Gabi na ng dumating si sky galing sa opisina.nasa sofa ako habang nagbabasa nang libro nang bigla nyang hablutin yung binabasa ko...inis akong napatingin sakanya sabay tayo
"Akin na nga 'yan kita mong nagbabas--
"Magbihis ka!" sabi nya with his signature cold stare
"Bakit naman aber?!anung meron?"nakapameywang kong tanong sakanya,,nakakapagtaka naman 'tong halimaw na 'to
"Basta magbihis ka na lang ang dami mo pang satsat" sabi nya sabay upo sa sofa at nag-cross arm and legs pa."hihintayin na kita dito akyat na!."
Kahit hindi ko alam kung bakit sinunod ko nalang sya
Naligo muna...pagkatapos eh nag-bihis na ko ng white dress saka nag-doll shoes nalang ako gusto ko sanang mag-rubber kaya lang baka sigawan nanaman ako ng halimaw sa baba...nilugay ko nalang yung mahaba kong buhok saka nag-lipgloss tas bumaba na 'ko
Pagkakita ko sakanya ayun parang inip na inip na.naramdaman nya sigurong nandun na 'ko kaya inis syang lumingon sakin
"Ang tagal mo yan lang pala itsura mo halika na" sabi nya sabay labas ng pinto,tss kahit iniisip kong manekin ata 'tong napangasawa ko dahil parang walang expressions sa muka e ayos lang sakin,,may choice pa ba ko?
Wala 'kong nagawa kundi ang sumunod nalang sakanya.sumakay na 'ko sa sports car nya.habang pinapaandar nya yung makina eh nagtanung na 'ko
"Sky san mo ba ko balak dalhin huh?biglaan naman ata?"
"Sa restaurant na pag-mamay-ari nyo."sabi nya na seryosong nakatingin sa daan
"Huwat.?!anung gagawin natin dun?"
"Tanga ka ba talaga?!kakain malamang mag-isip ka nga"
Nagulat ako pero sumaya rin...bakit kaya?anu kayang nakain ng halimaw na 'to
'Malamang sab wala pa..kaya nga kayo pupunta ng restaurant diba!para kumain shunga mo napapahiya ka tuloy kay papa sky..'
Intrimitidang utak 'to sarili ko sinabihan akong shunga aba!
Pinalo-palo ko yung ulo ko kung anu-anong iniisip eh
Nakita naman ni sky yung ginagawa ko kaya weird nya 'kong tinignan
"Tsss baliw!!" narinig kong binulung nya.bubulong na nga lang yung maririnig ko pa,ilakas nalang kaya nya nahiya naman ako sakanya
Sana nga lang mag-enjoy ako sa pakulo nang taong 'to
BINABASA MO ANG
MY COLD HUSBAND
Romancearrange marriage..?! natatawa nalang si Sab Martinez sa mga ganitong salita para sakanya.ang pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal ay isang malaking katangahan pero paano nalang kung sakanya mismo mangyari ang ganitong set-up..? makuha pa kaya...