I didn't know that Sandriel is really that significant in the school dahil kahit kasi hindi na siya nagtuturo doon ay napapag-usapan parin siya. Ang gwapo niya naman kasing professor panigurado marami ang nakakamiss sa mukha niya at hindi sa mga itinuturo niya.
Mag-isa lang akong nakaupo sa bench sa ilalim ng puno malapit sa cafeteria, lunch break iyon at punuan ang cafeteria at maingay pa doon. Gusto kong mapag-isa para mag-isip ng mga bagay-bagay.
Iniisip ko ang mga bagay na nangyari mula noong magbakasyon kami sa hometown ng nanay ko at higit pa roon ay iyong gabi na pinagsaluhan namin ni Sandriel. Parang wala lang nangyari pero alam ko sa sarili ko na ginusto ko din iyon. Wala akong mahanap na pagsisisi sa loob ko na sa muling pagkakataon ay bumigay ako kay Sandriel.
"I love you, Val. Hindi ako pwedeng magkamali, sigurado ako na narinig ko siyang sinabi iyon." Ang tanong na lang ay kung totoo niya ba iyong naramdaman o dala lang iyon ng impluwensiya ng alak? Hays, nakakabaliw naman ito.
Nabalik ako sa aking huwisyo ng tumunog ang cellphone ko, hinalukay ko iyon sa loob ng bag. Isang unregistered number ang tumatawag. Nagtatalo ang loob ko kung sasagutin ko ba o hindi, pero sa huli ay sinagot ko nalang din at baka importatnteng tawag ito.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ng marinig ko ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.
"Sandriel? Pano mo nakuha ang number ko?"
Tumawa ang nasa kabilang linya. Adik ba 'to?
"Hiningi ko sa nanay mo, sorry. Di ka kasi nagseseen sa IG kaya nagpunta nalang ako sa inyo para hingiin kay tita ang number ko tsaka nakipaglaro narin ako kay Aidan." Mahabang paliwanag niya.
"You mean nasa bahay ka ngayon?"
"Yes, andito nga ako. Tsaka kung okay lang sayo isasama ko si Aidan, punta kaming mall. Kung okay lang sa'yo?"
Bigla akong natahimik. Bakit naman niya iyon gagawin?
"Pero kung ayaw mo, ayos lang din. Dito nalang kami sa inyo." Tila humina ang boses niya. Narinig ko si mama na sumigaw.
"Payagan mo na, anak. Hindi naman kikidnappin ni Sandriel iyang apo ko."
Saglit akong nag-isip, in the first place may karapatan din naman si Sandriel sa anak niya.
"Oh sige, basta bantayan mo ng maigi 'yan. Malikot pa naman si Aidan pag nasa mall." Bilin ko, narinig ko ang mahinang yes ni Sandriel na animo'y nanalo sa lottto. Napangiti ako.
"Thank you, Val. Pangako, I'll take care of Aidan..." Inilayo niya ang cellphone at sumigaw, "buddy, payag na mommy mo." Narinig ko pa ang pagpalakpak ni Aidan sa kabilang linya. Hinaplos naman sa tuwa ang puso ko.
"Ipakausap mo nga ako kay Aidan." Narinig ko ang mga yapak ni Sandriel lumalapit yata ito sa anak ko Mayamaya ay narinig ko na ang magiliw na bati ni Aidan.
BINABASA MO ANG
Hiding the Professor's Son
RomanceDespite what happened to Valeria Calustre, she was able to raise her child without the father's support. Okay naman ang lahat not until she meets again with the father of her son. Started: December 28, 2022 Finished: February 22, 2023