Medyo nawe-weirduhan na 'ko sa katabi ko..pano ba naman ay laging naka-dikit sakin.nakahawak pa sya sa bewang ko na parang akala eh tatakasan ko sya"Sky anu ba?kahit isang blink lang ng mata ko eh pwede bang bumitiw ka muna?ang init eh.saka--..
Dinikit nya yung bibig nya sa tenga ko kaya nakiliti ako.
"Diba sabi ko sayo hinaan mo yang boses mo!!..saka wag mong babanggitin pangalan ko dito baka dumugin nanaman tayo."-pabulong nyang sabi
Napa-roll eyes nalang ako.sabi nya daw kasi magdi-date kami pero sa mall nya gusto..bumulong ulit ako sakanya
"Hindi ka ba naiinitan dyan sa suot mo?nakakaawa ka namang nilalang" pang-aasar ko sakanya
Tinignan nya 'ko ng masama..nakasuot lang sya ng black jacket,tapos naka-jogging pants,anu pa nga ba?..uhm naka-sneakers syang kulay itim din tapos naka-shades sya kaya balot na balot yung katawan nya...bago nga kami umalis eh niyakap ko sya kanina sa bahay
"Payakap nga sa mukang suman," natatawa ko pang sabi sakanya kanina..tapos niyakap nya 'ko nun
Muka nga lang syang magjo-jogging..hahahaha!!.
Pumunta kami sa section ng mga damit..nakita ko pa yung poster nya sa gilid na suot yung bagong damit ng bench...tinitignan yun ng mga babae tapos titili ng"ang gwapo talaga ni papa sky noh..!naku pag-napansin nya 'ko talagang dream come true." sabi nila.
Well sorry nalang sila..kasi ako ang asawa ng hinahangaan nila
Natigil ako sa pag-tingin sa mga babae at lumingon sa pwesto ni sky pero wala na sya sa tabi ko ng may malakas na boses ang nagsasalita.sino ba yung eskandalosong 'yun?!aware na syang nasa mall sya para sumigaw?
"Hoy ano ba?tumingin ka nga sa dadaanan mo..kung magjo-jogging ka wag dito alam mo bang muntikan na kaming mangudngod ng girlfriend ko sa sahig huh!!..ano tatahimik ka nalang ba dyan..hindi ka ba magso-sorry sakin saka sa girlfriend ko..?!" bulyaw sakanya ng lalaki..yung babae naman sa tabi nung lalaki eh nakasimangot habang nakatingin sa kaharap nila..
Si sky yun ah..!!..
Lumapit ako sakanila
"Ano hong problema rito.?" tanong ko sa lalaki
"Miss kasama mo ba 'tong lalaking 'to?pakisabihan mo nga..nangbubunggo eh." inis na sabi ng lalaki.
Yung babaing mukang hito naman yung nagsalita
"Oo nga...clumsy naman nyan saka paki-sabihan mo nga 'yang wag magjo-jogging dito sa mall." nakangiting sabad ng babaeng mukang hito..medyo gumagawa na ng ingay 'tong dalawang mag-syota na 'to..dahil may mga tao na sa paligid namin..yung iba eh tumatawa na dahil sa mga sinasabi ng mag-syotang nasa harap namin,,tss pakialam ba nila sa outfit nitong asawa ko?sila nga dapat nasa dagat pinuna ko ba sila?!
"Kung ano man yung nagawa nitong asawa ko eh ako na ang humihingi ng tawad."hinging paumanhin ko
"Hindi kami basta-basta tumatanggap ng sorry eh..anu kaya kung sumama ka nalang sakin miss." nakangiting sabi nung lalaki
Tss..hindi ba nya alam na allergic ako sa hipon tapos sasabihin nya sakin sasama raw ako sakanya
Hahawakan na sana nung lalaki yung muka ko ng may humawak sa wrist nya.halos lahat kaming nasa paligid eh napa-tingin kay sky na parang may itim na aura sa paligid,,parang kikidlat ata a,
"Subukan mong idampi yang marumi mong kamay sakanya kung ayaw mong mapunta sa morgue ng maaga!." Mariing banta ni sky,.grabe naman ang violent,,pero a-layk-dat hihi
"A-anung sabi mo?ang tapang mo ah." Bulyaw ng lalaki sakanya
Tinulak ng lalaki si sky kaya napa-upo sya sa sahig..tumilapon narin yung shades nya saka yung hood ng jacket nya eh natanggal na sa ulo nya..inalalayan kong tumayo si sky...pinapagpagan ko pa yung pwetan nya saka yung jacket nya..parehas kaming nagtaka kung bakit natahimik ang paligid..nagkatinginan kami at nanlaki yung mata ko
"Yu-yung muka mo sky...ki-kita na."
"The fuck!" pabulong nyang sabi..parehas pa kaming tumingin sa paligid...titig na titig samin yung mga tao..yung mag-syota naman sa harap namin eh parang namutla saka tinuro ng babaeng mukang hito si sky..
"I-ikaw s-si sky.." sabi ng babaeng mukang hito ulit
Nagkatinginan pa kaming dalawa ni sky saka nya ko niyakap at binulungan
"Ready ka na bang tumakbo?"
Tinignan ko sya sa muka saka tumango ng sunod-sunod
Hanggang sa natagpuan nalang namin ang mga sariling tumatakbo dahil hinahabol na naman kami ng mga kababaihan at flashes ng cameras
BINABASA MO ANG
MY COLD HUSBAND
Romantikarrange marriage..?! natatawa nalang si Sab Martinez sa mga ganitong salita para sakanya.ang pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal ay isang malaking katangahan pero paano nalang kung sakanya mismo mangyari ang ganitong set-up..? makuha pa kaya...