PART22

31.8K 561 2
                                    

Hindi ko talaga alam kung anung nakain ni sky at biglang nagyaya sa mall kesyo sabi nya gusto raw nya mamasyal...panu naman ako?eh ayoko ngang lumabas ng bahay pero syempre yung gusto nanaman nya ang nasunod bandang huli kaya wala na 'kong nagawa kundi magpatianod nalang


Pagpasok na pagpasok palang namin ng mall eh marami nang matang nakatingin samin...puro kababaihan,nung una eh nagtaka 'ko kung bakit pero naalala ko nga pala na singer at model itong halimaw na kasama ko...lumalabas kasi sya minsan sa tv tapos nagsimula nang magsilapitan ang mga kababaihan samin....ayan na!!nagkakagulo na...susmaryosep>_<hello people i don't want to much attention,char lang haha




Nagulat ako ng biglang hawakan ni sky yung wrist ko..mahigpit yung pagkakahawak nya,dinudumog na kami ng mga tao..nakayuko na sya habang mabilis na naglalakad..,parami na ng parami yung mga tao..


"Shit.."
narinig ko pang bulong nya tapos mas lalo nya pang binilisan yung lakad hanggang sa takbo na ang ginawa namin,mas dumami na yung humahabol samin...daig pa namin ang gumawa ng krimen na hinahabol ng mga alagad ng batas.

Ang sakit na ng paa ko kakatakbo namin



"Sky anu kaya kung ikaw nalang ang magtago,ikaw lang naman ang hinahabol nila eh,dinamay mo pa 'ko sa pagtakas mo..!" sabi ko habang tumatakbo.



Lumingon naman sya sakin,,,ang talim naman tumingin nito,,sya na nga ang nangaladkad



"Pwede ba tumahimik ka muna,," sabi nya sabay tingin sa likuran ko,tiningnan nya yung mga humahabol samin,hanggang sa kakatakbo namin ay may nakita syang arcade..yung section ng mga laro,,yung may token,..nakita naming may dalawang guard na nakabantay malapit dun kaya hinila nya 'ko saka nya kinausap yung mga guwardiya.



"Pag-nagtanong sainyo yung mga humahabol samin sabihin nyo hindi nyo alam maliwanag!" sabi ni sky sa dalawang guard na naroon,tignan mo 'tong halimaw na 'to ganyan makipag-usap sa mas matanda,,tumango nalang sila kaya pumasok na kami sa loob ng arcade,,



"Let's stay here for a while." sabi nya sakin sabay kuha ng phone nya sa bulsa ng pantalon,,may tinawagan syang jeorge at william ata ang pangalan..tapos sinabi nya sa mga kausap nya na ialis kami sa mall na 'to ng hindi kami makikita o mapapansin ng mga tao.napangiti ako ng ibaba na ang tawag,tumingin sya sakin ng walang ekspresyon yung muka,



"May pinapunta na 'kong mga tao para ialis tayo rito..tsk,! not a good time to go for malling." sabi nya sabay upo sa tabi ko



"Busit namang buhay 'to oh!pinagod mo pa 'ko sa mga nangyari sayo,.sabihin mo nga sky hobby mo na ba talagang kung hindi ako barahin eh bwisitin naman.?!" sabi ko sakanya habang nagpupunas ng pawis,



Hindi sya sumagot pero naglabas sya ng kulay itim na panyo sa bulsa nya saka nya 'to inabot sakin.



"Oh..aanhin ko ''yan..?"tanong ko



Napakunot nanaman yung noo nya sabay dutdot nung panyo sa noo ko.



"Kainin mo.masarap 'yan pag-naubos mo sabihin mo sakin marami pa 'kong panyo sa bahay natin...ang slow mo talaga kahit kaylan..syempre pawis ka na kaya ipunas mo sa muka mo..may iba pa bang pwedeng gawin sa panyo bukod sa pampunas ng muka?ahh alam ko na!!ginagamit din yan sa iba't-ibang trick sa magic...magpalabas ka nga ng ibon..-_-" sabi nya ng naka-poker face


Malapit na talaga 'kong makasuntok ng asawang pilosopo...konti nalang,,


"Che.!" sabi ko nalang sabay punas ng panyo sa muka ko.ang bango naman ng panyo nya,,,amoy downy yung kulay black.sinulyapan ko sya at nakita ko syang seryoso yung muka nya habang nakatingin sa screen ng cellphone nya,..kahit naka-side view sya ang gwapo talaga kahit muka na syang haggard dahil sa kakatakbo namin kanina.nagulat nalang ako ng bigla syang magsalita ng hindi tumitingin sakin,,



"Stop staring at me baka hindi ako makapag-pigil halikan kita ulit."-sabi nya.nakita ko syang ngumisi,,halimaw talaga



"Tss.sky hindi mo 'yan kayang gawin in public."


"Wanna try me?" sabi nya ng may naghahamon na tingin sakin.."you know kaya kong gawin 'yun kahit saan."


Napalunok ako..eeerrrr wag nalang,pwede sa bahay nalang..ay anu ba yan sab nagiging baliw ka na rin..dumudumi nanaman tuloy si utak ko


"Sige alam ko naman yun eh...wag na"



Nagulat nalang ako ng hilahin nya 'ko sa isa sa mga rides...nagpapalit muna sya ng mga tokens,.


"Habang nagpapalipas tayo ng oras,,i-try muna natin yung mga games dito." sabi nya...tumango nalang ako


Pumunta kami dun sa may mga stuff toys na laruan...yung kukunin mo sa pamamagitan ng nakasipit sa taas tapos yung ikaw mismo yung magkokontrol para makuha mo yung laruan



Nakarami na 'kong try pero wala talaga akong makuha kahit isa..ang cucute panaman...si sky nandun lang sa gilid ko nakasandal sa salamin habang kumakain ng lollipop,.nadismaya ako.nakita ata ako ni sky kaya hinawi nya ako papunta sa gilid at sya ang nag-hulog ng token dun sa coin slots




"I-ikaw ang kukuha..?" sabi ko sakany ng may di-makapaniwalang muka..para akong bata ngayon


Lumingon muna sya sakin sandali ng may lollipop parin sa bibig.



"Bakit masama?!.saka kanina pa kita nakikita..nakakaawa ka kasi,alam mo...mali ang pagkuha mo sa mga 'yan..dapat may sarili kang strategy oh eto ah watch."
sabi nya sabay tingin ulit dun sa loob na may mga lamang manika pero hindi na 'ko nakatingin sa nilalaro nya..sakanya ako mismo nakatingin.parang seryoso talaga sya ng sabihin nyang kukunin nya yung manika.focus na focus sya.,,hanggang sa di ko na namalayan na may mga bata naring tumitingin sa ginagawa ni sky,napa-yess sya sabay suntok sa hangin,

So ganito pala ang isang side nya?how cute



Nanlaki yung mga mata ko ng makita kong may hawak na syang dalawang malaking stuff toys...nakangisi pa syang lumapit sakin



"Kuya ang galing nyo naman po..at ang gwapo nyo pa po," sabi ng bata sa tabi ko...ay may bata pala dun,nilapitan sya ni sky ng nakangiti sabay luhod para magkapantay sila ng cute na batang 'yon



"Okay dahil sinabi mo 'yan...oh eto sayo na 'tong isa ingatan mo 'yan ah." sabi ni sky habang pinapat nya yung ulo ng bata tapos inabot na nya sa bata yung isang malaking pink teddy bear...ngumiti naman ng malaki ang bata sabay yakap ng mahigpit sa teddy bear



"Salamat po kuya ang bait nyo po" sabi ng bata."papangalanan ko po 'tong Sky kasi po idol ko po kayo sige na po ba-bye na po." kumaway na yung bata sabay alis at lapit sa nanay nya.may sinabi sya sa nanay nya saka nya tinuro si sky.napatingin naman yung ginang kay halimaw sabay ngumiti at nag-wave gumanti rin ng ngiti at kaway si halimaw



Tapos binalik nya yung tingin sakin.inabot nya sakin yung stuff toy na malaki at kulay violet..octopus ang design nun ang cute sobra kaya tinanggap ko na



"Salamat sky ah.di ko alam na mahilig ka pala sa bata saka ang cute nitong nakuha mo." sabi ko habang nakangiti sakanya




"Sabi ko naman sayo eh.. oo mahilig ako sa bata,,ikaw kaylan ba tayo magkakaroon ng batang kasama..?!" sabi nya habang nakatitig sakin.anu nanaman kayang iniisip ng halimaw na 'to?



Tumalikod na 'ko at lihim na napangiti,,balang araw...magkaka-anak din tayo,,




Naglakad-lakad pa kami ng mall ng wala ng masyadong tao.

MY COLD HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon