Buti nalang at maaga akong naka-uwi sa condo..wala pa si halimaw hehe buti hindi nya alam na kasama ko si luis kasi baka kung anu-ano nanamang isipin ng halimaw na 'yunNagpalit muna 'ko ng damit sa kwarto pagkatapos bumaba agad ako para magluto ng caldereta.sinabi kasi sakin ni mama alice na paborito raw ni sky ang ulam na 'yun eh ako nga ayoko nun..ang anghang kaya..!
Mahigit isang oras din akong nasa kusina.finally naluto na.nauna na 'kong kumain pagkatapos hinugasan ko muna yung pinagkainan ko saka diretso sa sala..sumalampak agad ako sa mahabang sofa sabay bukas ng tv eto lang talaga yung madalas kong gawin..naisip ko yung posisyon ko as manager ng kumpanya ni daddy mukang ayaw na nya 'kong pabalikin..ilang buwan na simula ng ikasal kami ni sky.naalala ko pa yun nung huli akong pumunta dun sa kumpanya para kamustahin yung mga nagaganap
Nakita ako ng mga empleyado.ngumiti sila sakin sabay bati ganun din naman ang ginawa ko.!
"Kamusta na po mrs.monteclaro.?mukang lalo pa po kayong gumaganda.ganyan po ba talaga ang sikreto pag may asawa kang gwapo at sikat inspired aayyyiiieeeehhh!" sabi ng mga empleyado namin
Hala ka.!!hindi pa ba pinapag-break time ni dad 'tong mga 'to?mga mukang nalipasan ng gutom
Nagsalita naman si janine...isa sa mga close kong empleyada
"Namimiss ka na namin...yung kakulitan mo mam.sab parang nawala na mukang tumino na po kayo ah."
Pinandilatan ko si janine.!bakit?!baliw ba 'ko noon.?hindi ba 'ko matino dati..?siguro baka..*_*??
Nginitian ko nalang sila ayoko kasing makipag-lokohan ngayon wala ako sa mood
Pumunta na 'ko sa office ni dad...ayun pagbukas ko nandun sila mama at justine..si mama minamasahe nya si papa si dad naman natatawa sa ginagawa ni mama..anu ba 'yan akala yata nila bagets parin sila.tumiteenager at si justine ayun.naka-higa pa sa sofa natatawa tuloy ako sa monggoloid na 'to at dahil hindi pa napansin nila mama at dad na nakapasok na 'ko sa loob eh hindi na 'ko nag-ingay.anu ba yan!..buti hindi nananakawan 'tong office ni dad.so asan na ba 'ko.?ahhhh kay justine
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko saka ko pinicturan si justine na nakanganga pa..may naisip pa 'ko.kinuha ko yung unggoy na keychain sa cp ko saka ko 'to pinasok sa bunganga ni justine
Hindi ko na napigilan kaya natawa na 'ko ng malakas
"Hahahahahaha.!" napapa-upo na 'ko sa sahig sa kakatawa
Bigla namang lumingon sakin sila mama.si justine tuluyan ng nagising nakita ko pa syang nainis sa ginawa ko saka tinapon sa paa ko yung keychain na unggoy
"Anu ka ba ate?!bakit mo naman yan nilagay sa bibig ko?ang lakas talaga ng amats mo." si justine na nakasimangot
Tawa parin ako ng tawa habang pinupunasan yung keychain ko.
'"Oy tama na 'yan baka magkapikunan nanaman kayong dalawa..iha anak napadalaw ka kamusta na ang anak ko." sabi ni dad sabay yakap sakin..gumanti naman ako sa yakap nya
"Eto dad okay lang masaya naman."
"Ate hindi ka pa pwedeng magtrabaho dito sabi ni dad bakit ka nandito.?naka-maternity leave ka raw.!" justine
Napakunot yung noo ko sa sinabi ni justine..ten years old pa lang 'to..bakit ganun sinasabi nun
Binatukan ko nga
"Anung maternity leave pinagsasabi mo dyan..!baliw.hindi ako buntis saka kaya ganun kasi kakakasal ko lang bopols ka talagang bata ka".
"Tama na 'yan...Sab yun kasi yung sinasabi ko pag may nagtatanong eh hehe pasensya na anak." sabi ni dad sabay nag-peace sign.ang kulit talaga nyan...^_^
"Sab hindi naman sa minamadali namin kayo pero kaylan nyo ba kami balak bigyan ng apo ni sky..?!gusto na naming magka-apo eh." -tanung naman ni mama
Wala akong nasabi............basta history nalang yung sumunod na nangyari
......................................................................................................
Nanonood nga 'ko ng tv ng biglang bumukas yung pinto.tumambad sakin si sky kaya sinalubong ko sya pero parang may kakaiba sakanya
Nakayuko sya pero naramdaman nya ata na nasa harap nya 'ko kaya umangat yung muka nya...sabay ngiti sabi na nga ba eh=_=
"Hi ashawa ko*hik*...how'sh your day.?" sabi nya sabay kaway habang nakapikit
Lasing nga si halimaw pero bakit naman kaya.?
"Sky bakit ka ba uminom?may nangyari ba.?" tanung ko sakanya
Ngumiti lang sya sakin pagkatapos hinila nya yung kamay ko sabay yakap..nagulat ako
"S-sky a-anu ba...hi-hindi ako maka-hinga." sabi ko sakanya habang kumakalas pero ang tibay ni loko...ayaw akong bitawan hindi naman sa ayaw kong magpayakap sakanya infact gusto ko nga eh hihi..landi mo nanaman sab kaya lang amoy alak kasi sya
Pero may sinabi syang ikinahinto ko
"Wag kang gagaya kay angelie ah...wag mokong iiwan okay?.i love you ashawa ko."
Nagulat ako....si-sinabi nya ba 'yun saka sino si angelie?!
"Sky totoo ba?love mo ba talaga 'ko.?saka sino si ang--
Nnggooooooookkkkk.....'
Humihilik na pala..langya tinulugan ako
Panu ko ba'to iaakyat sa kwarto nya...ang bigat eh haayyy naku ka talaga sky kung hindi lang kita mahal
Pero paano kaya sya nakapagmaneho pauwi ng ganitong may tama sya ng alak?!
BINABASA MO ANG
MY COLD HUSBAND
Romancearrange marriage..?! natatawa nalang si Sab Martinez sa mga ganitong salita para sakanya.ang pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal ay isang malaking katangahan pero paano nalang kung sakanya mismo mangyari ang ganitong set-up..? makuha pa kaya...