"Oh pano bye na..i love you sab""Okay ingat sa pagdadrive i-i love you din." sabi ko na parang naiilang...hindi parin ako sanay
Ngumiti si luis sakin sabay halik sa pisngi ko.pumasok na sya ng kotse at pinaandar na 'yun
Pinapanood ko ang pag-alis ng kotse nya.ng wala na 'yun sa paningin ko pumasok na 'ko sa building
Grabe nakakapagod pero masaya..pumunta kasi kami ni luis sa enchanted kingdom..ang sarap sa pakiramdam kapag nakakapunta dun ang dami nga naming pictures na dalawa sa cellphone ko pati na yung sakanya
Pagbungad ko palang sa pinto ng unit ko eh nagulat ako
Si sky,,nakasandal sya sa pader tapos nakatingin sya sa kisame..nakapamulsa sya..para ngang ang layo ng iniisip nya
Bigla syang napatingin sa kinatatayuan ko,.tumitig muna sya sakin pero hindi ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy na buksan yung naka-lock na pintoPagpasok ko sa loob eh bumuntot sya sakin at inunahan ako sa pagpasok sa loob kaya literal akong napanganga...'ngayon ko lang nalaman na may pagka-makapal din pala muka nito ni sky eh.'
Umupo sya sa sofa sabay bukas ng tv...ewan ko ba pero parang namiss ko yung gantong eksena namin sa condo nya,..umuubo pa ko ng ilang beses baka lang kasi nakakalimutan nyang nandito sya sa condo KO.pero para talaga syang walang naririnig...'aba'.
Hindi na 'ko nakatiis at nagmartsa papunta sa harap ng tv...talagang hinarangan ko yung pinapanood nya..kumunot naman yung noo nya.nakahalukipkip ko syang tinignan sa mata.tinaasan ko sya ng isang kilay
"What is sky monteclaro doing here in my room..?"
Hindi nya 'ko pinansin at pinipilit nya 'kong ialis sa harap ng tv pero hindi ako nagpatinag.nakikita ko na ang pagka-irita sa muka nya kaya nagulat ako sa sunod nyang ginawa
Hinila nya yung kamay ko dahilan para magkalapit nanaman kaming dalawa,ayun nasa lap nya 'ko,,nakatitig na sya sakin pero ako..diba dapat hindi na 'ko naapektuhan sa titig nya
Pinipilit kong umalis sa harap nya pero malakas sya..kaya tumigil na rin ako dahil manghihina lang ako
"So..you'll signing that goddamn divorce papers..!can i ask you why so sudden my dear wife..?!" seryoso syang nakatingin sa mata ko habang hinihimas nya yung maikli kong buhok.mahina lang yung boses nya pero nararamdaman kong galit sya
Lumaban din ako ng titigan sakanya
"Diba eto naman ang gusto mo..?madaliang pakikipag-hiwalay..!binigay ko lang ang gusto mo sky dapat nga maging masaya ka"sumbat ko sakanyaMas lalo pang kumunot yung noo nya.
"Bakit?pabor ba 'to sakin o sayo?..siguro kaya mo pinirmahan agad dahil para kay luis am i right?..akala mo ba hindi ko alam na matagal na kayong nagkikita kahit kasal pa tayo..!so all this time you'll cheated on me for fuck's sake...!!" lumalakas na rin yung boses nya
"Sky alam mong hindi ko kaya 'yang mga ibinibintang mo sakin..magkaibigan kami ni luis kaya wag mo syang idadamay dito saka sky ikaw ang may gustong makipag-hiwalay sakin ng nagdesisyon ka tungkol dyan sa divorce na 'yan..wala naman akong magagawa diba..?" pinilit kong wag maiyak at mukang nagtatagumpay naman ako
Huminga muna sya ng malalim.tahimik na kami pareho
Pero nagulat ako ng kargahin nya 'ko at mukang dadalhin nya 'ko sa isa sa mga kwarto.....'whatda
"Anu ba sky ibaba mo nga 'ko..anong gagawin mo huh..?!ibaba mo 'ko anu ba..?" nagpupumiglas na 'ko sakanya pero ang lakas nya.nakita ko syang nakangisi,
"What if i don't..?" sabi nya sabay bukas ng pinto ng kwarto ko at sinara nya 'yun gamit ng pagsipa dito tapos binaba nya 'ko sa kama..tinitigan nya si skab parang may iniisip sya
"Ito ba 'yung napanalunan ko dati..?so nasayo parin 'to hanggang ngayon..!!"
Inagaw ko si skab sakanya
"Kahit naman galit ako sayong halimaw ka hindi ko kayang iwan sya sayo." sabi ko habang naka-ismid
Nagulat nanaman ako ng bigla syang pumunta sa harap ko at pumatong pa sya sa ibabaw ko...'jusko po'..
"Ho-hoy sky umalis ka nga dyan...anu bang gagawin mo..?"-kinakabahan ako at nagpa-panic pero sa loob-loob ko parang may halong saya
Bago nya 'ko halikan sa labi ay nagsalita muna sya
"I want to leave some marks in my territory before i leave this unit.."
BINABASA MO ANG
MY COLD HUSBAND
Romancearrange marriage..?! natatawa nalang si Sab Martinez sa mga ganitong salita para sakanya.ang pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal ay isang malaking katangahan pero paano nalang kung sakanya mismo mangyari ang ganitong set-up..? makuha pa kaya...