PART47

25.7K 436 2
                                    


Nagising ako dahil sa istorbong nagdodoorbell sa labas...tinignan ko ang orasan at alas-syete palang ng umaga..nakaramdam ako ng inis dahil sa pagkaputol ng tulog ko.tinatamad akong naglakad palabas ng kwarto ko

Wala na pala si sky...pumasok na siguro yun sa opisina bumaba na 'ko at binuksan ang pinto


"Bheeeessssttttt" si lyka lang pala sabay yakap sakin.


Nainis ako bigla sa amoy nya kaya tinulak ko sya



"Ba-bakit?nanunulak ka na ngayon ah." si lyka na mukang gulat dahil sa ginawa ko.pumasok na sya sa loob saka ko sinara ang pintuan.umupo kami sa mga stool sa mini bar



"Naligo ka ba?ayoko sa amoy mo..ang baho mo..!" sabi ko habang naghahalungkat ng pagkain sa ref...kaylangan ko ng mag-almusal


Ng may makita akong isang karton ng gatas kinuha ko yun..kumuha narin ako ng hiniwang pinya pati na ng itlog hotdog,chocolate na nakalagay sa tupperwear ay kinuha ko sabay upo ulit sa tabi ni lyka..lumayo ako ng bahagya bakit ba ganun ang amoy nya.!?



Nakita kong inamoy-amoy nya yung damit nya pati nga hininga nya inamoy nya...natawa ako sa gawa nya tumingin sya sakin ng nakakunot-noo



"Hindi naman ako mabaho ah saka bhest bago ako pumunta dito eh naligo saka nag-toothbrush ako.baka yang ilong mo ang may problema."



"Pero kaya talaga ako pumunta dito dahil dito." sabi nya sabay labas ng maliit na paper bag..natuwa ako kaya kinuha ko yun agad..ng ilabas ko na sya eh isa palang pabango.wow ito yung gustong-gusto kong pabango noon,


"Para sakin ba 'to?salamat ah."


"Syempre bhest ayan yung kapalit ng pagsama mo sakin nung concert ni papa sky kaya yan nalang ang naisipan kong ibigay sayo." sabi nya ng nakangiti rin



Ng ini-spray ko na yun sa katawan ko ay bigla ko ring tinigil...teka ang baho naman nito.sa sobrang pagkahilo ko sa amoy eh naduwal ako kaya pumunta ako sa tiles na lababo at dun dumuwal ng dumuwal.. nakakainis..bakit ba umiba pang-amoy ko ngayon!



Ng wala na 'kong iduduwal eh bumalik na 'ko sa stool sa tapat ni lyka...lumipas ang ilang minuto pero hindi ko na naririnig yung katabi ko.bakit sya natahimik...?



Nilingon ko sya at nakita kong titig na titig sya sakin...parang may malalim na iniisip..saglit kaming nagtitigan pero bigla nyang kinumpas yung kamay nya kaya nagulat ako


Anu nanaman kayang naisip ng luka-luka na 'to..?!



"Ahm sab...kaylan ba yung huling dalaw mo?saka ang sensitive ng pang-amoy mo ah..!kain ka rin na ka-- natigil nanaman sya.


Kain lang ako ng kain habang sinasagot yung tanung nya



"Yung red tide ko ba?hahaha di ko na maalala eh saka masarap talagang kumain noh kilala mo naman ako diba..matakaw ako."


Halos maihagis ko yung kinakain ko ng bigla-bigla syang sumigaw saka nagtatatalon...nagtaka naman ako sa kinikilos nya



"Bakit ly may problema ba?"tanong ko sakanya


"Bhest.'you're pregnant.!"

MY COLD HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon