Chapter 12
Hindi. Nananakot lang siya. Bugbog 'tong katawan ko sa mga sugat at gasgas kaya malabong gagawin niya ang sinabi niya.
"A-Aminado naman akong may kasalanan ako kaya nangyari sa akin iyon kanina. Ako naman ang sumemplang at nasugatan, eh. Hindi n-naman ikaw. Bakit ka ba nagagalit at gusto mo akong parusahan dahil sa nagawa ko? Saan ka ba nagagalit?"
His eyebrows remained lined, not speaking but looking at me as if I didn't know what I was sounding. Pero alam ko ang ibig ko kaya paninindigan ko 'to.
"Don Safeirio, ano ho ang ikinagagalit ninyo? Nagagalit ka bang nasaktan ako sa aksidente o nagagalit kang naipahiya ko ang sarili sa harapan ng mga tauhan mo? Maiintindihan ko pa siguro kung ipaiintindi mo hindi iyong bigla ka na lang nagagalit..."
Nakairap ang mga mata niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Because I was still hungry, I imitated him and continued to take bites. Our eyes were set on each other. Pero ang sarap talaga ng ulam namin kahit isang putahe lang na hindi ko magawang tigilan.
"Hmmm... Ginisa ba ang tawag dito sa luto na ito?"
Kahit papaano, may mga nalalaman ako sa ilang ways ng pagluluto ng mga Filipino. Naririnig ko kay Mama ang term na iyon tuwing nagluluto siya. Terms lang pero hindi ang mga pangalan ng mga putahe niya sa Filipino. Muntik nang makasunog si Dahlia nang mag-experiment itong magluto mag-isa kaya mula noon ay pinagbawalan na kaming makialam sa kusina tuwing wala si Mama. What I know about cooking, I learned through self-effort. I read cooking books and watch videos online.
"Nagustuhan ko itong niluto mo... Kung hindi ako nagkakamali, ikaw rin iyong nagluto ng beefsteak na pinakain mo sa 'kin no'n, 'no?"
No pansin pa rin ito pero nakabantay naman ang mga masusungit nitong mata sa akin.
"Ang resourceful mo. May pagkain pala sa buhok ng niyog, 'no?" entertain ko pa rin dito kahit mukha na akong walang kausap dito.
Inusog niya ang upuan paatras at tumayo dala-dala ang plate niyang nasimot na ang laman. Dinala niya ito sa lababo. As fast as he cooked, he also ate at the same speed. Habang ako, ito, parang ayaw nang tumigil sa paglamon. Dinamihan ko pa naman ang takal ng kanin kanina para may excuse akong makakuwentuhan ito nang mas matagal.
Ang weird na makipag-get-to-know-better sa taong nagbilanggo sa akin sa islang ito. Iyon na rin siguro ang naiisip niya kaya hindi niya ako pinapansin.
"A-Ah... si Butchog lang ba ang hayop dito sa isla?"
His gaze grew harsh as he faced me. I rethought my question to examine if there were any misconceptions, and upon finding some, I repeatedly shook my head in reaction. Akala niya yata ay pinaparinggan kong hayop din siya at ang mga tauhan niya.
"Hindi ikaw iyon, ah. Ang ibig kong sabihin... iba pang mga hayop. Manok, aso, pusa, baka at iba pa. Mga katulad ni Butchog na maamo..."
"Why?"
"Eh, baka puwede ko silang maging kaibigan kung hindi talaga puwede si Butchog."
"Bakit ba sila ang pinagti-trip-pan mo?"
"So, mayroon pa?"
"Stop tripping!"
"I'm not tripping. Gusto ko lang talaga'ng mag-alaga ng mga hayop, iyong may buhay," giit kong sinabi.
Tinalikuran niya ulit ako at pinuntahan ang isa sa mga fridges dito. He opened it and grabbed something in a ziplock bag. He submerged it in the basin full of water upon his return to the sink. Inabot niya nang magkasunod ang sangkalan at ang isang matalim na kutsilyo sa sabitan sa tabi. Lumipat siya sa dulo ng lababo at doon trinabaho ang laman ng ziplock na nakilala kong mga malalaking pusit. Seryoso niyang hinugasan ang mga iyon nang tatlong ulit.
BINABASA MO ANG
The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)
RomanceStarted: March 11, 2023 Ended: Morpheus Zathrian Fagoso Safeirio is the richest living being in the world. Pero ito'y hindi alam ng lahat dahil sa lihim niyang pagkatao at mga negosyo. Kilala sa tawag na 'Don Safeirio' sa probinsiya at isla ng El Co...