Chapter 16 (Stay)

281 7 0
                                    

Chapter 16

"Gusto mong paalisin ako ng isla kasi may mga bagay kang ayaw mong makita ko... Tama o mali?"

"Mga bagay na hindi mo dapat makita. Magkaiba."

"At ano ang mga yon? Kahit isa lang, bigyan mo ng halimbawa."

"Don't ask too many questions anymore. I won't have an answer anyway. I won't answer you." Tuldok niya. Dumistansiya siya at tumayo na. "Narrow down the width of your tongue. I don't have time for people who ask too much," aniya sa nagbababalang animosity sa mga mata at tinig.

Pinagsilop ko ang mga kamay, pilit na inaawat ang sarili. Ayaw kong mapaalis ko siya dahil sa hindi ko pagsunod sa kaniya. Gusto ko pang pagmasdan nang matagal ang mukha niya. Mukha niyang akala ko pinapaliguan na ng dugo ngayon...

He's really fine... He's being moody again. He's acting serious. He's showing me the behaviors I've gotten used to...

"Yeah..." Tumikhim ako at nag-moved on pansamantala sa nangyari kanina. "A-Ah... Mabalik lang tayo sa sinasabi mo kanina. Mag-aaral ako ulit?"

"Yeah..." maikling sagot naman niya.

"Are you... s-serious? Nagtitiwala ka sa akin? Hindi ka nag-aalangan sa mga maaari kong gawin sa labas?"

"Nope. I hold the world. The world is a puppet to me. Ano ka ba kumpara sa mundo?"

I couldn't help but swallow, my eyes locked onto him with a steady gaze. Sa pagkakasabi niya kaya ako nagkaganito. Sa mga mata niya ay nakakulong ako, gaano man kaliliit ang mga iyon, kasyang-kasya ako. Mapunta man ako sa mas malaking mundo, maibabalik at maibabalik niya ako sa kahit saan niya gustuhin.

"Huh?"

"Do you want to find out?" he provocatively asked, taking a slow step closer to me. "If you dare to make even one mistake, you'll discover what I'm capable of," he added deliberately. "Try it so you'll know. Wala namang masyadong mawawala sa iyo kung susubukan mo..." Ngumingisi na ang nagbababalang sulok ng mga labi at mga mata nito.

"Bakit ka ba nananakot, h-ha?"

"You're already scared, and yet you haven't even done anything." The corner of his lips dipped slightly, forming a grin owing to a faint chuckle. "Do some first. Wait for the result. At saka ka mag-decide kung natatakot ka na ba o hindi."

"Nagtatanong lang naman, eh. Siyempre nagtataka rin ako kung bakit bigla mo akong pag-aaralin."

"However, I'm inclined to delve into murkier depths in response to your inquiry. I don't want to play dumb and assume your question is superficial, Miss Calojeras..."

"Yeah... Alam ko naman na... hindi ka basta-basta na tao... P-Pero hindi mo naman kailangang manakot, eh. Marami lang akong concern... Second-year college pa lang ko... Nahirapan kami sa mga school credentials namin dahil sa ilang beses naming pagpapalipat-lipat ng school... May mga schools na walang consideration. Kung kulang ang mga units, hindi talaga kami nakapagpo-proceed. Nag-uulit kami. Nagawan lang ng paraan nila papa iyong iba kaya hindi kami masyadong nahuli sa pag-aaral..."

"Do you want to change your course?"

Nag-iiling ako sa kaniya. "Hindi na... Tatapusin ko na ang nasimulan ko... Ito ang gusto ni papa para sa akin... At saka ayaw ko nang mag-ulit pa..."

"Okay."

"P-Pero paano? Paano mo ako maipapasok? Iyong mga baggages ko sa Russia... Iyong mga requirements ko para maka-enroll... Ang dami ng mga iyon, ah."

"Don't worry about those things. I'll take care of everything. Just enroll. Ramcy will accompany you to the University."

"Grabe... Mag-aaral na talaga ako ulit."

The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon