Chapter 14

1K 33 10
                                    


Expect the unexpected, ito yon eh.


Irish hugged Sandriel in front of me. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa sandaling iyon ngunit may kusa yata ang puso ko dahil para itong tinutusok ng maraming karayom. Sandriel is too stunned to respond ngunit niyakpa din niya pabalik ang babae na animo'y nangulila dito ng matagal. Honestly, they picture a perfect relationship. 


"Irish, I didn't know you're back. What a surprise it is." I can feel the enthusiasm in his voice, his eyes glistening with a feeling of longing and maybe love. After all she's the love of her past. 


Hindi ko na sila kayang pagmasdan, para akong itinulos na kandila na umuupos.


Tila nawala na kami sa kanilang mundo kaya mabilis kong hinila si Aidan at umalis kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako mag react gayong wala namang kami ni Sandriel in the first place. Naagawan ng oras yong bata. Rason ng utak ko. Nagsisi ako na pinuri ko pa yong babaeng nabangga ko kanina, kung alam ko lang na sisirain niya ang magandang bonding ng mag-ama sana nilumpo ko nalang siya kanina. Harsh, pero iyan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.


"Mommy, why did we left tito pogi? Diba po he said he will buy me food?" Tanong ng anak ko habang hawak ko siya sa kamay, nakasakay kami sa escalator. Wala talagang kamuwang-muwang ang anak ko sa mga nangyayari sa paligid niya.


Pinili kong huwag nalang sagutin si Aidan dahil hindi ko alam ang isasagot ko, tiningnan ko lamang siya. Naguguluhan ang kanyang mga mata. 


"And whose that girl hugging tito pogi, mommy?" He added, napapikit ako. Siya ang dating kasintahan ng ama mo, baby or maybe not, dahil mahal niya parin ito. Who knows?  Nais kong sambitin at isagot kay Aidan ngunit alam kong mas lalo lang magiging complicated ang lahat. Humigpit ang hawak ko sa maliit niyang kamay at nang tuluyan na kaming maibaba ng escalator ay hinila ko na si Aidan sa exit ng mall. 


Ang bigat ng pakiramdam ko, tila disappoited din ang anak ko sa nangyari. "I know that you're hungry sa Jollibee ka nalang dadalhin ni mommy ha? We'll eat there and after that we will go home." Lumuhod ako para makapantay ko si Aidan, tumango naman siya at ngumiti. Napaka-inosente mo pa Aidan, wag ka sanang lalaki na kagaya ng ama mong gago.


Habang kumakain si Aidan ang aking isipan naman ay naglalakbay sa kung saan-saan. Wala akong gana kumain kahit ang totoo ay gutom akong nagpunta ng mall kanina pero dahil sa nasaksihan ko kanina ay nawala ang gutom ko kaya si Aidan nalang ang inorderan ko.


Ano na kaya ang ginagawa nila sa mga oras na ito? Siguro miss na miss nila ang isa't isa, of course matik na'yan. Maybe they're on a date by now, watching movie or eating together. Tangina nila, magsama silang dalawa. Nakita lang niya yung babaeng muntikan na niyang mapakasalan nakalimutan na agad niya kami ng anak niya, huh that jerk!


"Mommy, are you okay?" 


Natauhan ako bigla at narealize ko na napunit ko na pala lahat ng tissue sa mesa, mabuti nalang at may wipes sa bag ko kaya iyon nalang ang ipinampunas ko sa bibig ni Aidan na may ketchup.


Naiinis ako sa sarili ko dahil ang babaw ng rason ko, walang kami. Period. Wala akong karapatan, period. So why I am overreacting over things that in the first place I don't own? 

Hiding the Professor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon