Chapter 5
I delicately extended my hand towards his tattoo, feeling the inked art beneath my fingertips. Napapaso ako sa ginagawa pero hindi ko rin naman maihiwalay ang mga ito sa balat niya.
Ang letrang L na ito, tumatayo ba sa pangalan ng aking ina na Leticia?
Tila napaso naman itong napaatras palayo sa akin. Natigilan siya paghaplos at paghalik sa akin. Hinuli niyang mabilis ang palapulsuhan ko sa kamay kong nakahawak sa kaniya at inilayo ito mula sa kaniya. The drops of water traced a path across his eyes, which locked onto mine, brimming with anger and accusation, as if reproaching me for my actions.
Nahihintatakutan man sa ningas at apoy sa kaniyang mga mata, wala akong binabawi sa ginawa ko.
"Is my mother being referred to by that tattoo, Don Morpheus?"
He didn't answer me; instead, he tightened his grip on my hand even more, forcefully pulling it away and increasing the distance between us. Ako rin na nauulanan ng shower ay namamanghang nakatitig sa kaniya.
Ang lakas ng kutob kong si Mama ang nasa tattoo niya!
At sa naging reaksiyon at kilos niya, tinulungan lang niya akong masagot ang tanong ko nang walang kahirap-hirap.
"Si Mama pala ang dahilan kaya ako narito... Ah... May issue pala kayo..."
I hope the rushing water from the shower can conceal the tears streaming down both cheeks of my face. Para akong isa-isang sinusugatan sa laman sa nalaman. Ang sakit lang na wala man lang akong narinig na paglilinaw mula kay Mama bago ako nawala.
Sino'ng ina na gugustuhing mapahamak nang walang kaalam-alam ang anak niya?
Siya lang!
Itinikom ko ang mga labi sa piniling pagluha nang walang ingay. Hindi ko nilubayan ang mga mata ng lalaking ito.
"S-Sino ka sa buhay ng ina ko? Bakit nasa tattoo mo siya? Bakit mo 'to ginagawa sa anak niya?"
I no longer care if I'm not cautious, but it is my right to know what his relationship is with my mother.
"Ano ka sa buhay ni M-Mama?" Naghihinala at naghihintay kong ulit na ipinaalala ang tanong kong nauna.
Humahagulgol na pati ilong ko mula sa paghihintay sa walang kasiguraduhang tugon dito.
"So, you wanna know?" Sumilay ang ngisi sa mga labi niya. He turned into a different person again. I could tell just from the way he looked at me in class; it was intense and full of rage.
May ngiti sa ngisi sa mukha nito pero nanlilinlang lang para hindi ko mapansin kung ano ang totoo. I slightly lowered my head, as if someone was telling me that I wouldn't be able to handle his response. May sagot na akong alam pero hindi ko pinapadaan sa emosyon ko.
"You wanna know... Ang tanong, kaya mo bang marinig?"
Napakunot nang matindi ang mga kilay ko. Nanginginig ang mga mata sa pagkalito at pagkainis ko siyang muling tiningala. As I looked back at his mocking and playful face, tears welled up in my eyes once again.
"Your mother... is my ex-lover. She used to be my ex-girlfriend," dahan-dahan niyang pagsisiwalat sa eksaktong-eksaktong pagmumukha pa rin, a laughing face.
I took a disgusted step back. There was a strange, indescribable heat rising inside my stomach. Hinahalo nito ang nasa tiyan ko at pinapalawak ang sensasyong nasusuka hanggang sa lalamunan ko.
"You w-what? At... a-alam mong anak niya a-ako?" uutal-utal kong tanong.
"Yeah... May problema ba ro'n?"
BINABASA MO ANG
The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)
RomanceStarted: March 11, 2023 Ended: Morpheus Zathrian Fagoso Safeirio is the richest living being in the world. Pero ito'y hindi alam ng lahat dahil sa lihim niyang pagkatao at mga negosyo. Kilala sa tawag na 'Don Safeirio' sa probinsiya at isla ng El Co...