Dumating ang pagkain na inorder ni Sandriel, masyado itong marami para sa aming tatlo.
"Di kaya masyado lang marami ang pagkain na inorder mo? Baka di natin maubos."
"Don't worry about it let's just eat."
"Okay."
Napaka-galante naman ng ama ng anak ko. Napangiti ako. I usually don't eat a lot kapag nasa labas pero parang ganado ako ngayon. I let Sandriel assist for Aidan, pinapakain niya ito. Tuwang-tuwa naman ang anak ko habang sinusubuan ng tatay niya.
"Picturan ko kayo..." Saad ko. They both look at the camera, Sandriel showing his slight smile while my baby has smudges of food on his face. They look so cute together. Ilang shots din iyon.
"Dapat kasali ka." Sandriel took his phone at hinila ako palapit sa kanya, tumikhim lang ako at hinayaan siyang kumuha ng litrato naming tatlo.
"Sunset mommy..." Aidan is so amazed at the beautiful scenery of the sunset. Tumayo ito at tumakbo papunta sa railings na naghihiwalay sa Boulevard at baybayin. Sinundan ito ni Sandriel at kinarga. I took a picture of them while they are both amazed by the golden scenery that seems like hope in this chaotic, painful, and deceiving world.
I am amazed too, hindi ko lubos maisip na dadating ang araw na'to na mayayakap at makakasama ni Aidan si Sandriel.
"Come here, Val. Wag kang kj!" Sigaw ni Sandriel.
"Wow ha, ako talaga ang kj?" I laughed at humabol sa kanila.
"Look at that scene, ang ganda." Saad ko.
"Mas maganda ka." Tumawa siya. Wait lang, uminit ang pisngi ko. I looked away to hide it from him.
"San pa ba magmamana si Aidan kundi sa akin." Proud na sabi ko.
"Aidan looks like me, sa akin yata siya nagmana." Malumanay niyang sabi. Na out of balance ako dahil sa sinabi niya. Maagap niya namang nahuli ang beywang ko at nahapit ito palapit sa kanya. I felt my heart racing rapidly as I am so close with him.
Hindi ako gumalaw o nagsalita man lang, hinayaan ko ang ganong posisyon ng aming mga sarili. Siya habang karga si Aidan at ako na nakadikit sa kanya, his other hand on my waist.
"Let's just stay this way for a while... I just want to savour this moment." Napatingin ako sa mukha niyang may bahid ng lungkot. I didn't know you has this side, Sandriel. Nakakatakot kasi unti-unti kong nagugustuhan ang side ng pagkatao mong ito.
"Okay..." I rested my head on his side.
Nagpababa si Aidan kaya ibinaba ito ni Sandriel. Pumagitna sa aming dalawa si Aidan at hinawakan kaming dalawa sa kamay.
"This is beautiful..." Sandriel said.
"It is..."
BINABASA MO ANG
Hiding the Professor's Son
RomanceDespite what happened to Valeria Calustre, she was able to raise her child without the father's support. Okay naman ang lahat not until she meets again with the father of her son. Started: December 28, 2022 Finished: February 22, 2023