PART23

29.9K 524 7
                                    


Hayyyy...ang saya ng umaga ko naalala ko palang yung nangyari kahapon,napapangiti talaga 'ko,baka nga kung may ibang makakita sakin iisiping may sayad ako.pake ba nila masaya 'ko eh


Sinulyapan ko ang gustong-gusto kong makitang.si skab..alam nyo naman siguro kung bakit yun yung name nya pinagsama ko yung pangalan ko saka ni halimaw.speaking of halimaw sinulyapan ko yung orasan ko sa bedside table..alas otso na pala.pumasok na ata sya,niyakap ko muna si skab bago bumaba


Habang kumakain ako ng almusal biglang tumunog yung phone ko...sinulyapan ko 'to sabay kunot noo..unknown number.!sino naman kaya 'tong nang-iistorbo,sinagot ko ang tawag


"Hello"

"Is this Sab martinez?!" kabilang linya


"Oo ako nga..sino sila?may kaylangan ba kayo..?"


"Yes i want to talk to you..magkita tayo sa sailsburg restaurant one o' clock.,i'm angelie delos santos by the way.okay bye" sabi nya sabay end ng tawag 



Tignan mo 'yun..hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang makipagkita sakanya.ni hindi ko nga sya kilala eh,baka mamaya isa pala sya sa mga mandurukot oh di kaya mga nanghohostage pero umiling ako sa naisip..sa boses nya mukang hindi naman sya ganun..pero yung way ng pagsasalita nya alam ko ng may sa maldita sya,,


Napag-isip ko na sanang hindi nalang sya siputin ng may maalala ako


-flashback-

"Wag kang gagaya kay angelie ah...wag mo 'kong iiwan..i love you ashawa ko"


Oo nga!!sya ata yung binanggit sakin dati ni sky nung gabing lasing sya..kinabahan ako bigla.anu ba kaya talagang meron..?



Wala na 'kong nagawa..sya lang ang makakasagot sa mga tanong ko kaya sisiputin ko nalang sya



Nung nasa loob na 'ko ng restaurant eh luminga-linga ako sa paligid ng may makita akong babaeng kumakaway...nakangiti sya sakin.sya na siguro 'yun...nakangiti ko rin syang binati at nilapitan


"Hi ikaw ba si angelie?"



"Yes ako nga.salamat at dumating ka upo ka order muna tayo bago mag-usap," nakangiting sabi nya sabay tawag sa waiter



Ng naka-order na kami at nakaalis na yung waiter eh biglang sumeryoso yung muka nya




"I'll make it straight to the point ms. sab..hindi na 'ko magpapaliguy-ligoy...you are sky's wife right?"


"O-oo ako nga...bakit mo 'ko kilala.?saka anu ba yung kaylangan mong sabihin sakin?" naguguluhan parin ako




"Hiwalayan mo si sky...!!yun ang gusto kong sabihin sayo...kung hindi mo nalalaman bago kayo magpakasal ay ako ang pinangakuan nya ng ganun ako dapat ang pakakasalan nya hindi ikaw...umalis ako sandali sa bansang 'to para umangat ang career ko,,so meaning to say wala kaming official break-up and which means kami parin hanggang ngayon..i love sky so much at hindi ko hahayaang makasal sya sa isang babaeng gaya mo na in-arrange marriage lang at walang halong pagmamahal..yes!i'm sky's girlfriend..ako dapat ang nasa posisyon bilang asawa nya at hindi ikaw...kung hindi naman ako umalis eh hindi ka nya makikilala.!" sabi nya habang nakangisi sakin





Tama nga ang hinala ko...may pagka-maldita 'to pero sa lahat ng sinabi nya sakin na sa sobrang dami eh yung stupid lang bandang huli ang tumatak sa tenga ko.aba!!kung ganyan pala eh di sige pagbigyan.



"Ang hinala ko lang may pagka-maldita ka pero mali pala 'ko malala na pala yung sayo demonyita na nga yata ang tawag sayo,,at una sa lahat at hindi sa huli...ano namang pakielam ko sayo..ikaw ang may gustong makipagkita sakin hindi ako saka yung sinasabi mong ikaw dapat ang nasa posisyon ko..eh di sayo na isaksak mo sa baga mo.at lilinawin ko lang oo arrange marriage nga lang ang nangyari samin pero alam mo maiinggit ka sa sasabihin ko sayo..dahil maraming beses na nya -'kong nahalikan sa labi.nayakap ko narin sya ng maraming beses yung may mangyayari saming dalawa wala pa hintayin mo malapit na...!saka yung tumatak sakin is yung sinabi mong umalis ka para mas lalong gumanda yang career mo...!magpapakawalang -hiya na 'ko pero siraulo nalang ang lalaking babalik sa babaeng katulad mo na iniwan sya dahil ibig sabihin mas pinili ang career nya kaysa sa boyfriend nya...kung ako ang tatanungin...mas wala kang kwenta..sa maraming buwan ko ng nakasama si sky...sapat na sakin ang isang bagay yun ay ang makasama sya pang habang-buhay may dahilan ako para hindi sya iwan kahit may sa halimaw ang taong 'yon...mahal ko sya at wag kang mag-alala hindi ko gagawin yung ginawa mo noong pag-iwan sakanya...wag mo na 'ko ulit tatawagan saka naaawa ako sayo.pinabayaan mo ang isang bagay na may worth kaysa sa bwisit na career na 'yan.hindi mo alam kung ano ang pinabayaan at pinakawalan mo." mahabang paliwanag ko sabay tayo..mas lalo lang akong naiinis ngayon dahil ginutom ako pero wala pa yung lintik na waiter samantalang pasta at ice tea lang ang inorder namin..makaalis na nga lang baka makasabunot pa 'ko ng demonyita


Bago ako maglakad palayo sakanya ay nagpahabol pa 'ko




"Ikaw nalang kumain ng lahat pati inorder ko...ikaw narin ang magbayad libre ko na sana kaya lang hindi mo 'ko binigyan ng magandang usapan...nawala na 'ko sa mood.kainin mo yun lahat baka sakaling matauhan ka sa mga ginawa mo at the same time mag sisi sa ginawang pang-iiwan kay sky...hindi mo lang alam kung gano mo sya nasaktan sa ginawa mo." sabi ko saka umalis ng walang lingon



Paglabas ko ay sinulyapan ko pa sya.nung una ay mukang galit na galit sya pero maya-maya'y umiyak medyo nakunsensya ako.tama ba yung ginawa ko pero kaylangang isampal sakanya ang katotohanan para marealize nya ang mali nya







Sumakay na 'ko ng taxi habang may halu-halong emosyon...sakit,inggit,konsensya,inis,lungkot at sakit ulit





Kasi ikaw ba naman magsalita ng dire-diretso at pagkahaba-haba na para kang nagra-rap ewan ko lang kung hindi rin sumakit at manuyo yung lalamunan mo.

MY COLD HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon