Chapter 2 (Choose)

447 13 0
                                    

Chapter 2

Pati kabang dapat kong maramdam hindi na nagre-register sa utak ko. My stomach growls with hunger. Napapikit ako ng mga mata nang doon huling nakatingin.

Kung ano mang mangyayari sa akin, bahala na...

The warm breeze caresses my skin. May palagay akong wala na ako sa lugar na nakasanayan ko.

Dati, sinasabayan man ng araw ang winter sa kalupaan, mas nanunuot pa rin sa mga buto ang lamig kaysa sa init nito, ngayon, nabaliktad na. The scorching environment intensified with the hot gusts of wind.

Okay na rin ang ganito, ang mamatay sa gutom bago makarating sa taong iyon.

Sana mamatay na lang talaga ako agad. Mas gugustuhin kong mamatay nang mabilisan kaysa dahan-dahang pinapatay habang pinapahirapan. I will never beg for him to keep me alive.

Isa pang hinga ang ginawa ko bago muling tinakasan ng malay.

I had no idea how many hours I had been unconscious. I awoke to dark, unfamiliar surroundings. Wala akong makita na kahit ano. Patay na ang pakiramdam ko. Tila nalantang gulay sa kinahihigaan na naghihintay na lang na maitapon.

Hindi ko makita ang labas kaya hindi ko rin alam kung gabi o umaga na. I yearned to end my life, yet I lacked the strength to carry it out. Kailangan ko ng lakas para magawa iyon.

Kumilos ang ulo ko papunta sa bandang alam kong pinanggalingan ng kaunting ingay. Bumukas ang pinto at ramdam kong may pumasok.

"Kumain ka na..."

Boses ng isang babae...

Her voice was calm and uttered with a measured tone.

"Iiwan ko ang pagkain sa tabi mo. Nasa ibabaw ka ng kama ngayon. Sa tabi ng ulo mo, may table riyan. Diyan ko ilalapag ang mga pagkain mo... Bumangon ka at kumain," she continued speaking as I could hear her approaching.

"Ano'ng... k-kailangan ninyo sa akin?" Ang mga salitang pinilit kong ilabas mula sa bibig ko. "Bakit... h-hindi na lang ninyo ako patayin?"

Naramdaman ko ang pagtigil niya sa tabi ko at narinig ang pagkakalapag ng bagay na dala niya sa table.

"P-Please, huwag kang umalis... Patayin mo muna a-ako..." umiiyak ko nang makaawa. "G-Gusto ko nang mamatay... Tama na ito. Hirap na hirap na ako sa buhay kong 'to. Gusto ko nang umalis sa mundong 'to."

"Makinig ka."

I caught my breath as the wind ceased abruptly. May kaunting hanging pumapasok mula sa pintuang iniwan niyang bukas. Pero halos lahat ng mga parte ng silid na ito ay nanunuot sa dilim. Tanging ang liwanag na nanggagaling sa pintuan ang liwanag sa banda roon.

"Kailangan mo ng lakas para harapin ang sinasabi mong kamatay. Gusto mo ba'ng mamatay nang dalawang beses?"

Walang gustong lumabas sa bibig ko.

Bakit tila hinahamon niya akong ipaglaban ang natitirang hininga ko?

"You must bravely embrace death, and you cannot do so if your stomach is empty... Kailangan mo ng lakas para mapagana ang utak mo. Nang sa gayon, mas lubos mong matatanggap ang kamatayan mo. Kumain ka," she said firmly and left my side.

She moved a little further away. I heard the striking of a match. She transferred the flame from the stick to the end of a long white candle placed on the wooden table there. Bahagyang lumiwanag ang silid. Nailawang tutok ang malaking painting sa itaas ng kandila. It is an abstract painting hanging on the wall. Walang masyadong mga gamit; iyon, dalawang mesa, isang upuan at itong kinahihigaan kong maliit na kama lang.

The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon