Natapos na ang pag-aayos sakin ng make-up assistant..nalaman ko na make-up artist pala 'to ni Sky..infairness ang galing nya.light lang make-up ko tapos yung dress ko pinalitan nya ng kulay pink..medyo ayaw ko ng kulay na 'yon pero wala na kong nagawa ng pinasukat sakin yun ni riri.pinasuot nya sakin yung stilleto na may 3-inches heels.nung natapos na akong ayusan at iniharap nya ko sakanya..bigla syang tumawa ng malakas at nagtatatalon sa tuwa
"Ayan lumalabas lalo ang ganda mo girl.halika na para makita ka na ni Sky."
Nung bumaba na 'ko ng hagdan..si Sky napatitig sakin tapos sumeryoso na naman yung muka nya..tss lagi naman ganyan yan eh..kahit yata mag-hubad ako sa harap nya wala lang syang reaksyon
"Oh what 'ya think Sky..?lalong na-emphasize yung beauty ng asawa mo." si riri na kanina pa pala nasa likuran ko
Si sky wala lang,,*tunog ng mga kuliglig*
"Let's go at baka mahuli pa tayo.they've been waiting on us." sabi nya tapos pumunta na sa parking lot para kunin yung sports car nya na syang sasakyan namin
"Sige na girl baka uminit pa ulo nyang si sky..wag kang mag-alala,kilala ko yan!nagagandahan yan sayo pero di lang nya pinapahalata.." sabi ni riri sabay kindat at thumbs-up pa ng kamay...ngumiti nalang ako sakanya at sinundan na yung halimaw e-este si sky
Pumunta na 'ko sa backseat ng kotse..maya-maya pa tumingin sya sakin ng masama sa rearview mirror
Tinignan ko sya ng may pagtataka sa muka
"What?" .Inosenteng tanong ko sakanya
"Bakit dyan ka umupo?anong akala mo sakin driver mo?come here..dito ka sa tabi ko!" sabi nya with his signature death glare
Itinaas ko ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko,
"Okay,okay..sige na wag ka ng magalit." sabi ko sabay baba sa backseat at lumipat sa tabi nya
Pinaandar na nya yung kotse with a fastest speed susmaryosep!!
Napapakapit tuloy ako sa seatbelt dahil sa bilis nyang mag-drive.naging racer ba sya?sabagay pwede naman maging racer ang halimaw wehehe
BINABASA MO ANG
MY COLD HUSBAND
Romancearrange marriage..?! natatawa nalang si Sab Martinez sa mga ganitong salita para sakanya.ang pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal ay isang malaking katangahan pero paano nalang kung sakanya mismo mangyari ang ganitong set-up..? makuha pa kaya...