Sandriel Altamonte won after all. Nailipat si Aidan sa isang private hospital after the blood transfusion. Sandriel makes sure that everything is comfortable for Aidan. Tutol naman talaga ako sa gusto niya na ilipat si Aidan ngunit wala na akong nagawa kasi pumayag si mama. Mas maayos nga daw iyon kasi mabilis na makaka-recover si Aidan sa hospital na mas advanced ang facilities and equipments.
Successful naman ang nangyaring blood transfusion at sobrang nagpapasalamat ako kay Sandriel. Kanina nang pumasok ako sa kwarto, seeing Sandriel holding the hand of my son hits different. Ang daming realization. Pero hindi pa ako handa. I guess I will never be ready.
"Kilala ko ang doctor na magmomonitor kay Aidan. He's doing better baka next days ay ma discharge na ang anak —" He slightly paused, "...mo."
I heave a deep sigh, "salamat ng marami..." mahina ang boses ko.
"I didn't do this for you, I did the favor for Aidan, and don't forget about the condition."
Bigla akong kinabahan, napalunok ako ng laway bago tumango.
Masyado nga sigurong madami ang nangyari sa akin sa loob ng isang linggo. Mabilis na naka recover si Aidan mula sa pagkaka dengue, after two days of confinement sa private hospital ay na discharge din kami. Of course Sandriel paid for the bills dahil ideya niya naman iyon na ilipat ang anak niya sa pribado at mamahaling hospital na'yon.
Tapos na ang finals and we were given one week break as our rest day. Nagplano kami ni mama na bibisita kami sa probinsya, sa hometown niya. Doon muna kami magbabakasyon sa loob ng isang linggo. It's a nice city escape.
"Baby, are you excited?" Lumapit ako sa anak kong nakaupo sa couch. We're all set and ready to go, our things are packed hinihintay nalang namin ni mama ang taxi na binook niya, iyon ang mag hahatid sa amin sa hometown ni mama.
Tumango lang siya kaya napangiti ako. He and Sandriel really looks identical. Hindi maikakaila na mag-ama sila. Maybe Sandriel hinted about it already. Pero hanggat di naman siya nanggugulo, wala akong problema.
"Anak, nandito na ang sasakyan."
"Okay, ma." I answered.
"Let's go baby?" Kinarga ko si Aidan. Nag lock muna ako ng bahay.
Halos mawalan ako ng balanse sa nakita. Anong ginagawa ni Sandriel dito?
"Ma?!" I sounded mad. Tila kumulo ang dugo ko, ito ba ang sinasabi niyang sasakyan na binook niya?!
"Oh bakit? May problema ba? Ayaw mo niyan, libre. Tsaka pa thank you nadin yan sa pagtulong niya sa atin lalo na sa apo ko." Pinandilatan ako ni mama.
I saw him smirk. Ano na namang nasa isip ng lalaking 'to?
Nagising si Aidan sa balikat ko. Luminga-linga ito at nang makita niya si Sandriel ay gumalaw galaw ito sa balikat ko.
"Yes, baby?"
"Down."
Humigpit ang hawak ko sa kanya. Pero ibinaba ko din. He ran to Sandriel at nagpabuhat. I gasped at napatingin sa malayo, may kung anong kirot sa puso ko.
"Mag-ama nga sila." Bulong ni mama sa tenga ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kagagawan niya din ito. Akala ko ba siya mismo ang magbabalat ng buhay sa nakabuntis sa akin, bakit sinasabotahe niya sarili niyang anak?
Gusto ko na talagang murahin si mama sa oras na'yon. Ano bang naisip niya at nagawa niyang isama si Sandriel? How on Earth did my mother contacted that guy? This is unbelievable.
I kept rolling my eyes on the backseat. Feel na feel naman ng walang hiya ang mag drive sa front seat, katabi niya si Aidan. Malaki ang ngiti ni mama sa tabi ko at kung hindi ko lang talaga 'to nanay baka kanina ko pa 'to sinabunutan.
Napataas ang kilay ko when Sandriel played a nursery songs on the stereo. Wow ha, prepared? Pumapalakpak si Aidan sa harap at sumasabay naman sa kanta si Sandriel. Father tandem yarn? Sanaol, edi wow. I can't stop myself na mag-ikot ng mga mata. I can't deny the fact na may parte sa puso ko na natutuwa sa nakikita ko ngayon.
"Union of the father and the son." Ngingiti ngiting anas ni mama sa tabi.
"Shut up, ma!" Sa irita ko'y di ko napigilang sawayin si mama.
"Mukhang mahaba pa ang byahe, tita. You can sleep po, gigisingin ko nalang kayo." Saad ni Sandriel, hinto niya sa sasakyan sa may gilid ng daan. He put a pillow on the neck of Aidan dahil nakatulog ito.
"Ako na." I said ngunit masamang tingin lang ang nakuha ko sa kanya. I heard my mother giggling beside me kaya naipasa ko sa kanya ang masamang tingin. Tumikhim lang ito at tumingin sa labas.
"Ikaw din, matulog ka." He said to me at initsahan ako ng neck pillow.
What the hell! Pinandilatan ko siya ng mata ngunit ang walang hiya walang pake at bumalik lang ang atensyon sa manibela. He started the engine at tuloy ang aming byahe.
What lies ahead on this trip?
BINABASA MO ANG
Hiding the Professor's Son
RomansaDespite what happened to Valeria Calustre, she was able to raise her child without the father's support. Okay naman ang lahat not until she meets again with the father of her son. Started: December 28, 2022 Finished: February 22, 2023