Chapter 3 (Mine)

434 13 0
                                    

Chapter 3

"Oh, maunawaing langit, kaawaan mo ako," nanghihina kong sambit sa salitang Russian.

I felt nauseated as my gaze once again fell upon the folder lying on the floor. Nakapaloob na siguro roon lahat ng mga mangyayari sa akin dito. Pabawas nang pabawas ang lakas kong nakuha sa pinakain sa akin kahapon. I felt the weakness and dizziness creeping back in again.

"P-Pakawalan mo ako nang mapirmahan ko iyan... Is that a legal document of ownership from you to me?"

Kalokohan, ang unang salitang pumasok sa isip ko.

"Pipirma kang nakatali."

"Okay. Kung kaya, why not?"

Tinakpan ko ng pekeng tapang ang takot.

"Basta tumupad ka sa pangako mong hindi mo gagalawin ang pamilya ko. Nakapili na ako." Napalunok ako. "Hayaan mo na sila... Tigilan mo na ang kasusunod at kababanta sa pamilya namin. Ito na ako. Bayad na kami."

I long to cry and let my tears flow endlessly, but deep down, I know that my strength will be wasted if I give in to that urge. Kahit nga kahubaran ko hindi ko na magawang ikahiya sa harapan niya dahil sa panghihina.

Akala ko babalik kaagad si Manang. Balak ko sanang sa pagbalik niya, hihingi ulit ako ng pagkain o kahit ng maiinom man lang, pamatid ng uhaw.

"Bayad na kami. P-Parang awa mo na... Hayaan mo na silang makapamuhay nang normal..."

"As long as you sign that, everything you desire will come true," aniya, bahagyang umalon paitaas ang butong bilog sa lalamunan niya sa paglunok.

He is a beautiful man, I'm sure of it. His broad, exposed chest is covered in a trail of hair, lush and thick, starting from beneath his towel, leading up to his distant, spaced-out nipples. Magulo ang buhok niya, basa at tumutulo pa. Alam ko dahil buo-buo ang mga ito, kahit pa sabihing kakulay ng dilim ang mga ito. May hugis na tumatatak sa mukha at mga gilid nito. His jawline accentuates the masculine curves, whether he's speaking or not.

Natatakpan ng kama ang mga paa at ilang parte ng binti niya. I couldn't help but glance at his well-built, erect chest. May mga maipagmamalaki itong mga bukol ng mga muscles. Kumikintab-kintab pati mga spaces ng mga ito sa isa't isa, tila mga pandesal na bagong luto na napahiran ng butter.

Oh, gutom na nga talaga ako!

I nervously swallowed, hoping he wouldn't notice me. Maybe he'll just kill me, yes, but I fear what else he might do...

Napakapangit ko para patulan niya!

Wala akong karanasan!

Oo, papatayin niya lang ako at iyon lang...

Pero bakit katulad ko ay katatapos din niyang maligo?

At bakit hanggang ngayon ay nasa katawan ko pa rin ang tingin niya?

"Paano ko naman malalaman na tutupad ka sa usapan? Hindi kita kilala. Paano mo mapapatunayan na pati dugo mo, ipipirma mo sa kontratang iyan pagkatapos ko? Sorry, pero wala akong tiwala sa iyo. Wala. Hindi mo ako mapapaniwala. Ilang taon mo kaming tinakot, pinagbantaan at pinagsusundan. Ilang taon mong ipinagkait sa amin ang mabuhay nang normal. Hindi rin ako naniniwalang sapat na ako para tigilan mo ang pamilya ko. Bigyan mo ako ng mga patunay na tutupad ka," I boldly and firmly said without hesitation. "Mahalaga sa akin ang pamilya ko kaya mahalaga sa akin ang pagtupad mo."

"Basahin mo ang mga nakasulat nang maniwala ka."

"Hindi ako mapapaniwala ng papel lang!" pigil kong bunghalit.

Desperado na akong matigil siya sa ginagawa niya sa pamilya ko.

Because I am also hopeful. If it weren't for him, would my family have given me the love I deserved?

The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon