Chapter 15 (Trauma)

404 9 1
                                    

Chapter 15

Kasya na ang buong kamao sa bunganga ko sa pagkakanganga ko nang malaki.

Itong sarili ko nga hindi niya alam ang nangyayari sa akin, siya alam na alam niya?

"B-But I-I'm not... S-Saan mo ba nakuha iyan?"

"Diyan sa paggaralgal na naman ng boses mo."

"Sige. Kung iyan ang pinaniniwalaan mo. Basta magkaiba tayo, ha? Mas naniniwala ako sa sarili ko na disapproved sa sinabi mo. Hindi kita crush, Don Safeirio! Tch," pabugnot kong sitsit. Hindi na mahulaan kung saan ikakamot ang mga natatarantang mga daliri.

Nilagpasan ko siya at nagmamadaling makalabas ng gubat. I can feel that he is following closely behind me. The distance between us doesn't seem to change because he takes twice as many steps as I do with each stride.

Dadaanan ko pa sana ang garden ko, pero nagbago ang isip ko. Gusto ko nang makarating kaagad sa kuwarto ko para makalayo sa lalaking ito. I took another shower because my feet's skin was itching from brushing against branches and stray plants earlier.

"Kakain na, binibini," paalam sa akin ni Mr. Ramcy sa labas ng kuwarto pagkalipas ng anim na oras.

Walang kumain ng lunch yata kanina. Walang nagtawag, eh. At kahit pa mayroon, hindi pa rin ako lalabas. Nahihiya akong magpakita kay Don. Oo na. Mas nagpapahalata ako kung hindi ako sisipot ng lunch, if ever, pero iyon ang gusto ko, eh— ang magtago muna saglit.

This time, gutom na talaga ako. I need strength now. I'm starting to look like food. Nasasanay na ako sa mga pagkain dito.

Bumaba ako para kumain. I sighed deeply when I noticed that Don Safeirio was already seated at the end of the long table while eating. Nagpapakatotoo pa rin ang sikmura ko kahit nakita ko na ito— kumukulog-kulog pa rin sa gutom.

"Good evening, Don Safeirio... Thank you sa pagtawag sa akin..."

"I didn't call you."

"Huh? I mean... thanks kasi pinatawag ninyo ako kay Manong Ramcy..."

"I didn't ask him to call you either."

So, am I left to decide whether I'll die of hunger or not? Is that it?

"A-Ah..." Tango ko. "So, kay Sir Ramcy dapat pala ako mag-thank you... Pero wala na kasi siya sa labas ng kuwarto paglabas ko..."

Mabuti pa iyong kanang-kamay niya, may care sa akin.

"Tinawag niya ako at sinabing kumain na..."

Pinuntahan ko ang upuan ko at naupo nang maayos. Gutom na gutom na ako, pero siyempre, dadahan-dahanin ko muna ang pagkilos sa harapan ng kamahalan.

"Lumabas naman ako kasi nagugutom na rin talaga ako..."

Pasimple kong sinamyo ang mga pagkaing nakahanda na sa harapan ko. My experience is always like this every mealtime. My food is already prepared, each with its own place and portion. Parang tinatantiya lang talaga nila kung ano iyong mauubos ko.

"Dadaanan sana kita sa kuwarto mo pero baka ma-high blood ka na naman sa akin kaya hindi na ako tumuloy..."

I glanced at him before picking up the spoon. Kumakain pa rin ito. Pero hindi lang basta sumusubo— with class kung kumain ito. Nakadiretso ang likod at dahan-dahan ang pagnguya. His upper body is exposed again. I find myself looking at his chest tattoo again.

Sumubo ako ng isang kutsarang kanin. Nginuya nang mabilis para makapagsalitang muli. "Wala pa rin sina Manang Wendy, Don Safeirio. Nakapagdesisyon na akong ako na muna ang papalit sa kaniya. Pumayag ka sanang ako muna ang mag-aasikaso nitong mansion... Maglilinis at maglalaba ako..."

The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon