PART7

32.6K 600 3
                                    

Nagising nalang ako kinaumagahan dahil sa paulit-ulit na may nagdo-doorbell sa baba.sino naman kaya yun.?
Tinignan ko yung oras sa wall clock sa kwarto ko.alas-nuebe na pala nang umaga


Bumaba na 'ko sa hagdan at kakamot-kamot pa ng ulo na binuksan ang pintuan at bumungad sakin ang naka-ngiting muka ni mommy alice..mommy ni sky


"Oh iha.goodmorning sayo." si mama


"Goodmorning din po ma..ano pong kaylangan nyo?pasok po muna kayo sa loob.wala na po si sky pumunta na sa office nya." patuloy ko


"Ay hindi naman si sky ang pinunta ko rito..ikaw anak!"


"Ako po?bakit po?" tanong ko sabay turo sa sarili


"Kasi ipinahatid sakin ni roger 'tong envelope na 'to.ibigay ko raw sayo..ang totoo nyan gusto ni roger na ikaw ang maghatid ng envelope na yan kay sky saka para raw makita mo yung kumpanya ng papa roger mo."


Saka nya inabot ang isang brown envelope sakin kaya agad kong tinanggap

"Ganun po ba?sige po dahil request ni papa." sabi ko na nakangiti


Anu ba 'yan!nautusan pa..makikita ko nanaman yung halimaw kong asawa..pero si mama naman ang nag-request kaya pagbigyan na


Anyways..after ng chatting namin tungkol sa pamumuhay namin ni sky eh nagpaalam na rin si mama..bago sya tuluyang umalis sa condo eh binigyan nya ako ng isang tanong na sya namang ikinawindang ko ng bongga



"Sab anak kaylan nyo ba kami balak bigyan na mga magulang nyo ng apo.?isa't-kalahating buwan narin kasi kayong kasal eh.tumatanda na kami at dapat may mga bata na kaming maabutan,"

Syempre sinabi kong darating din kami dyan pero sa isip-isip ko.talagang wala akong balak na ibigay ang puri ko..lalo na sa cold na halimaw na yun noh.!!


Pagkaalis ni mama eh naligo na 'ko saka nagbihis ng parati kong porma.black rubbershoes,black tshirt,saka pantalon na medyo may kupas saka ko itinali ng papusod yung buhok kong hanggang dibdib...syempre may alam naman akong pambabae kaya nag-pulbo lang ako ng konti saka lipgloss..tinignan ko yung sarili ko sa salamin at ng ma-satisfied na 'ko sa porma ko eh lumakad na 'ko



Tsss..pero makikita ko nanaman si halimaw..ihahatid ko lang naman yung pinapabigay ni dad tapos aalis rin ako,,di lang kasi ako isa sa mga nababaliw na babaing avid fan ng asawa kong halimaw

MY COLD HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon