Chapter 4

1.1K 30 3
                                    


"What do you think? Hatid na kita?"


Kapag tatanggi ako mas mag-iisip siya na may itinatago ako. Pero ano bang nasa isip ng lalaking ito at biglang gusto akong ihatid sa bahay.


"Salamat sa alok pero kaya ko naman umuwi mag isa, Sir."


Nalukot ang mukha niya. Hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig mula sa akin.


"I am just concerned with your safety, Miss Valeria Calustre."


I rolled my eyes. Hindi ako naniniwala. Buhat makita niya si Aidan naging ganyan na ang akto niya. Iniisip niya ba na anak niya si Aidan dahil kamukha niya ito?


Biglang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bag, si Mama ang tumatawag.


"Hello ma? Nasa campus pa ako, pero pauwi nadin ako."


"Sige nak, dalian mo, nilalagnat si Aidan, ikaw ang hinahanap."


Biglang napuno ng pangamba ang puso ko. Naka loud speaker pala ang tawag kaya narinig ito ni Sandriel.


"Aidan has a fever?" Biglang humina ang boses niya.


"O-oo." Hindi ako makatingin sa kanya.


"Hatid na kita, your son needs you." Nahuli ko ang pagtanaw niya sa malayo.


"S-sige."


Nauna siyang maglakad at nakasunod lang ako. Hindi ko na nadaanan ang locker area dahil sa pag-aalala ko. Wala akong choice kundi magpahatid kay Sandriel kasi kung magco-commute pa ako for sure gagabihin ako lalo sa daan  dahil sa traffic.


Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat, pumasok ako at nag fasten ng seatbelt.


"Which way?"


I directed him pero wala akong balak na sabihin ang eksaktong address ng bahay ko.


"Daan muna tayong drugstore, bibili akong gamot."


"Okay."


Huminto ang sasakyan sa tapat ng drugstore, lumabas ako at nagulat pa dahil lumabas din siya. Hindi nalang ako nagtanong kasi hindi naman siya sa akin sumunod, pumasok siya sa katabing grocery store at ako naman ay sa drugstore pumasok.


Nag text si mama ng gamot na bibilhin ko, after ko mabili ay agad na din akong lumabas pero wala pa si Sandriel.


Ilang minuto din siguro bago ito makalabas ng grocery store dala ang isang pack ng prutas at may iba pang sa tingin ko ay diaper at gatas? Teka diaper at gatas ba talaga 'yan?

Hiding the Professor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon