Nandito lang ako sa veranda habang nakatingin sa labas.hindi parin kasi mawala sa isip ko yung naging pag-uusap namin nung angelie na yun.kitang-kita ko talaga sa mga mata nya kung gaano nya kamahal si sky.,dalawang araw simula ng pag-uusap namin ay hindi na nga sya tumawag.malamang nasaktan ko yata sya sa mga sinabi ko,
"Ano na namang ini-emo mo dyan.?!" narinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko.,
Lumingon ako at nakita ko si halimaw na nakataas ang kilay habang nakatingin sakin..hindi ko sya sinagot sabay balik ulit ng tingin sa labas,..tumabi sya sakin at tinignan din nya ang tanawin sa harap namin
Tinignan ko muna sya...mukang malalim din ang iniisip nya..maya't-maya ang pagbuntonghininga nya hanggang sa humarap sya sakin
"magbihis ka."
Nagtataka akong tumingin sakanya..para akong tanga na nakanganga pa
"Ha..?!"
"Sabi ko magbihis ka..nakalimutan mo ba na ngayon ang celebration ng kumpanya dahil sa patuloy nitong pag-unlad..hihintayin kita sa baba." sabi nya sabay tulak sakin papasok sa loob para magbihis
Wala akong nagawa kundi magbihis pero hindi pa 'ko nakakalayo ay tinawag nya 'ko
"Sab.!"
Napalingon ako
"Mmm?"
Matagal syang tumitig sakin..ang weird nya ngayon promise
"Wala sige na.magbihis ka na." sabi nya sabay baba dala yung coat nya
Nagbihis na 'ko ng puting dress tapos pinusod ko yung buhok ko pero nag-full bangs ako...nagsuot ng hikaw saka nag-lipgloss lang ng konti.pagbaba ko nakita ko si sky na nakatitig sakin.parang ang lungkot nga nya ngayon eh bakit kaya..?
"Halika na malapit ng mag-umpisa yung event." sabi nya sabay akbay sakin.okay weird nya talaga ngayon
Ng nakarating na kami sa hotel convension center eh marami ng tao...puro negosyante,,anak ng negosyante basta negosyante --__--
Inakay nya na 'ko pababa sa kotse nya at sabay kaming pumasok sa loob.sinabi nya na maiwan raw muna nya 'ko dahil may kakausapin sya...pumayag naman ako saka nilibot ang tingin sa kabuuan ng hotel.grabe ang laki at ang lawak pa gabi na kasi kaya kitang-kita ang mga nagagandahang ilaw
Nakita ko yung buffets.natakam ako kaya pumunta ako dun at kumuha ng maraming pagkain...ngumiti sakin yung waiter at ganun din ang ginawa ko sakanya at nag-hanap na 'ko ng table...nakita ko naman si mia at kinawayan nya 'ko...naka-upo sya sa unahan wala syang ka-table kaya dun na 'ko pumwesto
"Hi mia..ang ganda mo ah asan nga pala sila dad rog saka sila mama alice.?!" sabi ko habang nag-umpisa ng kumain
Tumawa ng mahina si mia habang nakatingin sakin
"Hi po Ms.sab ang takaw nyo po pala.sila sir at mam po ba..?kausap po nila si sir sky.mamaya po kasi si sir sky ang magspeech para sa event na 'to,saka thank you po sa compliment.kayo rin po maganda"
"Ahhhh.okay salamat" sabi ko habang kumain parin...maya-maya'y umakyat na si sky sa isang maganda at malawak na stage,,seryosong-seryoso ang muka nya..ang gwapo nya lang.tumapat na sya sa mic at nagsimula ng magbigay ng speech nya
BINABASA MO ANG
MY COLD HUSBAND
Romantizmarrange marriage..?! natatawa nalang si Sab Martinez sa mga ganitong salita para sakanya.ang pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal ay isang malaking katangahan pero paano nalang kung sakanya mismo mangyari ang ganitong set-up..? makuha pa kaya...