-MYM- (07)

493 14 1
                                    

Lea's currently making breakfast for her and Aj that morning, she prefer it that way.

When they are still in Amsterdam and even Japan, siya lang ang nag-a-alaga sa anak niya.

She learned how to be independent, it was hard at first but she got used to it somehow.

Currently they only have one kasambahay and a nanny for Aj.

Her friends insisted on it, pumayag na din siya because she needed it, she needs to work.

Aminin man niya sa hindi, talagang naubos ang savings niya.

Ayaw naman niya to ask money from her parents and even from Aga.

Hindi na siya yung dating Lea, she doesn't feel that entitled anymore..

Her heartaches and hardships for the past six years forced her to grow-up.

Kung dati, ni magluto or mag hugas ng pinggan iniaasa pa niya sa katulong, ngayon hindi na.

She can basically do everything herself.

She's really thankful of her friends though. They helped her a lot when she came back.

Dawn is her bestfriend, kaya ito ang una niyang tinawagan hanggang sa malaman na ng buong barkad that she's back.

She asked them not to tell their husbands yet, hanggat di pa niya naiipaliwanag sa kanila lahat ng nangyari.

By the help of Sharon and Pipay who are bestfriends, she was able to buy a condo. They insisted on it, and she agreed.

Tama nga naman ang mga ito, once the press found out she's back, she needs a decoy house so they won't get near her son, and she's willing to swallow everything for his sake.

Including seducing his own father.

"Ma'am?" Nilingon naman niya si Ate Bing, ang kasambahay niya.

Actually, Vice let her borrow one of his maid, at least daw mapapagkatiwalaan ito, even Aj's nanny Mary, was recommended by Dawn naman, kapatid daw ito ng Nanny ni Yanna, Dawn's daughter with Richard.

"Ano yun ate Bing?" She asked as she wiped her hands with a towellete..

She just finished making breakfast.

She made scrambled eggs, pancakes with fresh fruits and roasted vegetables. Happy with what she had prepared, she instructed the maid to put the food on the table.

"Eh, Ma'am, may bisita po kayo." The old woman replied and Lea felt nervous.

Other than the girls, walang nakaka alam na dito siya umuuwi.

"Kilala mo ba kung sino?" She asked and the maid just shook her head.

"Ahm.. sige na, ate Bing. Asan ang bisita?"

"Nasa garden po." Tipid na sagot nito at bigla na naman siya nakaramdam ng kaba.

Aj and his Nanny is there. Whoever her visitor is, for sure nakita na nito ang anak niya.

Agad siyang naglakad palabas at nagtungo sa garden.

The people, she saw was the last people she expected.

"Mommy? Daddy? Ge?" She called their attention because they are busy hovering over her son.

"Lea? Anak?" Her mother said with tears in her eyes and opened her arms to her.

She immediately run to her mother's open arms.

"Kung hindi ka pa namin napanood sa TV kahapon, hindi pa namin malalaman na bumalik ka na anak!" Her crying mother said when she let go of her.

"I'm sorry for leaving Mommy. Ayaw ko lang po kayong madamay pa. This is my own battle Mom."

"Puro kahihiyan na lang ang dinadala mo sa pamilyang ito Lea!" Sigaw naman ng ama niya.

Nilingon niya ang Yaya ng anak at tinanguan ito, signalling her to bring her son inside at agad naman sumunod ito.

"Feliciano! Enough!" Saway naman ng ina niya.

"Dad, tama na po. Ate Lea needs us." Gerald said at nilapitan upang aluin ang umiiyak na kapatid.

"Kaya nagka leche-leche yang buhay ng batang yan dahil palagi niyong kinukunsinti!" Dagdag pa ng ama niya.

"Sabihin mo sa akin Carmen! Saan ako nagkamali ng pagpapalaki sa'yo? Ibinigay namin sa inyong magkapatid ang lahat! Tapos lalaki ka ng ganyan?"

Maybe it was also their fault, Ligaya told herself.

Lea was a spoiled kid growing-up, nasanay na lahat ng gusto nakukuha, maybe that was the reason why she did what she did in the past.

"You even had to resort to pretend that you are pregnant to get a man! Nakaka hiya ka Lea! At sinong ama ng batang yun? Wag mong sabihin sa aking nag pa buntis ka pa sa ibang lalaki?" Galit na galit pa ding turan ng ama.

Para naman siyang sinampal sa narinig.

"You really believe I can do that Dad?! Ano po bang akala niyo sa akin? Pakawala? Aga is Aj's father!" Hindi na niya napigilan ding sagutin ang ama.

"Hindi ako malandi Dad! Hindi ko kayang ibigay ang sarili ko sa taong hindi ko mahal! Nagmahal lang naman po ako Dad! Kasalanan po ba yun?" She's crying on his brothers arms.

"Hindi kasalanan ang magmahal Lea, pero mali ang pagmamahal mo." Anito na ikina tahimik niya. Ganun din ang sinabi sa kanya ni Aga nung gabing nalaman nito na hindi naman talaga siya buntis.

Ano nga ba ang tamang pagmamahal?

"How is it possible that Aga is the father? He told us everything that happened when you left Lea." Tanong naman ng ina niya.

"He was with me the night before the wedding Mommy, that's when he found out that I'm not pregnant." Paliwanag naman niya.

"Does he know?" Her father asked again and she shook her head.

"What? You should tell him Lea! Obligasyon niya yan!" Sigaw na naman nito.

"No Dad! I'm not going to tell him! Hindi na niya kailangan malaman!" Matigas na sabi niya.

Ano? Sasabihin niya kay Aga? Para saan? Para masabihan siya nitong hindi siya isang mabuting ina?

"You'll need financial help to raise that kid Lea, at wala kang mapapala sa amin kahit singkong duling hangga't hindi mo inaayos yang gulong sinimulan mo!" Matigas na turan pa ng ama.

"I'm not expecting any help from you Dad, at lalong hindi ako hihingi ng tulong kay Aga. Kung kinakailangan kong mag trabaho araw at gabi, gagawin ko mabuhay lang ang anak ko." She stubbornly said as well.

"Obligasyon ka niya Lea, pati na din ang anak mo, may karapatan siyang malaman ang lahat!" The authority on his voice is visible at kapag ginamit na nito ang boses na iyon, Lea knew she had to oblige, but she refused to do it. Not this time.

"He lost that right when he didn't showed up on our wedding Dad, wag niyo na pong ipilit." Sagot na lang niya.

"May karapatan siya Lea, dahil asawa mo siya!" Nagulat naman siya sa sinabi nito.

"Ho-how did you---"

"I know what you did Lea. Alam kong ini file mo ng mas maaga ang marriage certificate niyo. I would have been proud of you. Nag mana ka sa akin, tuso ka din, pero panindigan mo ang inumpisahan mo Lea. Dahil kung hindi, kukunin ko sa'yo ang anak mo."

She's getting confused now. Does Aga know?

"Walang alam si Aga sa ginawa mo Lea. Mamili ka, ikaw ang magsasabi? O mangingialam ako? Hindi ako ang kaaway mo dito Lea, ginagawa ko ito para sa apo ko." Nagbabanta pang sabi nito.

Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na naman.

Alam niyang naging masamang tao siya noon, but was that enough reason para parusahan siya ng ganito?

Make You Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon