat-lipat din kami sa mga ito. Hanggang sa napadpad na nga kami rito sa Russia hanggang sa mga taong ito. Nine years na rin kami rito.
Every uwi namin sa Pilipinas, dinadala ni Mama ang mga letters, iniipon at iniiwan sa tagong baul nito sa bahay namin sa gubat. Hindi niya alam na marami na akong nalalaman. Hindi niya alam na simula nang mabasa ko ang unang sulat na iyon sa taong iyon ay hindi ko na tinigilan ang pagmamanman sa mga kilos niya.
Mag-isa akong nagpupunta sa bahay namin sa gubat para lang mabasang minsanan iyong mga iba pang sulat na hindi ko nabasa. Itinataon ko tuwing nauuwi kami sa Pilipinas, nagpapaiwan para puntahan ang lolo. Pero alibi ko lang iyon sa kanila at kakuntiyaba ko ang lolo.
"Wala akong sinabing hindi ka nila mahal, Carlisle..."
Bumuntong-hininga ako nang magsalita si Miro. He's my Russian ex-MU. Yeah, ex na ka-mutual understanding. Sasagutin ko na sana last month pero hindi natuloy dahil nga nasaktong nabasa ko iyong letter na iyon ng taong iyon. Iyon iyong letter bago nitong huli. Hindi kami nagkaintindihan kaya nang sundan ko sa bar na pinuntahan nito ay hayon, nakita ko na lang na nakikipaghalikan na sa ibang babae.
BINABASA MO ANG
The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)
Любовные романыStarted: March 11, 2023 Ended: Morpheus Zathrian Fagoso Safeirio is the richest living being in the world. Pero ito'y hindi alam ng lahat dahil sa lihim niyang pagkatao at mga negosyo. Kilala sa tawag na 'Don Safeirio' sa probinsiya at isla ng El Co...