"Mommy mommy, wake up..." Nagising ako sa ingay ni Aidan. Sumambulat sa akin ang nakangiting mukha ni Aidan. She's clinging on me and sitting on my lap.
"Hey baby," I hugged him and kissed his forehead.
"Tara na, nauna na mama mo." Halos makalimutan kong may kasama nga pala kaming walanghiya na lalaki. Sinamaan ko siya ng titig.
"Sinabi ko bang hintayin mo'ko?" Iritableng saad ko.
"Well this is my car." Mayabang niyang sagot.
"Ay sorry naman, edi ikaw na mayaman." Mahinang bulong ko. Lumabas kami ni Aidan at nag park naman si Sandriel sa maliit na parking space sa gilid.
"Wait for me baby..." Sigaw ni Sandriel na nagpalingon kay Aidan. Lumapad ang ngiti ng anak ko at hinila ako. Tumakbo siya palapit kay Sandriel at humawak sa isang kamay nito. Dibale nakahawak kami kay Aidan sa magkabilaan.
"You're acting weird towards my son." Asik ko kay Sandriel. Tila nandilim ang mata niya ngunit wala naman siyang sinabi.
"Let's get inside, gumagabi na." Monotone ang boses niyang sabi.
It took us 5 hours to arrive here pero okay lang the place is nice at fresh pa ang hangin. Nakakapagod at gusto ng mahiga ng katawan ko sa kama.
"Ito na ba si Aidan, malaki na ah." Salubong sa amin ni Lola Marietta, nanay siya ni mama.
"Yes la, ito po si Aidan." Sagot ko at nagmano sa matanda. Pinagmano ko din si Aidan. Tumikhim si Sandriel at nagpakilala.
"I'm Sandriel Altamonte, mano po." Agad siyang nagmano kay Lola.
"Kay gwapo, ito ba ang ama ni Aidan?"
Nabilaukan ako sa sinabi ni Lola. Agad akong umiling.
"No la, he's just a friend." Mariing tanggi ko. Salubong na naman ang kilay ni Sandriel.
"Ganon ba," tila dismayadong tugon ni Lola. "Oh siya sige, derecho na sa hapag kakain na tayo."
Pinauna ko na si Aidan andon naman si mama sa kusina. This old house reminds me of many childhood memories. It's so nice to be back here again with my son.
"Where's your grandfather?"
"He's dead three years ago."
Agad ko siyang hinarap. "Bakit ka nga pala sumama? Sino nag imbita sayo?" Hindi ko na napigilang tanungin siya. "Did my mother told you na magbabakasyon kami dito?" Puno ng pag-aakusa ang boses ko.
"Anong masama sa pagsama ko? It's also my break week."
BINABASA MO ANG
Hiding the Professor's Son
RomansaDespite what happened to Valeria Calustre, she was able to raise her child without the father's support. Okay naman ang lahat not until she meets again with the father of her son. Started: December 28, 2022 Finished: February 22, 2023