PART10

32.1K 659 11
                                        

Gabi na 'ko nakauwi sa bahay dahil ang balak lang dapat namin nang bago kong kaybigang si luis eh magkakape kaya lang nagyayaya narin ako sa amusement park..pumayag naman agad sya..ang saya pala.tinanung nya 'ko kung anu ba talaga ang koneksyon ko kay sky.nag-alangan pa 'ko pero nagsinungaling na lang ako kasi ayaw naman ni sky na malamang may asawa sya diba?!sinabi kong sekretarya nga lang nya 'ko


Pagpasok ko sa loob ng condo eh patay yung ilaw.napasuntok ako sa hangin ng maisip na tulog na si halimaw ansaya..napagod talaga 'ko dahil ang dami naming rides na sinakyan..hinubad ko na yung rubbershoes ko


Nakatingkayad pa sana akong aakyat na sa kwarto ko nang biglang bumukas yung ilaw



Nandun sya..nakasandal yung balikat nya sa pader katabi ng switch ng ilaw..nakahalukipkip pa sya habang may hawak na tasa.anu yun nagkakape pa sya sa dis oras ng gabi..?nakapadyama pa sya at sando tapos yung muka nya seryosong-seryoso na nakatitig sakin,parang alam ko na ang susunod na mangyayari



"San ka galing?" seryoso pero may bahid ng galit nyang tanung



"Ah..eh dyan lang sa tabi-tabi hehe!" Umikot ako para makaharap sya,,sabi ko habang nagkakamot ng batok sabay ngiting aso.lagot!!



"Sa tingin mo ba maloloko mo'ko?san ka nagpunta?kanina pa 'ko naka-uwi dito,,tignan mo nga yang damit mo..suot mo pa yan kanina nung pumunta ka sa opisina ko..san ka dumiretso pagkalabas mo ng building..?" ang hina ng boses nya pero mas nakakatakot yun diba.?!


"Ang totoo nyan kasama ko si luis.nagyaya lang syang magkape!"


Bumaba sya ng hagdan ng nakakunot-noo...nagsimula na syang lumakad paikot sakin..ako naman kinakabahan



Huminto sya sa harap ko..anu ba 'to di ko man lang mabasa ang susunod na gagawin ng lalaking 'to eh



Yung sunod na ginawa nya ang nagpakilabot sakin..palapit sya ng palapit sakin...yung gagawin nya parang yayakapin nya 'ko


Ayy...niyakap nga nya 'ko di ako gumagalaw tapos binulungan nya 'ko


"Siguraduhin mo lang na hindi ka gumagawa ng ikagagalit ko!"


Pagkatapos nun eh binigay na nya sakin yung tasa nya...gatas pala laman nun..-_-



"Ubusin mo yan pagkatapos hugasan mo na rin yung baso.."sabi nya ng nakatalikod habang umaakyat sa hagdan


Tignan mo 'yan...halimaw talaga..pero nagtataka lang ako yung gatas nya parang mainit pa saka parang hindi naman nabawasan.di maiwasang naiisip ko na tinimpla nya yun para sakin pero ayoko mag-assume baka madisappoint pa 'ko saka akala ko magwawala yun eh hindi naman pala.tinakot pa 'ko ng loko




Bago sya tuluyang makaakyat sa taas eh tinawag ko sya at tinanong



"Sky para kang bata..ang laki-laki mo na nag-gagatas ka parin tapos hindi mo naman pala uubusin.." sabi ko habang nakasimangot



Lumingon sya sakin ng nakakunot ang noo..lagi naman eh ano pa bang bago?


"Are you nuts!?sa tingin mo ba iinom pa 'ko ng ganyan..?!saka ikaw lang naman ang bili nang bili ng mga gatas na 'yan dito kaya para sayo yan..wag kang tanga." sabi nya sabay pasok ng kwarto nya



Napangiti ako..kahit papano mabait pala 'yung halimaw na 'yun saka ibig sabihin tama ang hinala ko..tinimpla nya nga talaga 'to para sakin

MY COLD HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon